Chapter 3

61 4 1
                                    

Someone's POV



Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko, nauubusan narin ako ng lakas. Kailangan ko na nga talagang kumain dahil nababawasan na pati ang kagwapuhan ko.

Kailan ba ang huling kaen ko? Hindi ko na maalala *kamot ulo* puro tulog nalang kasi ang inatupag ko.

Pero tirik na tirik ang araw, nakakatamad kumilos dahil mainit pa. Mamayang gabi nalang siguro ako kakain, matutulog nalang muna ulit ako. Hahaha XD




Akane's POV


"Rise and shine babyloves!"

"Ano ba Aki?! Ang aga aga mo namang nambubwisit eh!!" pupungas pungas kong singhal kay Aki na napahinto sa pagtalon sa kama ko.


Takteng aswang nato! Alam nang napuyat ako kagabi dahil sakanya, maaga pa akong ginising ngaun. Eh alas siyete palang ng umaga! Aish! Kung ganitong klase ng aswang ang araw araw nyong kasama, tignan ko lang kung hindi kayo matuyuan ng dugo sa konsumisyon.


"Oras na po ng trabaho." nakapout nitong sagot.

"Anong trabaho? Eh wala pa naman akong inaaplayan ah?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Pawirdo na nang pawirdo ang aswang nato.

"Silip ka dun sa bintana oh." ininguso nya naman yung bintana.


Labag man sa kalooban ko ay padabog parin akong tumayo at sumilip sa bintana.


"Hoy Aki, anong ginagawa ng pari, matandang babae, lalaki at tatlong sundalo sa harap ng bahay ko?"


Hindi sumagot si Aki kaya tumingin nalang ulit ako sa labas ng bintana at instant namang nagising ang diwa ko nang sabay sabay silang tumingin sakin na nanlilisik ang mga mata at pinakita pa ang halloween costume nila.

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon