Chapter 4

42 2 0
                                    

 AN:                               A very short update lang guys.. hope you'll still enjoy it ^_^







                                                                               Someone's POV


*yawn*

Uy gabi na pala! =__=

*paputok ng leeg at kamay*

Makapaghanap na nga ng makakaen bago pa ako lumpuhin ng gutom dito.


Paglabas ko ng bahay ay umalingasaw ang masangsang ngunit nakapanglalaway na amoy ng pagkaing ilang linggo ko nang hindi natitikman. Mapa kaliwa o sa kanan...nagkalat ang halimuyak na kailanman'y hinding hindi ko matatanggihan.


Nakapagtataka nga kung bakit ko ito tinanggihan noon to the point na halos ikamatay ko na.


 Nagsimula na akong maglakad at manginain nang may nasagap na pamilyar na amoy ang ilong ko. Mabango ito at malinis. Which reminds me of the first human that I tasted, possibly loved and killed. Well, yung pangatlo ay aksidente lang naman.




                                                                                 FLASHBACK 




Malakas ang buhos ng ulan nung mga gabing iyon. Itinapon ako nang mga kauri ko sa kadahilanang ayaw kong kainin ang pagkaing kinakain nila.


Payat na ako at tuyong-tuyo, sa estado kong iyon ay hindi ko na magagawa pang tumayo o ang gumapang manlang.Naghihintay nalamang ako ng oras para malagutan ng hininga ng may isang taong lumapit sakin.


Napagtanto kong babae sya nung mga oras na yon dahil sa mapang akit nitong pabango. Pero bukod sa kanyang pabango, kahalihalina rin at nakapanggigigil ang amoy ng sariwang dugong dumadaloy sa katawan nito.Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay nakita kong yumuko ang babae, napakaganda nya. Biglang bumilis ang pintig ng mga ugat ko na parang sinasabi nitong kailangan ko pang mabuhay.


Inilapit nang babae ang daliri nya sa ilalim ng ilong ko para siguro malaman kung humihinga pa nga ba ako. Dahil sa kagustuhan ng katawan kong mabuhay, kinagat ko ang daliri nya at sinipsip ang dugong dumadaloy mula roon.Nakapgtataka lang dahil himbis na magulat ay ngumiti lamang yung babae na tila alam nya kung anong uri ng nilalang ako.


Isinantabi ko nalamang ang pagtataka at ipinikit ang aking mga mata para damhin ang pagdaloy ng sariwang dugo sa aking lalamunan, kalamnan at ugat. Unti unti naring nanunumbalik ang lakas ko at nang maalala ko ang babae ay huli na ang lahat. Tuyo na ang kanyang magandang mukha, said na ang kanyang dugo at nalagutan na sya ng hininga.


Balak ko pa man din syang gawing asawa pero huli na ang lahat at wala nang lugar ang pagsisisi sa ngayon.Umalis na agad ako sa lugar na iyon at natutong mamuhay ng magisa. 



                                                                         END OF FLASHBACK 




Sinundan ko ang pamilyar na amoy ng dugong iyon at inihatid ako nito sa eksaktong lugar kung saan ko ito una at huling natikman.Nagmamasid masid lang ako sa paligit nang matutop ako sa aking kinatatayuan dahil sa isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon