Chapter 9

367 7 0
                                    

Chapter 9

"Uwi na tayo," nakangising saad ni Dale ng tumingin ito sa kanya. Napailing na lang si Y ng mapatingin sa wristwatch na suot niya. It's four in the morning.

"Akala ko gusto mo ng dito tumira. Kanina pa kitang inaayang umuwi, ngunit parang gusto mo pa yatang saidin ang laman ng boteng yan. Gayong pwede mo namang iuwi. Hindi ako kokontra sayo na."

"Kaya love na love kita Yahir eh," anito ng hawakan ni Dale ang mukha ni Y at hinalikan ito sa pisngi.

"B*stard!" asik ni Y ng itulak nito si Dale dahilan para mahulog ito sa silyang kinauupuan nito.

"Grabe ka naman. Nagpapasalamat lang eh."

"Tumayo ka na dyan at wag ka ng magdrama Montalvo hindi bagay sayo."

"Tss."

Pagkarating nila sa labas ng club ay natanaw pa ni Y ang taong sinadya nila doon para makita. Napailing na lang siya dahil matagal din siyang naniwala sa mga ito. Kailangan lang niyang mapatunayan ang katotohanan at hindi talaga niya mapapatawad ang totoo may sala.

"Ingat pag-uwi Y, o ihahatid pa kita?"

"I can go home alone. What do you think of me? A child?"

"Nagtatanong lang eh. Galit agad. Sige na. Send me a message when you get home. Wag mo akong pag-alalahanin," nakangising turan pa ni Dale.

"Tss. You too. Take care a*shole," naiiling pang saad ni Y at nagkanya-kanya na silang sakay ng mga sasakyan nilang dala.

Nasa bungad na si Y ng papasok na daan patungo sa bahay niya. Nararamdaman na niya angbkakaibang lamig ng paligid. Kahit sabihing nasa kamaynilaan pa rin ang bahay niya. Masasabi niyang malayo iyon sa polusyon tulad ng bahay ng iba. Iyon na yata ang pinakadulo ng sentro. Para na rin iyong sa probinsya.

Malamig ang hangin na kanyang binabagtas. Kaya pinatay niya ang aircon ng sasakyan at binuksan ang bintana ng kotse niya. Habang dinadama ang malamig na pagsamyo ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan.

Naalala na naman niya ang mga magulang niya. Namimiss niya ang mga ito sa panahong sobrang busy ng daddy niya tapos ay hahanap ng pagkakataon sa araw ng linggo para sila ay magkasama-sama.

"Miss ko na po kayo," mahina niyang usal. Alam naman niyang. Kahit naman sabihing matanda na siya ngayon. Ang puso niyang nangungulila sa mga magulang ay walang pinipiling edad.

Hindi na rin niya namalayan na nasa harapan na pala siya ng gate ng bahay. Kaya naman mabilis siyang bumaba dahil wala namang magbubukas para sa kanya noon. Lalo na at tulog pa ang lahat.

"What the fvck!" Malakas na sigaw ni Y ng pagpasok niya ng bahay ay isang walis kaagad ang bumugad sa kanya. At pinaghahampas ang kanyang likuran.

"What the hell are you doing woman!" may diing sambit ni Y na nagpatigil sa babaeng may hawak na walis at hinahanpas siya.

"M-Mr. Y?" nag-aalangan nitong tanong ng titigan si Jean ng masama ng binata.

Alas singko pa lang ng umaga ng maalimpungatan si Jean sa tunog ng pagbukas ng gate, kaya naman mabilis siyang napabangon. Sa labas nakita niya ang lalaking hindi tuwid maglakad ng sumilip siya ng bintana. Alam niyang malaking lalaki iyon ngunit kung may panlaban siya ay walang magagawa ang lalaking nagbabalak pumasok ng bahay. Wag lang ito armadong nilalang.

Kinuha kaagad ni Jean ang walis sa lalagyan nito. Nakita pa niya ang pagpipilit ng lalaki na buksan ang lock ng pintuan. Pigil hininga na si Jean ng sandaling maalis ang lock noon. Kaya naman bago pa bumukas ng malaki ang pintuan ay pinaghahampas na niya ito.

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon