Chapter 47

276 7 5
                                    

Chapter 47

Gabi na ng makarating sila sa bahay nina Jean. Kung tutuusin ay halos sarado na ang mga kabahayan at patay na rin ang mga ilaw. Hindi tuloy nila alam ni Dale kung ano ang gagawin. Kung paano sila tatawag sa bahay nina Jean ng hindi nakakaabala sa ibang kapitbahay.

"Sinabi na sayong bukas na lang tayo ng umaga pumunta, anong oras na? Ganito pa naman sa probinsya. Alam mo iyan dahil nakapunta ka na dito. Alas nuebe na at tulugan ng talaga," reklamo ni Dale na hindi naman pinansin ni Y.

Paano ba naman kasi at pagkaalis nila ng ospital ay kumukuha lang ng gamit si Dale sa bahay nila incase na magtagal daw sila ng probinsya. Ganoon din naman siya. Matapos makapagpaalam kay Yaya Constancia at sa Tita Harlene niya. Ibinilin pa niya sa mga tauhang nagbabantay doon ang mga nasa loob ng bahay. Lalo na at hindi pa rin nahuhuli si Abelard.

Kaya lang habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan ay naflat ang kotse ni Dale na sinasakyan nila. Tumawag pa sila ng mag-aayos kaya lalo lang silang inabot ng gabi sa daan.

"Hindi ko naman kasalanan na nasiraan tayo di ba?" depensa pa ni Y.

"Oo na lang Yahir," nakapangalumbaba pang saad ni Dale ng bigla na lang may nagbukas ng pintuan.

"Sino yan?"

Napababa naman ng mabilis si Dale ng driver seat. Mabilis nitong tinungo ang passenger seat para maalalayang bumaba si Y.

Paglabas ni Juan sa pintuan ay kasunod nito ang asawa pati na rin ang dalawang anak nito.

"Tay, nay, magandang gabi po," bati ni Dale at Y sa mga ito.

Nagtataka man ang mag-asawa kung sino ang mga dumating. Kahit ang mga kapatid ni Jean ay wala ding alam kung sino ang mga ito.

"Sino ba kayo mga hijo. Gabing-gabi na ah. Naliligaw ba kayo?" mahinahong tanong ng itay ni Jean.

"Hindi po," sagot ni Dale.

"Tay, ako po si Y. Boss po ako ni Jean. Gusto ko lang po sanang..."

Hindi natapos ni Y ang sasabihin ng mapansin niya ang pagdidilim ng mukha at tingin sa kanya ng itay ni Jean. Kahit madilim ang paligid ay kitang-kita niya iyon dahil sa liwanag ng ilaw na nandoon sa balkonahe. Binuksan iyon bago lumabas ang mga ito.

"T-tay," nauutal na sambit ni Y ng mabilis na nakalapit sa kanya ito at inundayan siya ng suntok. Wala namang nagawa si Dale na nabigla din sa pangyayari.

Kahit nanghihina pa siya at naguguluhan sa nangyayari ay pinilit niyang tumayo. Habang inaalalayan ni Dale. Ngunit hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkakabagsak ay bumagsak na naman siya sa lupa ng lumapat namang muli ang kamao ng matanda sa kanyang mukha.

"Juan!" malakas na sigaw ng asawa nito.

"Itay," sabay pang sambit ng mga anak.

"Tigilan mo na iyang pananakit mong iyan! Sa tingin mo ba matutuwa ang anak mo pagnalaman niyang sinaktan mo ang boss niya?"

"Bakit Agusta? Masama bang ilabas ko ang galit ko sa boss niya na dahilan kung bakit hindi na masaya ang anak natin. Na kung bakit sa halip na masaya siya sa sitwasyon niya ngayon, ayon at palagi na lang tulala at umiiyak," galit pang saad ni Juan.

Dahil sa lakas ng kanilang sigawan kahit ang mga kapitbahay na sa tingin nila kanina ay natutulog na hayon at mga nagbukas ng ilaw at mga nakasilip ngayon sa pwesto nila. May ilan pang lumabas para siguro marinig na rin ang pinag-uusapan nila.

"Sa loob tayo mag-usap," utos pa ni Agusta.

Kahit naguguluhan silang dalawa ni Dale ay sumunod sila sinabi ng inay ni Jean ng akayin sila nito sa loob.

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon