Tinalikuran ako ni freen at saka siya naglakad paalis, nakatingin lang ako sa kanyang habang papasok siya sa kotse niya.
Gusto kong magsalita, gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa parang may nakabara sa lalamunan ko
Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, nang wala na roon si freen unti-unti naman tumulo ang mga luha ko,
Mas mabuti nang ganito, mas mabuting lumayo na lang siya.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni mommy
"Nat"
Tumayo ako at binuksan ang pinto, malungkot ang mukha ni mommy ang nakita ko
"Are you okay?" Tanong ni mommy, pumasok siya sa loob at umupo sa gilid ng kama
Umupo ako sa tabi ni mommy at marahan tumango, ilang araw narin kasi ako hindi pumapasok sa office nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko
"Anak, ayoko kong magkaroon ka ng regret sa buhay mo" hinawakan ni mommy ang kamay ko "Kung ano ang gusto ng puso mo sana sa pagkakataon na'to sundin mo, mahirap mabuhay puno ng pagsisisi."
Pagkasabi iyon ni mommy lumabas na rin siya sa kwarto ko, hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Tama si mommy
Kinabukasan nagising akong puyat dahil hindi ako masyadong nakatulog, kakaisip hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nag drive ako papuntang tagaytay, pagdating ko nakita ko si engineer leo busy siya roon kaya hindi ko na siya inistorbo
Umikot ang paningin ko ngunit wala akong nakitang freen, hindi ba siya pumasok ngayon?
Buong maghapon akong naghintay kay freen dahil kailangan ko siyang makausap pero wala siya wala akong nakitang freen, nahihiya naman ako magtanong kay leo.
Pagabi na kaya napag-isipan ko nang umuwi
"Ms Armstrong," napatingin ako kay leo palapit siya sa'kin "Pwede bang makisabay sayo?"
Gusto ko man tumanggi pero nahihiya naman akong sabihin yon, kaya tinanguan ko siya.
Sumakay si leo sa passenger's seat, tahimik lang kami walang gustong magsalita. Nakakabingi ang katahimikan.
"Engineer leo, hindi ba pumasok ngayon si Ms Sarocha?" Tanong ko kanina ko pa gustong itanong to sa kanya
"Nag-resign na si Ms Sarocha sa project sa tagaytay."
Kaagad kong nahihinto ang kotse sa pagkabigla, nag resign si freen? Pero bakit? Lumayo nga siya? Nilayuan niya ako?
Tulala ako pagkarating ko sa bahay, anong gagawin ko ngayon? Hahanapin ko ba siya? Pero saan? Saan ko siya hahanapin?
Buong gabi hindi ako masyadong nakatulog kakaisip kung saan ko hahanapin si freen. Kinabukasan naligo na ako at nagbihis, paglabas ko ng kwarto aabutan ko si mommy nag bre-breakfast.
"Good Morning mom" bati ko matamlay akong umupo sa table.
"Okay ka lang anak?" Tanong ni mommy napansin ata niyang puyat ako
"Okay lang po mom may iniisip lang kaya hindi ako masyadong nakatulog" sagot ko
Tumayo si mommy may kinuha siya doon sa bag niya at ibinigay iyon sa'kin
"Baka sakaling makatulong yan sa iniisip mo" sabi niya habang nakangiti
Kumunot ang noo ko nang makitang address iyong nakalagay sa maliit na notes
Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto ang gustong ipahiwatig ni mommy sa'kin tumayo ako at niyakap siya
"Go na puntahan mo na siya, sana sa pagkakataon wag mo ng pakawalan"
Tumango kay mommy bago nagmamadaling lumabas.
Sa pagmamadali ko sumakay na lang ako ng taxi ibinigay ko sa taxi driver ang address na ibinigay ni mommy sa'kin, mabuti na at nagtaxi ako dahil hindi ko alam kung saan iyon
MD
BINABASA MO ANG
SHE SUCKS AT LOVE
RomanceIsang babae ang gustong maghiganti dahil sa nangyare sa kanyang ama, ngunit hindi niya akalain na sa kanyang balak siya rin pala ang mapapahamak at makakasakit ng damdamin ng ibang tao. Ating alamin ang kwento nila Nathia Becky Armstrong at Finley F...