Chapter 52

356 8 1
                                    

Chapter 52

Nasa may garden lang si Jean ng mga oras na iyon at naghihintay ng balita kay Dale tungkol kay Mr. Y. Ang huli niyang balita ay ng magpadala si Dale ng mensahe kay Hatex na, nasa ct scan room si Y. Para masuring ang ulo nito kung hindi ba ito nabagok ng mawalan ito ng malay. Gusto man sana niyang puntahan ito sa ospital, ngunit hindi naman siya payagan ni Yaya Constancia. Sundin na lang daw ang utos ni Dale na hintayin ito.

Tanghali na ng bumalik si Dale. Napatayo naman si Jean mula sa pagkakaupo at mabilis na pinuntahan ang binata.

"S-sir Dale," nauutal pa niyang saad. Sa katunayan ay nahihiya siya inasal niya sa harap ni Mr. Y. Ngunit masisisi ba siya? Hindi naman pag-iinarte iyon, nararamdaman niya iyon. Nasaktan naman kasi talaga siya. Pero mas lamang ang pag-aalala niya kay Mr. Y kay sa tampo na kanyang nadarama. "Kumusta po siya?"

"Wala pa ring malay ng umalis ako ng ospital. Ikukuha ko lang ng gamit si Y. Hindi ko alam kung kailan na naman siya magigising. Dapat kasi talaga, ko siya hinayaang lumabas ng ospital kahit anong pagpipilit niya."

Lumapit din sa kanila si Yaya Constancia at ang magkapatid na Hatex at Halene.

"Dale," sita ni Yaya Constancia.

"Hindi ko naman po sinisisi si Jean sa nangyari kay Y, Yaya Constancia. Kaya lang hindi ko din maiwasan na hindi isipin ang nangyayari. Kung hindi nagalit si Jean kay Y, hindi mag-iisip si Y at kahit papaano baka nagpapahinga lang ang isang iyon ngayon. Hindi iyong nandoon na naman siya sa ospital walang malay, at hindi alam kung kailan na naman magigising."

"Sorry po. Alam kong kasalanan ko."

"Jean, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Mas mahihirapan si Y pag may masamang mangyari sayo at sa anak ninyo. May awa ang Diyos magigising si Y."

"Sana nga po Yaya Constancia, nagtatampo lang naman po ako. Pero kakausapin ko rin naman po siya eh. Gusto ko din naman pong maayos kung ano po ang dapat ayusin. Kung paggising po niya hindi po siya galit sa akin.

Padabog na pumasok si Dale sa loob ng bahay. Naiinis siya sa nangyayari. Gusto niyang sisihin ang dalawang iyon. Pero hindi naman niya masabi. Gusto niyang sisihin si Y, dahil sa napakapasaway nito. Kung nakinig lang ito sa kanya sana ay wala ito sa sitwasyon nito ngayon. Gusto din niyang sisihin si Jean, na kahit sana nagtatampo ito at masama ang loob sana ay pinakinggan muna ang paliwanag ng kaibigan niya di sana ay hindi ito mag-iisip at sana ay wala ito sa ospital ngayon at sa bahay lang nagpalahinga.

Naiyak na lang si Jean dahil sa inasal ni Dale. Aminado na nga siyang may mali siya, lalo pang isinampal ni Dale sa kanya ang pagkakamali niya, ayon sa kilos nito.

"Ate Jean tahan na," alo pa ni Halene.

Umalis naman si Hatex sa tabi nila at nagtungo na lang sa isang bench na nandoon. Iginaya naman siya ni Yaya Constancia sa isang upuan malapit sa pwesto nila.

"Huwag ka ng umiyak Jean. Pagpasensyahan mo na si Dale. Halos kapatid na ang turing ni Dale at Y sa isa't-isa. Kaya naman ganoon ang reaksyon ni Dale dahil nag-aalala iyon kay Y. Kungbsi Dale man ang nasa sitwasyonni Y. Sigurado akong ganoon din si Y kay Dale."

"Alam ko naman po iyong mali ko eh. Pasensya na po talaga, hayaan po ninyo at pipilitin ko pong alisin ang tampo ko."

Napailing naman si Yaya Constancia sa sinabing iyon ni Jean. "Hindi ganoon Jean. Ang nararamdaman mo ay hindi dapat pinipilit na baliwalain. Ang tampo kusang nawawala yan. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Ano bang gusto mong gawin ngayon? Kung papayagan kitang magtungo sa ospital ay hindi kita masasamahan. Gustuhin ko mang puntahan si Y ay hindi ko naman pwedeng iwan na lang basta si Hatex at Halene habang wala ang kanilang ina."

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon