Chapter 1

19 1 0
                                    

"Saan ba talaga ang punta natin?"

I just finished my after class training, kakauwi uwi ko nga lang, hindi pa umiinit ang puwit ko sa pagkakaupo sa luma naming sofa. Pagod pa ang katawan ko pero heto at kung saan ako gustong dalhin kahit halata naman na nanlalata pa.

"Kikitain natin si Governor Cuevas. Kaya magbihis ka. Mag dress kung maaari!" Si Papa.

Governor Cuevas?

"Para saan, Pa? May utang ba tayo sakanila?" I asked, slowly tilting my head. Wala naman kasi akong matandaang atraso sa mga Cuevas.

Papa stood in front me like he heard a big joke. Sa itsura niya ngayon kapag nagtanong pa ako ulit ay talagang tatamaan na ako sakaniya.

Well, I am just curious. Alam kong maraming connection si Papa lalo na nung siya pa ang hepe ng kapulisan dito sa probinsya namin pero hindi ko naman akalain na pati ang Governor ay ka-close niya rin. Ang mga kilalang Alfonso baka pa dahil bukod sa sila ang nakaupong Mayor kung saan kami nakatira ay hindi naman sila iba sa amin at ang alam ko'y magkabarkada sila nung binata pa.

Ang mga Cuevas ay masyadong mataas. They are one of the old families here in Felicidad. Kaya talagang mayayaman.

It is normal to wonder how that happened.

"Hindi ba at malapit na ulit ang liga? Nakausap ng Mama mo ang Petron, may balak na kunin ka daw ulit. Ang Governor na ang bahalang mag-shoulder ng mga gastusin!" Sigaw niya.

Napanguso tuloy ako.

Sila na naman ang gumawa ng paraan. My parents always make sure that I am getting every opportunities available. Kaya ang mga bigating tao na pwedeng mag sponsor sa akin ay talagang habol nila. Kahit naman nakakaluwag luwag kami sa buhay ay hindi naman nila kayang pondohan ang hilig ko. Lalo na ngayon at retired na si Papa sa trabaho habang si Mama naman ay housewife. Ako ang bunso sa magkakapatid at nag-iisa na kapisan nila sa bahay. Kaya talagang bigay kung bigay.

Kapag may pagkakataon ay talagang ibinibida ako ni Papa. Bukod sa pagiging proud ay para na rin makahanap ng sponsors. Habang si Mama naman ang matiyagang nag-aassist sa akin pag may mga laro ako ever since I got recognized nung nagparticipate ako sa palarong pambansa. Hindi pa naman ako sobrang magaling pero nakilala na ako ng mga mahuhusay na coach sa bansa. I was a reserve player for Petron since last year, trainee kumbaga lalo na at estudiyante pa lang ako. Hindi pa lumalaro pero kasali na ako sa list. If the veterans won't sign their contracts again, I will have to train. And hopefully, play in a big court if I want to. Though it is still impossible for now.

Thinking of how far I have come makes me wonder. Na paano kung hindi ko ipinilit ito? I remember when I was a kid. Inis na inis si Papa dahil kapag recognition sa school ay puro medal mula sa participation ko sa athletic ang natatanggap ko at hindi pang akademiko. Nasanay kasi siya sa mga kapatid kong parehong nagtapos ng Valedictorian nung elementary at high school.

Kaya nung una ay hindi nila sineseryoso ang pagvovolleyball ko. They thought it was just a mere hobby. Naiintindihan ko naman 'yon dahil wala sa pamilya namin ang mahilig sa sports. They are big fans of basketball. But that's just it. No one pursued sports dahil hindi nila hilig. Ako lang ang talagang nahiligan ang maglaro laro.

But when highschool started, wala na rin naman nagawa si Papa lalo na at naging scholar ako dahil sa paglalaro ko. Yun nga lang, madalas ay sinisilip niya ang grades ko. Ayaw na mapapabayaan ko ang pag-aaral.

"Magmadali ka, Manuel."

I heard Mama from outside of my room.

"Opo!" Sigaw ko pabalik.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa harap ng salamin. I'm wearing a white square-neck midriff that compliments my broad shoulders. Ang pambaba naman ay itim na satin na midi skirt. I paired it with a black heeled sandals. About two inches kaya nagmukha lalo akong matangkad for which I didn't mind. Ang bag naman ay kilik kilik ko. May kaunti ring kolorete sa mukha. Powder lang at red lipstick.

Block the Raging HeatWhere stories live. Discover now