Chapter 28

280 7 0
                                    

Chapter 28

"Hindi ka ba muna kakain," masuyong tanong ni Jean ng lumabas sila ng library matapos makapag-usap. Nasa kusina na rin si Dale. Naiwan naman sa library si Hector.

"Depende," sagot ni Yago.

Napasunod pa sila ng tingin ng makita nila ang pagdadabog ni Hareya pabalik sa kwarto nito. Bago pa maisara ang pintuan ay narinig pa nila ang malakas nitong sigaw, gawa na rin siguro ng sobrang frustration.

Nagkatinginan pa silang lahat ng hindi nila napansin na nandoon na rin pala si Hector sa may kusina.

"Kakausapin ko lang ang anak mo Harlene. Hindi pwedeng siya ang magmamaneho ng kotse. Wala pa siyang lisensya dito sa Pilipinas. Kailangan niyang pumayag na maipagmaneho siya ni Yago."

"Sige, sayo lang naman nakikinig ang batang iyon. Mula ng spoiled mo ay tumigas na ang ulo."

"Naaawa lang ako doon sa anak mo Harlene. Lumaki siyang hindi nakasama ang kanyang ina. Habang hindi naman nakilala ang ama."

"Alam ko. Kaya nga ibinuhos ko ang buong pagmamahal ko sa kanya hanggang sa dumating sa buhay natin sina Hatex at Halene. Pero bigla na lang nagbago ang batang iyon habang nagdadalaga."

"Ako ng bahala, kakausapin ko lang. Kailangan ko na ring magmadali, at baka malate ako sa meeting ko."

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Harlene na ikinailing lang ni Hector. Napatingin na lang silang lahat kay Hector habang binabaybay ang hagdahan. Narinig pa nila ang pagbukas ng pintuan at pagkabasag ng kung anong bagay.

Napailing na lang si Harlene sa mga nangyayari. "Kumain na po tayo. Kumain na muna kayong lahat," ani Harlene.

Napahugot na lang ito ng malalim na paghinga. Napatingin naman sina Yaya Constancia, kay Harlene ng yumugyog ang balikat nito. Kaya napatingin kay Jean si Yaya Constancia.

Mabilis namang nakaramdam si Jean at biglang tinawag ang dalawang anak ni Harlene at nagpapatulong siyang ligpitin muna ang tasa ng kape na naiwan sa library habang naghahanda ng pagkain si Yaya Constancia.

Hindi na naman sobrang bata ng mga ito kasing edad lang ito ng mga kapatid ni Jean. Ngunit kumpara sa edad nila bata pa ring tingnan ang mga ito.

"May problema ba?" si Yaya Constancia ang naglakas loob na nagtanong kay Harlene ng makaalis si Jean at ang mga anak ni Harlene.

"Hindi ko alam manang. Pakiramdam ko ang layo-layo na sa akin ni Hector. Masaya naman kami noong mga unang taon na kami ay nagsasama. Akala ko noon ay solong anak lang siya ng mga Hart dahil wala naman siyang nababanggit sa akin. Tapos nalaman ko na lang na may kapatid pala siyang namatay at ang anak ng mga ito. Si Yahir, oo nga at bata pa ay siya na ang sumusuporta sa amin. Habang lumalaki ang mga anak ko ay nagbabago si Hector. Masaya naman ang mga bata sa paglabas-labas namin ng bansa para mamasyal. Pero ibang-iba na talaga ngayon. Dahil na rin sa, si Hareya ang una naming anak, ay ito lang ang naging mas malapit sa kanya. Si Hatex at Halene ay hindi niya gaanong nabibigyan ng pansin," paglalahad ni Harlene.

Niyakap naman ito ni Yaya Constancia. "Tahan na. Kung nag-iisip ka na baka pag dumating ang panahon na pabayaan kayo ni Hector ng tuluyan at mag-iisa ka, wag mong isipin iyon. Mahal ni Y ang mga pinsan niya. Hindi niya kayo pababayaan. Hindi pa naman umaabot sa ganoon ang sitwasyon kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Para sa anak mo ay magpakatatag ka."

"Salamat po. Kaya po talagang nagpapasalamat ako kay Yahir. Dahil mula pa noon hindi niya kami pinabayaan. Siguro kung hindi dahil sa kanya hindi makakapag-aral ang mga bata. Pangkain lang ang ibinibigay ni Hector. Ngunit maluho sa ibang bagay. Pati ang paglabas ng bansa ay pinagkakagastusan. Pero hindi ang pangangailangan ng mga anak niya, namin."

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon