Chapter 29

930 39 12
                                    

Nathia Becky Point of View


THAT'S IT!


Nasa sofa kami ngayon nasa tabi ko si freen pero hindi siya nakatingin sa akin.




Natahimik kaming pareho pagkatapos niyang magsalita. She told me everything that happened simula nong pumunta kaming dalawa sa bahay. Parang hindi pa nagpo-process sa utak ko lahat ng sinabi niya sa'kin.





"Freen." I called after a long silent,  natuyo na ang mga luha sa mata ko, lumingon si freen sa'kin hindi siya nagsalita mukhang hinihintay niya ang sasabihin ko





"I'm sorry" I said in a low voice almost whispered "Pero bakit hindi mo sinabi?"  Nahirapan ako noon pero wala akong kaalam-alam na mas nahirapan siya noon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa?!" Ulit ko subalit nanatili siyang tahimik. Malalim ang tingin niya sa'kin.





"Naiintindihan naman kita na ayaw mong mapahamak ang dady mo pero kung totoong wala naman siyang kasalanan lalabas din naman ang totoo at kung ayaw sayo ni daddy pwes panutanay natin na hindi tayo susuko, kahit ayaw pa satin ng buong mundo. Wala naman akong pakialam doon kasi ikaw lang naman ang mahalaga sa'kin, p-pero mas pinili mong iwan na lang kita"  Ang kaninang natuyo kong luha ngayon ay unti-unting nabubuhay






"H-how can you do this to me?" I started crying again "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong saktan ako at kung bakit magsinungaling sa'kin?" My voice broken "Girlfriend mo ko e."  I said with so much pain in my heart.






Tumayo ako at naglakad paalis bubuksan ko na sana ang pinto nang may yumakap sa'kin mula sa likod.




"I'm so s-sorry" She's crying too  "Don't leave me"





"B-bakit ngayon mo lang sinabi yan?" I asked nanatili padin siyang nakayakap sa likod ko "Yan 'yong mga salitang gusto kong marinig sayo noon, hinihiling ko noon na sabihin mo sa'kin na wag kitang iwan pero hindi mo ginawa kaya wag mo nang sabihin sakin ngayon dahil huli na ang lahat"  I was breathing heavily.  Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin "Just accepted the fact that we are gone."






Pagdating ko sa bahay nakita ko kaagad si mommy at daddy nasa living room lumapit sa'kin si mommy pero hindi ko siya pinansin naglakad ako papunta sa kwarto ko pagkapasok ko ini-lock ko ang pinto. Napaupo ako sa sahig unti-unti na naman ang paglandas ng mga luha ko. Parang bumalik lahat ng sakit noon, humahagulhol akong nakayakap sa tuhod ko.








Bakit ganito? Bakit naging ganito? Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit sakit ang binigay? Wala ba akong karapatan umibig at maging masaya?





Hindi ko alam kung kasalanan ko ba talaga o hindi lang talaga pabor ang tadhana na ibigay ang kasiyahang gusto ko.



Nakakapagod na lahat.

I was exhausted.



Kinabukasan maaga akong nagising at maaga rin akong umalis sa bahay, pagkatapos kong maligo at nag-ayos umalis na ako.





Nag drive ako papuntang tagaytay, hindi ko alam pero dito kong naiisipan pumunta gusto kong mapag-isa muna siguro makakatulong to upang makapag-isip ako ng maayos. Ilang araw akong nag stay sa resort ayoko na munang umuwi ayoko rin mag isip ng kung ano-ano dahil alam ko sa sarili ko na ako lang din ang mahihirapan.






Nakatayo ako ngayon habang tinatanaw ang napakagandang karagatan. Payapa at tahimik ang paligid sana ganito rin ka-payapa ang puso ko.





SHE SUCKS AT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon