Chapter 43

271 5 0
                                    

Chapter 43

Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ang gulong sinimulan ni Abelard na nagpanggap bilang si Hector. Hindi pa rin matanggap ni Harlene na ang kanyang pinakamamahal na asawa ay matagal na pala niyang hindi kasama. Higit sa lahat ay ang labis na pagsisisi niya na hindi man lang niya nahalata na hindi talaga iyon si Hector ang kasama nilang mag-iina.

"Patawad mahal kung hindi ko man lang naisip na hindi ikaw iyon. Patawad, Hector. Sobra lang kitang mahal para tanggapin ang mga nangyayari kahit masakit na. Pero hindi ko akalaing hindi na pala ikaw ang kasama naming mag-iina," bulong pa ni Harlene sa hangin na nag-paiyak lalo sa kanya.

"Harlene," tawag ni Yaya Constancia na hindi niya napansing nasa tabi na niya.

"Bakit ganoon manang, pasaway lang si Hector pero mahal na mahal niya ako, mahal na mahal ko siya. Noong nalaman niyang magkakaanak na kami at ng maipanganak ko ang mga bata, sobrang saya niya. Pero bakit ganoon ang ginawa niya sa asawa ko. Hindi ko matanggap manang. Sobrang sakit," umiiyak na saad ni Harlene. Nasa may garden lang siya noon at nakatingin sa kawalan ng lapitan siya ni Yaya Constancia.

"May dahilan Harlene ang lahat ng bagay. Ang mga pangyayari. Oo nga at masakit ang katotohanang nalaman mo, ang mga nalaman natin. Pero nandyan ang mga anak mong iniwan sa iyo ng asawa mo. Magpakatatag ka lang Harlene. Huwag kang panghinaan ng loob."

"Kailangan na rin po ba naming umalis dito manang? Wala na po ang asawa ko. Wala na po kaming lugar dito," malungkot pa niyang saad ng hawakan ni Yaya Constancia ang palad niya.

"Sa palagay mo ba, papayag si Y na umalis kayo dito? Kayo na lang ang pamilya niya. Wag kayong mag-alala na mag-iina. Noon nga hindi niya kayo pinabayaan ngayon pa ba?"

"Salamat po manang."

Napatingin naman sila sa loob ng bahay ng marinig nila ang pagsigaw ni Hareya. Kaya naman mabilis silang pumasok sa loob. Nilapitan nila ang pintuan ng kwarto kung saan nakakulong si Hareya.

"Mommy, palabasin mo na ako dito. Ayaw ko na dito. Mommy," paulit-ulit na tawag ni Hareya ng akmang bubuksan nito ang pintuan ng kwarto ay bigla siyang pinigilan ni Yaya Constancia.

"Tawagan ko muna ang mga bantay. Hindi pwedeng makatakas ang anak mo."

Napatango na lang si Harlene kay Yaya Constancia. Ilang sandali pa at may dalawang pulis na siyang nagbabantay sa kanila ang lumapit bago binuksan ni Harlene ang sahig.

Wala sa ayos si Hareya. Magulo ang buhok at hilam na ang nga mata. Punong-puno ng luha ang mukha dahil sa pag-iyak.

Naaawa rin naman siya sa kalagayan ni Hareya. Nabubuksan lang ang kwarto nito pag dadalahan ito ng pagkain. Pagkatapos noon ay ilolock na ulit sa loob ang dalaga.

Kahit masakit ang ginawa ni Hareya ay nakaramdam siya ng habag sa anak-anakan.

"Hareya."

Patakbong nilapitan ni Hareya si Harlene at mabilis na niyakap. Nakatingin lang sa mag-ina si Yaya Constancia na nasa loob din mg kwartong iyon. Ang dalawang pulis na tinawag ni Yaya Constancia ay nasa loob na rin. Nakasara ang pinto. Ngunit nakatalikod sa mag-ina. Sa pinto lang nakaharap ang dalawa.

"Mommy, sorry po. Alam ko pong mali ako. Mommy, hindi ko sinasadya. Nagkamali ako," umiiyak na saad ni Hareya hanggang sa mapaupo ito.

"Anong sinasabi mo anak?"

"Mommy sorry huwag ka na pong magalit mommy," ani Hareya na ikinatango ni Harlene. "Bata pa lang ako mommy, may pinapainom na sa akin si daddy na gamot. Hindi ko alam kung ano iyon. Basta inumin ko na lang daw. Hanggang sa hindi ko na kayang mapigilang maakit sa kanya. Alam mo mommy iyong pagnainom ko iyong gamot umiinit ang katawan ko. Mommy, sorry hindi ko sinasadya, huli na ng malaman kong naging k-kabet na pala ako ng daddy," umiiyak na pag-amin ni Hareya na ikinagulat niya at ni Yaya Constancia.

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon