[4.1] Sweet Revenge

846 5 0
                                    

Lyall's POV

Hmmmm.. Ano ba yan.

Parang may kumikiliti sa legs ko.

Umagang umaga nambubulabog. =____=

Di niya ba alam ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung iniistorbo ako pag natutulog?

Pagtripan mo na ang lasing,

Wag lang ang taong bagong gising.

=______=

Pataas ng pataas ung pag himas niya sa binti ko.

"Ano baa...." biglang naging himas with matching may halik na.

Wow. Multi-tasker.

"Isa..." bilang ko.

"Dalawa.. Tatlo... Apat... Babe marunong akong magbilang. Kahit papaano may pinag-aralan ako kahit ganto ako." sabi ni David.

Di ka talaga matinag ah...

"Ayan! Yan ang nararapat sayo! Leche! Umagang umaga minamanyak mo ako!" sigaw ko.

Tinulak ko siya at napa-upo siya sa sahig.

What a morning.

"Eto naman si Babe. Linalambing lang eh. >3<"

"LAMBING?! Yan ba ang tinatawag mong lambing? Eh minamanyak mo na nga ako eh!" bulyaw ko. Pag ganitong kulang ako sa tulog ibang Lyall talaga ang makikita mo.

Hmpf. Buti di pa ako nakaka pag fully transform.

"Sorry na babe."

"Kailan pa ako naging baboy David?"

"Eto naman. Maligo ka na nga muna. Ihahanda ko lang ung breakfast." sabay tulak sa akin sa c.r

"Kpayn. Pag di masarap yang luto mo. Ikaw lulutuin ko." sabi ko.

Pumasok na ako ng c.r at nag shower na ako.

Ang sarap ng maligamgam na tubig.

Ilang araw ko pa kaya makakasama yung David na yun?

Iniisip ko pa lang para na akong ginigisa. -________-

Natapos na ako maligo at nagdamit na. Long sleeves at Pajama.

Mabuti na ang safe. Wahaha.

Bumaba na ako at nakita kong nakahanda na ang mga pagkain. Mukhang masarap magluto itong

Aki na toh ah.

Tinikman ko yung luto niya and voila! Ang sarap nga kahit simpleng fries rice, scrambled egg and bacon lang yun. ^____^

"Wow. Aki. Buti naman may iba ka pang kayang gawin kaysa sa pangma-manyak mo ^___^" sabi ko.

Napakunot naman ang noo niya.

"Ba't naka-ganyan nanaman ang mukha mo?" tanong ko sabay subo ng Fried Rice.

"Who's Aki?" sagot niyang patanong din.

"Ikaw? Short for manyAKIs. The one and only."

"Grabe naman babe. Ang ganda ganda ng tawag ko sayo tapos bakit ganyan yung akin at bakit naman balot na balot ka? Para kang suman. " tanong niya.

"Eh sa ganun ka eh. Wala ka ng magagawa at mabuti na ang safe. Baka mapagtripan nanaman ako ng masamang nilalang dito." sagot ko.

Buti na lang pinaalala niya! Humanda yan mamaya sa aking SWEET revenge. Grrrrr.

"Pinatatamaan mo ba ako?"

"Natamaan ka ba?" taray kong tanong.

Nakasimangot na siya.

HAHAHA!!!

Everything goes well according to plan. ^____^

Ang saya saya ko pero taray mode muna tayo ngayon.

"Aki. Dahil ikaw naman ang nagluto, ikaw na din maghugas ng mga ito." sabay turo sa mga utensils.

Oha! Diba. Like a boss lang?

Akalain niyong napapasunod ng isang Lyall itong artistang manyakis na toh.

BWAHAHAHAHA!!!!

David's POV

Nakakabadtrip!

Kanina pang utos ng utos si Lyall.

Ako naman sunod ng sunod. Tsk.

Nakakainis na. Kung ano ano lang naman yung mga inuutos eh. Like, 'Kunin mo yung remote.' eh nasa harap lang naman niya.

Tss.

Kanina pa puro ganun mga inuutos.

Buong araw na nga eh.

'Kunan mo ako ng tubig!'

'Aki! May ipis! Patayin mo!'

'May langgam sa table. Tanggalin mo. Huhu!'

Aisshhh!

Ako? Si David Perez? Inuutus utusan lang? Psh. -______-

Umakyat na lang ako sa taas at dumiretso sa kwarto.

Itutulog ko na lang ito. Amp!

Lyall's POV

Yun! Eksaktong natutulog si David.

Sinadya ko talaga siyang inisin because it's part of the plan.

Pumasok ako sa c.r at nag half bath ako. Itinali ko ang buhok ko in a bun at medyo messy siya.

Nagtapis lang ako ng twalya.

--------------------

A/N:

Ano na ang sweet revenge ni Lyall for real?

Anong mangyayari kay David?

HOT ba ang magiging next U.D?

ABANGAN

-Zan

STRANGER DANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon