Chapter 25

1.1K 52 3
                                    

Mula sa pagkakahawak ni freen ng palapulsuhan ko, mabilis ko rin 'yon nahila kaya napahinto siyang lumingon sa'kin.



"I said I'm okay" sabi ko


"You're no-"



"Okay lang nga ako diba!"  I cut her off "Don't ack like you care"




Tumalikod na'ko at pumasok sa loob ng gym, after kong mag exercise at nag shower umuwi na rin kaagad ako.




Wala akong ginawa maghapon next week pa naman ang pasok ko sa work, yon kasi ang sabi ni mommy. Si daddy naman hindi ko masyadong nakikita dahil sobrang busy niya.





"Mia umuwi na tayo" inis kong tinignan ang dalawa



Nandito kami ngayon sa bar kakarating lang namin, ayoko sana sumama pero wala na akong magawa ng hatakin ako ng dalawang to.




"Kakarating lang natin" si riya ang sumagot



Nakaupo na kami ngayon sa table si mia naman ng order ng maiinom.



"Nat yung ex mo" natakip pa ng bibig si riya


"Omg" salita ni mia kakarating lang



Napalingon tuloy ako kung saan nakita ko si freen sa kabilang table, may kasama siya roon. Hindi ko na 'yon pinansin uminom na lang.




Medyo lasing na'ko kaya nakikipagtawanan nako sa dalawa, lalo pa kaming tumawa dahil maraming lumalapit na lalaki para makilala ako yung iba naman gusto nilang humingi ng number ko. Si mia at riya ang nakipag-usap sila rin ang gumagawa ng palusot para umalis ang mga lalaki.





Nagpaalam ako sa dalawa na bibili lang ako ng tubig, dala dala ko ang bottle of water naglakad ako palabas para magpahangin. Medyo na lalasing na ako kailangan kong uminom ng tubig para mawala to.






"Shit" hindi ko mabuksan ang bottle, ilang ulit ko 'yon pinilit buksan pero hindi ko talaga mabuksan.





Nagulat ako nang may biglang lumapit sa'kin at kinuha niya ang bottle mula sa kamay ko saka niya binuksan, walang ka hirap-hirap niya 'yon nabuksan. Pagkabukas niya binigay narin niya sa'kin.




"Thanks" tinanggap ko yung bottle, tumingin ako sa kanyan at sakto naman nakasalubong ang mga mata namin "Freen!" Umiwas ako ng tingin saka uminom ng tubig.




Wala naman kibo si freen sa tabi ko kaya hindi rin ako nagsalita, baka tulad ko gusto niya rin magpahangin. Balak ko sanang pumasok sa loob nang marinig ko ang boses ni freen.





"Are you okay?" She asked



Baka 'yong tinanong niya iyong kanina, napahawak tuloy ako sa noo ko "Yeah" maikling sabi ko bago nagpatuloy pagpasok sa loob. Umupo ako sa table ulit at nagsimulang uminom, sumasakit na ang ulo ko pero umiinom parin ako tumigil lang ako nang maramdaman ko ang pagkahilo. Tumayo ako at naglakad papunta sa C.R 




Pagpasok ko sa C.R bigla akong napahinto nang may maalala ako, unti-unti na rin nag-init ang mga mata ko.




"Tapos na ang lahat okay na ako ngayon kaya wala ng reason para umiyak pa ko" umiling ako bago naghilamos.





Paglabas ko ng C.R muntik pa kong matumba buti na lang may humawak sa braso ko, hilong-hilo na'ko.




"Lasing kana" sabi ng humawak sa braso ko




Kunot noo akong tumingin sa taong nakahawak sa braso ko  "Freen? Ikaw na naman?" Wala sa sariling tanong ko "Bakit mo ba ako sinusundan? Alam mo bang ayaw na kitang makita" Pumiyok pa ko.





Nakita ko bigla ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin siya  sa'kin, naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa braso ko. Bago pa niya  tuluyan bitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko nakaramdam ako ng pagkahilo pero bago pa ako tuluyan matumba naramdaman kong may humawak sa bewang ko kaya napasubsob ako sa dibdib ng taong 'yon kasunod non ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko.






Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, napahawak pa ako sa ulo ko bago minulat ang mga mata ko. Una kong nakita ang puting kisame sumunod kong tinignan ang paligid ko, kumunot ang noo ko dahil hindi ito ang kwarto ko.




"Nasaan ako?" Napatanong ako sa sarili ko bago bumangon, naghilamos muna ako sa C.R bago lumabas napatingin rin ako sa suot ko nang mapansin iba na ang suot lalo tuloy akong naguguluhan.




Paglabas ko ng kwarto nangunot lalo ang noo ko dahil nakita ko si freen nasa kitchen siya nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya ako nakita.




Nasa condo pala niya ako, iba na ang design at mukhang bago na rin ang mga gamit na narito. Tumikhim ako kaya lumingon siya sa'kin.




"Gising kana" sabi niya



Obvious ba? Nakita na nga niya ako diba, syempre hindi ko 'yon sinabi. Hindi ako nagsalita nakatingin lang ako sa kanya nagtataka.



"Kumain kana muna" sabi niya na kinairap ko



"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko "Wag kang umaktong na okay na tayo, dahil ang totoo hindi naman, sinabi ko na sayo ayaw na kitang makita kahit tignan ka ayoko na"




Hindi siya nagsalita nakatingin lang siya sa'kin ngayon, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.



"Kaya please lang layuan mo na ako, okay na ako wag mo na akong guluhin pa" pagkasabi ko naglakad na ako palabas.




Okay na ako kaya mas okay na to, ayokong may ugnayan pa kaming dalawa dahil pagnagpatuloy to baka ako lang din ang mahihirapan.




Pagdating ko sa bahay nag shower na ako nag text si sean na dumating na siya, kaya nagbihis ako dahil magkikita kami ngayon.



Nag drive ako papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni sean, pagpasok ko sa loob nakita ko kaagad si sean tumayo siya at lumapit sa'kin.





"Hi nathia" He greeted me "Long time no see, how are you?"



"I'm fine" ngumiti ako sa kanya



Nag-usap kami ni sean while eating, kung ano-ano na lang pinag-uusapan namin Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa mall wala naman akong bibilihin sinamahan ko lang si sean.




"See you tomorrow" Paalam ni sean "Here for you" He smiled and give me a paper bag. Binuksan ko kaagad 'yon. It was a small bag, mamahaling bag.





"Thank you" sabi ko na lang




Nagpaalam na si sean, gusto pa sana niya ako ihatid pero sabi ko wag na dala ko naman ang kotse ko. Bago umalis si sean niyakap pa niya ako nagulat ako ng humalik siya sa pisngi ko. Pagkaalis ni sean kaagad akong napatingin sa paligid ko hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na baka may makakita sa'min.





"Gosh" umiling-iling ako bakit ko ba siya iniisip? Ano naman kung makita niya? In fact wala lang naman siya sa'kin ngayon.







Naglakad ako papunta sa parking lot kung saan nandon ang kotse ko, pagkarating ko nangunot ang noo ko nang may taong nakasandal doon. Kinakabahan akong lumapit




"Freen?" Gulat na sabi ko nang makilala ko siya, anong ginagawa niya dito?








MD

SHE SUCKS AT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon