"RINE!" Rinig kong sigaw ni Raver.
Nasalo ko ang disc na ilang inches nalang ang layo sa mukha ni Ma'am Dean. Pero sa pagsalo ko, naramdaman ko ang biglang pag init ng palad ko. Napapikit ako sa lakas ng pagkakatapon ni Raver.
"Ma'am, sorry po!" Saad ko at halatang nagulat siya sa nangyari dahil ilang segundo pa bago siya kumurap. Agad na nakalapit sa amin si Mavy.
"Ma, ayos ka lang?" Tanong niya na puno ng pag-aalala. Tumango lang si Dean at inayos ang salamin niya.
"Ayos ka lang ba, Ms. Zaneta?" Tumingin siya saakin saka binaba ang tingin sa kamay ko.
"Opo." Pero bigla kong naramdaman na parang may tubig na tumulo mula sa palad ko.
"Ma'am! I'm so sorry po, nalakasan ko ang pag throw!" Sigaw ni Raver na halatang kabado at takot habang tumatakbo papalapit saamin. Tumango lang si Dean sakanya. "Rine, okay ka la- anak ng!"
Nanlaki ang mga mata niya ganon rin ang mga mata ko nang makitang tumutulo ang dugo sa palad ko. Sobrang pula at mainit. Hindi ko alam gaano kalalim ang gasgas ng kamay ko pero sobrang daming dugo ang nag uunahan lumabas. Hindi na ata gasgas ito a.
Pumito si coach at si Dean naman, inutusan ang intern na tumawag sa clinic para kumuha ng first aid.
"S*** Rine, sorry talaga. Hindi ko sinasadyan." Bakas sa boses ni Raver ang pagkaka taranta. Kinuha niya ang disc sa isang kamay ko. Sa gilid ng nasirang parte ng disc merong dugo at parang balat ko ata.
"Dang it. This should be replaced." Binali ni Raver ang disc sa gitna sa sobrang inis.
Nagulat ako ng kunin bigla ni Mavy ang kamay ko at tiningnan ang palad ko. "Mukhang malalim." Pagkasabi niya nun, naramdaman ko bigla ang pag hapdi ng sugat ko. Ano ba yan, late reaction?
"Malalim talaga." Dugtong ni Dean. Hindi parin humuhumpay ang pagtulo ng dugo. Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Unang beses ito na nasugatan ako ng ganito kalaki kaya OA na sa OA pero hindi ko alam anong gagawin.
"Tara sa clinic." Nagsimula ng maglakad si Coach pero pinigilan ko siya. Ayaw ko sa clinic. Pakiramdam ko nasa hospital ako which is a place na kinaaayawan ko.
"Sa pavilion nalang po, Coach. Parating na rin naman ang first aid. Ayos lang to." Hindi ko na sila inantay pa na magsalita at naglakad na ako papuntang shell pavilion. Sumabay sa paglalakad saakin si Mavy at Raver na walang tigil sa paghingi ng sorry.
"It's okay, Raver. It was unintentional anyways. You're not at fault."
Nag pout siya na parang puppy na nanghihingi ng treats. "Papatayin ata ako ni Reagan pag nagkataon." Tumingala siya at nag slump ang likod niya. Mukhang dalawa kami ang mapapagalitan kung sakaling makita man ito ni Reagan... kung sakali.
Hinila ni Mavy ang kamay ko na tumutulo pa rin ang dugo. Mukha naman akong naaksidente nito. Tinakpan niya ito ng naka ilang fold na panyo at diniin. I flinched with the sudden pain but managed not to gasp.
"Pressure helps the bleeding to stop. Bear with the pain for awhile." Bulong niya at hinawakan lang ang kamay ko habang naglalakad hanggang sa dumating ang doctor ng clinic namin.
Nasa left ko si Mavy at Dean, sa kabilang gilid ko naman si Coach Del at Raver habang si Doc, nasa harap ko at chini-check ang kamay ko. Ako ang na pre-pressure para sa kanya. Obserbahan ka ba naman ng mariin habang nagtatrabaho ka. Ang ibang mga players, pinag break muna ni Coach.
"Oh God." Biglang sabi ni Doc William pagkatapos bahagyang huminto na ang pagdurugo. Nararamdaman ko na ang sakit. Nakita kong hindi biro ang lalim ng sugat at hindi rin malinis ang pagkakagisi nito.
BINABASA MO ANG
Her Dandelions
Fiction généraleWhat if time intervenes? As the wind blew in the field of dandelions, there were a million wishes waiting to be answered, holding onto hope. Rine's wish was one of those though she was hopeless. Born in a wealthy family, Zhyrine Alicia Zaneta was ch...