Chapter 2

76 4 1
                                    

Aki's POV



"Shhhh...wag kayong maingay guys, natutulog na ang babyloves ko."


Alas tres y medya na nang umaga at panay parin ang alulong ng mga aso. Masilip nga kung anong kaganapan sa labas.


Uy guys! Silip kayo dito dali. Tignan nyo yung mga kaluluwa sa labas oh..huh? Ay oo nga pala *face palm* di nga pala bukas mga third eye nyo no? Ey, pano nyo ko nakikita't naririnig? Ah nababasa nyo lang.. Pero di naman kayo pilosopo nyan no? Oh well, whatever.


Hindi ko kayo gustong takutin but since hindi nyo sila nakikita pero nababasa nyo, idedescribe ko nalang sila.

Sa katapat na bahay ni babyloves ay mayroong pari na pugot at hawak nito ang ulo nya. Sa katabing bahay naman nito sa bandang kaliwa ay may matandang babae na nakaitim at naka belong itim din na nakalutang na nasa ilalim ng punong mangga. Sa ikatlong bahay naman mula sa kanan kung san may asong kahol ng kahol ay may lalaking nakatabingi ang ulong may butas sa sentido tagos sa kabila at may isa, dalawa, tatlo, apat, limang saksak sa katawan. Sa mismong kalsada naman ay may tatlong pares ng paa, take note: paa lang, ang palakad lakad habang may hila hilang kadenang bakal na may bilog na bakal na nakatali sa paa. Lahat sila ay duguan at mukhang di matahimik dahil sa brutal na pagkakamatay.


*gasp*

*sara ng kurtina*


Ha? Yung gasp? Joke lang yun, hindi na ako humihinga remember? Lol :P

Bakit ko naman sinara yung kurtina? B-bawal ba? Ok fine! Kaya ko sinara yung kurtina kasi natakot ako sa kanila. Pano ba naman sabay sabay na tumitig sakin yung mga pulang pula at nanlilisik nilang mga mata, parang gusto nila akong patayin ulit. Grrr..scary! *himas sa mgkabilang braso*

.

.

.

Lumipas na ang ilang minuto at para parin akong timang dito na pinapanood matulog si Akane.


"Hay Akane...kamukhang kamukha mo talaga ang namayapa mong ina. Pero sad to say, nakuha mo ang abilidad ng ama mo na makakita ng mga mumu. *sigh* namimiss mo na siguro sila no?"



Ay palakang kokak! Ano ba!? Ba't ba kayo nanggugulat? Atsaka alas kwatro na, wala ba kayong balak matulog? Ha, graveyard shift kayo? Haha sounds funny, para pala kayong bampira. Anyway since nandyan kayo at nandito ako na naiinip, kwentuhan ko nalang kayo ng onti about kung bakit ako nakabantay kay Akane.

.

.

It started with a kiss. Lol XD

pffft. Masyado kayong serious! *pout*

.

.

eto serious na. It started since Umberto Toya and I were still kids. Childhood playmates and bestfriends kami na may sumpaang walang iwanan, til death do us part, as bestfriend. Tanggap ko sya kahit alam kong nakakakita sya ng spirits. Madalas na nga syang nagmumukhang timang dahil sa pakikipagusap sa mga kaluluwa. Kapag nakikita ko syang parang may tililing na ngsasalita magisa, tatawanan ko lang sya at babatukan naman nya ako. Ganito kami hanggang magbinata at magkaisip. Masaya lang kami lagi, pero nagbago sya nang makilala nya si Alicia Co.

Ang pagbabago nya ay hindi sakin kundi sa mga kaluluwang nakapaligid sa kanya. Ngsimula na siyang iignora ang mga ito at umastang walang kaluluwang nakapaligid sa kanya para lang sa babaeng kanyang sinisinta.

Mabilis na lumipas ang buwan at napasagot nya si Alicia. Lumipas naman ang ilang taon at nagpasya na silang magpakasal. Sa mismong honeymoon nila ay nabuo si Akane. Masaya ang pamilya nila at saksi ako do'n, pero nabura ang kasihang iyon nang pati ang mga kaluluwa ay nakikialam at nanggugulo na sa kanila.

Nandyan na ang mga flying plato na ginawang frisbee, kutsilyo na ginawang dart at silang magpamilya ang target etc.

Dahil sa mga galit na kaluluwa na ayaw nang tulungan ni Um ay nagpasya muna silang ipaalaga sakin si Akane habang inaayos ang gulo. Tatlong taon palang noon si Akane at halos namumulat palang sa mundo.

Lumipas ang ilang araw at nabalitaan ko nalang na namatay na ang mag-asawa dahil sa car accident. Duda ako na aksidente lang yun. Kayo ba duda rin? May palagay kasi ako na may kinalaman ang mga kaluluwa sa pagkamatay nila.

Simula noon ay napunta na sakin ang custody ni Akane. Sa kasamaang palad naman ay naipit ako sa gitna ng gang war habang papauwi galing trabaho at nataga ng palakol sa ulo na syang ikinamatay ko. Sinabi ko lang kay Akane na nakipagrumble ako para mas astig ang dating. Haha *peace sigh* :P

11 yrs. ang itinagal ng pagbabantay ko kay Akane bilang kaluluwa na may unfinish business. When she turned 16 her third eye opened, its a little too late compared to her father, at malaya na nya akong nakikita. It's funny how she react everytime she saw new spirits. But eventualy, she get used to it. Pero nalulungkot parin ako for her dahil lumaki sya sa orphanage at iniiwasan ng mga tao.



Pst! Gising pa kayo?


.

.

.


*cricket sound*


.

.

.


tinulugan nyo lang ako! Tsk tsk tsk.



"Hay Akane...sana hindi lang talaga mangyari sayo ang nangyari sa mga magulang mo."

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon