Chapter 45

289 7 0
                                    

Chapter 45

Pagkagaling nila sa doktor ay nagtungo na rin silang mag-ina sa palengke. Lahat ng vitamins na reseta ng doktor ay binili na rin nila sa botika na nadaanan nila.

"May gusto ka bang bilhin anak? Kainin?" tanong pa ng kanyang inay.

"Hindi ko po alam inay, gusto lang po ng matamis. Parang hinahanap po bibig ko ang kumain ng matamis."

"Ano bang klaseng matamis iyan anak?"

"Kahit po candy or chocolate, inay. Basta po matamis."

Napangiti naman ang kanyang inay. Isinama siya nito sa bilihan ng mga candy at chocolate. "Anak pili ka ng gusto mo. Huwag lang sobrang dami kasi hindi rin maganda ang matatamis. Pagkatapos natin dito bibili tayo ng prutas at gulay ha. Bibili din tayo ng karne at isda."

"Opo nay, salamat po," ani Jean na napahugot ng malalim na paghinga.

"Ang lalim noon anak. May problema ba?"

"Hindi ko po alam kung paano sasabihin sa itay. Nahihiya po ako sa inyo at natatakot po ako sa itay, baka po," napatitig pa siya sa kanyang inay. "Baka po magalit ang itay."

"Anak, kilala mo ang itay mo. Kaya naman huwag kang mag-alala. Ang inaalala ko pa nga ay kung ano iyang problema mo?"

"Sasabihin ko rin po inay, pagkaharap na po natin ang itay."

"Sige anak. Sa ngayon bumili muna tayo ng mga nagugustuhan mong kainin. Lahat ng bawal ay pwede kung tikim lang. Nagkakaintindihan ba tayo anak?"

"Opo inay, salamat po."

Ala una na ng hapon ng sila ay makarating sa kanila. Matapos dalahin ng kanyang inay ang kanilang pinamili sa kusina ay nagtungo sila sa salas. Tinawag na rin ng kanyang inay ang kanilang itay.

Nakayuko, habang nakaupo lang si Jean sa pang-isahang upuan na nandoon. Nakatingin lang sa kanya ang kanyang itay at kayang inay. Naroon pa rin ang kaba na kanyang nararamdaman. Kahit sabihin ng kanyang inay na magiging ayos lang ang lahat.

Sa isip-isip niya ay paanong magiging ayos ang lahat. Dahil mismong sa sarili nila alam niyang hindi maayos ang sitwasyong kinalalagyan niya.

"Anak, may problema ba? Saan ba kayo nagpunta ng  iyong inay?" mahinahong tanong ni Juan sa anak. Sa tingin kasi niya ay naiiyak na naman ang kanyang panganay sa problemang hindi naman niya alam.

"I-itay, s-sorry po," nauutal na saad ni Jean ng lapitan nito ang ama at paluhod na yumakap dito. Napangiti naman ang kanyang inay dahil sa mga ikinikilos ni Jean. Hindi niya akalaing ganoong magbuntis ang kanyang anak.

"Anak, aba ay puro iyak na lang ba? Wala ka bang balak sabihin sa akin ang problema mo? Parang gusto ng magtampo ng itay mo. Pakiramdam ko naman ay alam na ng iyong inay. Paano naman ang itay?"

"I-itay sorry po talaga. S-sana po ay mapatawad po ninyo ako. I-itay, buntis po ako."

Napahugot naman ng hangin si Juan dahil sa narinig sa anak. Pilit pa niyang inuunawa ang sinabi nito. Hanggang sa mapatingin siya sa kanyang asawa at tumango naman ito.

"Ibig sabihin iyan ang problema mo anak? Iyan ang dahilan kaya ka umuwi dito?" tanong ng kanyang itay na ikinatango lang niya. Naroon at lalo lang bumuhos ang kanyang mga luha. "Anak alam ko, namin, namang may boyfriend ka, at hindi ko hawak ang buhay mo. Walang problema sa akin kung buntis ka ang mahalaga lang sa akin ay dapat masaya ka. Pero sa nakikita ko, bakit parang hindi ka masaya? Nararamdaman ko ang kalungkutan mo, anak," ani Juan at mahigpit ding niyakap ang anak. Hindi niya malaman kung paano aaluin ang anak sa pag-iyak. Gayong kung iyon lang ang problema nito ay sino sila para hindi tanggapin ang munting anghel na iyon. Sa katunayan ay nakakatuwa pa ngang malaman na magkakaroon na sila ng apo.

Mr. Y (Gorgeous Men Series 24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon