Chapter 6

38 3 0
                                    

AN. Another very short UD guys.. bawi nalang po kayo sa Chapter 7 ^_^







                                                                                   Vlad's POV



Medyo nakalayo layo na ako ng bigla kong maramdaman ang pamamanhid ng kanang binti ko.Huminto ako saglit at sapilitang tinanggal yung silver bullet na tumama sa binti ko habang iniinda ang tama sa likod ko.

Matagal humilom ang sugat na gawa ng silver bullet napapahinto naman nito ang healing process ng katawan namin kung ito ay hahayaang nakabaon sa aming katawan. Maaari rin namin itong ikamatay dahil sa ito ang aming kahinaan.


Palipat lipat ako sa bubong ng mga bahay kahit na hinang hina na ako dahil sa letsugas na silver bullet na hanggang ngayon ay nakabaon parin sa aking likuran.

Masuwerto parin ako dahil hindi ito tumama sa spinalcolumn ko. Dahil oo nga't matigas ang balat at laman namin pero ang buto naming mga bampira ay walang pinagkaiba sa buto ng mga normal na tao.


Patuloy parin ako sa pagpapalipat lipat hanggang sa hindi ko na kinaya at nahulog ako sa hardin ng isang bahay.

Napasandal nalang ako sa pader ng bahay dahil hindi ko alam kung papano ko tatanggalin yung silver bullet na nakabaon sa likuran ko.

Napayuko nalang ako at napapikit dahil sa kawalan ng pag asa

.

.

.

.

Ito na ba yon?

Ang katapusan ko?

Ito na ba ang kabayaran sa mga buhay na tinapos ko para lang mabuhay ang sarili ko?


Ito na nga siguro yon.

*sigh*


Pero hindi ko pa nahahanap ang my one and only?

Nakakalungkot naman at kailangan kong mamatay mag isa at sa ganitong sitwasyon pa.

*sigh*


Hi karma. Pagod ka na ba sa mahabang panahon mong paghahabol sakin?Well sa palagay ko makakapagpahinga kana dahil hanggang dit--


naputol ako sa pag iisip ng biglang may maamoy akong kakaiba. Kaparehong kapareho iyon ng amoy nung anak ni Ricardo pero may iba. At hirap akong ipaliwanag yon.


Napamulagat ako ng mata pero nakayuko parin dahil may naririnig akong yabag na papalapit sakin, maging ung mabangong amoy ng dugo ay papalapit rin.


Kung ganon iisa lang ang nagmamayari ng yabag ay nung amoy.Naramdaman ko nalang na may huminto sa harapan ko. Mas tumindi pa ngayon ang halimuyak nito. Itinago ko rin ang pangil ko saka ako nag angat ng ulo. Maganda, napakagandang babae ang nasa harapan ko ngayon. Ang sarap nyang titikman este titigan pero unti-unti na akong nawawalan ng malay.



******************************


Vote, comment and Follow guys!

Leave some good or bad comments :D

Dont be shy or scared. It will help me and the story as well.

Thank you ;)

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon