Chapter 7

66 3 1
                                    

AN. Binabati ko si @HiruFujiwara and everyone who's reading this crap. LOL :3

As promise, eto na pambawi ko. Enjoy reading guys ^_^






                                                                                 Akane's POV



Bigla nalang yumuko yung lalaking duguan, nawalan na yata ng malay. Sayang gwapo pa naman pero mukhang mamamatay na yata.

Yinuyugyog ko sya para magising at luckily nagangat ulit sya ng ulo at muling tumingin sakin.


Pakshet talaga! Napakagwapo nya! Yung labi nya its like provoking me to eat it este to kiss it. Kyaaaahhh!!But first things first. Mamaya na ang landi. Hindi ko pwedeng hayaan na mamatay ang ganito kagwapong nilalang.


"Uy, mr.pogi. Kaya mo bang tumayo? Kailangan mong madala sa ospital." puno ng paglalandi este puno ng pagaalalang tanong ko.

"Sayo ba bahay ito?" sabi nya na hinang hina. Halos bulong nalang.


Tignan mo itong taong to, malapit nang mamatay kalokohan parin ang *light bulb!* Hindi kaya akyat bahay ang isang to?


"Oo bakit?"

"Patuloyin mo ko sa bahay mo." pabulong na sabi nito.

"Ha!? Sa ospital dapat ang tuloy mo brad hindi sa bahay ko?"

"Hindi na ako aabot sa ospital." sabi nito sa pagitan ng mga ubo.

"Hindi pwede! Baka modus nyo lang yan at miyembro ka pala nang akyat bahay gang!" ayaw kong pagdudahan ang gwapo nyang mukha pero kaligtasan ko naman ang nakasalalay dito.

"Sa gwapo kong to? Bakit mukha ba akong akyat bahay?" pabulong na sabi nito sabay ngisi.


Tengene nemen eh! Beket kese eng gwepe nye. Hindi ko matagalan ang titig at ngisi nya.


"H-hindi..."

"Kung ganon, tulungan mo na ako at baka mabawasan pa ang mga gwapo sa mundo. Tandaan mo extinct na kami. Ha...ha...ha..." nagawa pa talagang magyabang. Pasalamat ka at gwapo ka mahirap talagang pagdudahan ang ganyang hitsura.

"Pffft! Sige na, halika na."


Inakay ko sya hanggang sa may pinto pero muli syang nagsalita bago kami tuluyang pumasok.


"Sabihin mo muna na maaari na akong tumuloy sa bahay mo." hirap pero seryoso nyang sabi.

"Ha!?" takang tanong ko sa kanya.


Baka hindi ito akyat bahay. Baka takas ito sa mental? Kabaliwan ang lumalabas sa bibig e. Tsk!


 "Gawin mo nalang!" singhal nya pero mahina lang. Napasimangot ako pero ginawa ko naman.

"Tuloy ka sa bahay ko..."


Humakbang na sya papasok. At dahik nakaakbay sya sakin at ako sakanya, napahakbang narin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon