Chapter 3

8 3 24
                                    


"Dahil sa naturang digmaan isang epidemya ang umusbong, tinatawag itong 'The Great Change' bakit The Great Change ang tawag? Simple lang, dahil ito ang naging sanhi ng pagkakaroon ng apat na distrito sa ating mundo, sa madaling salita dahilan kung bakit nahahati ang mga tao sa apat na lahi." Pagkwekwento sa amin ni Professor Azul, ang kanilang guro sa Manipulation 2.

Sa Manipulation, dito kami tinuturuan upang maisaayon at magamit ng maayos ang bawat manipulation ng mga Elementalist. In my case? I am under Meditation.

Naki sit-in lang naman kasi ako dito sa klase nina Shyrel, matapos kaming ipatawag ni Hazel at ang pag-sabog ni Law sa ginawa ni Heather, na siyang pinaiwan muna nito ni Prof. Belbedier at pinauna kaming magpahinga, ay dito kami dumeritso, and yes sumama na lang ako dahil sinabihan din naman ako ni Prof. Belbedier kanina na wala si Miss Calista na siyang nag-aasist sa akin sa Meditation.

Miss Calista came from 1st District, she was destined here because of me.

Pa special kasi.

Well ganun na nga, kasi wala din namang ibang magtuturo sa akin ng Meditation maliban na lang kung galing ito sa 1st District.

Meditation wasn't even taught here at EHU or Elementalist Haven University. Kasi under sila sa Manipulation. Basta ganun.

Di nga pumayag si Professor Azul na maki sit in ako dahil wala naman raw akong mapapala. Kita mo yun? But since I am a member of The Gladiators, special exemption ako dun.

"Ibig sabihin ba nun Prof. noong mga naunang panahon ay walang mga kagaya natin?" nakuha ng atensyon ko ng tinanong ito ng isa sa mga kaklase nila Shyrel.

And speaking of Shyrel, medyo tulala pa rin siya habang nakatingin sa malayo na paminsan-minsa'y sa akin habang gumuguhit. Hinayaan ko na lang muna kasi alam ko kung ano ang nasa isipan nito.

"As a theory, yes," sagot ni Prof. na umani ng samo't saring reaction sa loob ng klase.

"If it's a theory," bungad ng isang estudyanteng di ko kilala, habang nilibot ang paningin hanggang sa tumigil ito sa akin, "then maybe one of us remains ordinary," sabi niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa akin, and as she notice I am also looking at her, she smirked.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka binalik ang atensyon sa harapan kung saan pabalik-balik naman ang tingin ni Prof. Azul sa amin ng kaniyang estudyante.

Napahawak ito sa kaniyang sintido, "it was a just a Theory Ms. Transchester, maaaring totoo, maaaring hindi," seryosong tugon niya, narinig kong napaupo ang alam kong kamag-anak ni Heather dahil sa apelyedo at pagiging isa sa earth manipulator at kahit hindi ko man tignan alam kong umirap ito. "Pero—" mahabang bitin ni sir at tumingin ito ng seryoso sa akin, "may conclusion na ang mga Mortal ay isang malaking bahagi ng The Great Change," sabi niya na siyang ikinatigil ng aking paghinga.

No way.

I heard murmurs, pero balewala lahat sa akin ang mga iyon, kasi ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ni Prof.

Am I?

I shook my head, ofcourse not! Malabo namang mangyari yun, kasi sa Magical Forest ako natugpuan, and when it said Magical, meaning hindi makakaapak o makapasok ang isang normal o ordinaryong tao doon maging ang isang sanggol na kagaya ko noon.

Dahil gaya ng 1st District, nababalot ng mabigat na atmosphere ang Magical Forset dahilan na malapit lamang ito sa boarder line ng nasabing distrito.

So don't overthink Neci.

"Neci? Tulala ka," pukaw sa akin ni Law na hindi ko namalayang nakalapit pala ito sa aking pwesto at tapos na ang kanilang discussion. Ganiyan siguro pag sit-in ka lang sa isang klase, wala kang kamalay-malay sa paligid.

I sigh.

"Ang lalim nun ah," tugon ng lalaking katabi ko, I glance at him and he gave me his sweet smile. As always

"May iniisip lang," maiksing saad ko.

"Kung tungkol iyan sa sinabi ng taong lupa kanina, hayaan mo na, wala namang katuturan yun eh, ako na ang humihingi ng dispensaya," sabi ni Law.

Mataman ko itong tinignan, nakayuko ito habang nilalaro ang kaniyang mga daliri. I heard him sigh umangat ito ng tingin at saglit kaming nagtitigan. Those grayish eyes of his.

"At si Heather.," pasimulang salita nito, "mabait naman yun, kababata ko siya diba?" paalala niya sabay ngiti na tila'y may naalala.

"Hindi naman ganiyan ang ugali niya noon, masayahin siya nung bata pa kami, pero nagbago lang ang lahat ng biglang parang bula nawala ang kaniyang Ina," malalim itong napabuntong hininga tsaka tumingin sa bandang kanan.

I also glanced at what he was looking for, there I saw Heather na kakapasok lang dito sa loob with a sad facade yet she hurriedly change it in just a glimpse into a bitchy look as she notice me —us glancing at her, pinanlakihan ako nito ng mata.

Hindi naman ako nasindak o ano pero ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Nakita ko pang sinundan ito ni Law ng tingin.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya ito napalingon.

"Sus! Ikaw ha, may pa kababata-kababata ka pang nalalaman," tukso ko dito na lalo niya lang ikinapula.

"Tumigil ka Neci," saad niya and I just silently mimicked him.

Busangot itong tumayo at niyaya akong lumabas na rin, nilibot ko ang aking paningin pero bigo akong hindi natagpuan ng aking mga mata si Shyrel.

Tampurorot pa rin ang babaitang yun?

"You two, in the Dean Office now," bungad sa amin ni Abyss.

Where the heck did he came from?

I heard Law sighed and looked at me.

"I guess no cafeteria for now," sabi ko at bagsak balikat na lumukad kung saan ang opisina ni Dean.

Ano na naman kaya ang kailangan niya? Last time we went there, it was a bomb!

Until I realized something, —maybe it's about what I and Hazel did? At idagdag pa yung nagawa ni Heather??

You got to be kidding me.

"Ang lalim ulit ng iniisip natin ah," Law commented na ngayon ko lang ding napansin nasa harap na kami ng opisina ni Dean.

Am I that preoccupied?

I shook my head.

"Ok, sabi mo eh," tila nagsusukong saad nito bago binuksan ang pintuan, tumaas ang kilay ko ng minewestro nito ang kaniyang katawan to a slightly bow.

"Mauna ka Binibini," abi niya sabay curtsy.

"Bolero," komento habang umiiling-iling.

Narinig kong sumunod din ito sa akin, and I saw Heather's Bitchy strict face like I am her prey and she was my predator.

Ano bang bago?

"Hayaan mo na," sabi ni Law na katabi ko na ngayon, pansin kong wala pa si Dean —but speaking of,

"Ok, we'll just wait for—" hindi niya naitapos ang sasabihin dahil sa isang lalaking seryosong pumasok dito sa opisina.

Una kong napansin ay ang kaniyang mga gintong mata, golden eyes? No way!

"Greetings my Lord," bati ni Dean sa kaniya.

And we on the other hand remained shocked and starstrucked to this creature!!

A freaking Demigod! A deity!

What is he doing here—

"Sorry we're late, but I guess we're not that late,"

Or should I say, what the pit of districts are they doing here?

Napabaling kami sa isang babaeng nagsalita mula sa pintuan, gaya ng naunang lalaki, she also had the golden pair of eyes.

Demigods.

Celestia Academy: School of DeitiesWhere stories live. Discover now