Chapter 3

18 1 0
                                    

"Ganda 'yan?" Asar ni Amanda.

We're in the middle of our break. Katatapos lang namin mag lunch kaya nagkakahuntahan.

"Tumigil ka nga." Iritado kong saway.

Someone gave me a bar of chocolate. Hindi ko kilala pero rinig ko'y Criminology. Si Amanda ang nagbigay sa akin, pinaabot daw sakaniya. Kaya ito at ako ngayon ang trip niya.

"Kung ako ba naman ang tipo nila talagang papatulan ko." Malakas na sambit niya.

She was really loud. Ang iba naming teammate ay napapatawa na. Sanay na sa kaniya.

"Ang kaso ay hindi nga ikaw ang tipo." Nang-aasar na sambit ni Rory.

Hindi nakaligtas 'yon sa kay Amanda kaya agad itong tumayo at tinakbo ang pagitan para lang dambahan ang babae. Nagsimula na naman silang magharutan kaya napapailing na lang ako.

We still have a lot of time to practice. Kapag kasi ganitong Saturday ay maghapon ang training. We have the whole day to practice kaya mahaba ang lunch. Pero kung weekdays naman ay hapon lang ang training namin after our classes. Talagang linggo lang ang araw na free kami. It's either we use that day as a rest day or to unwind.

Talagang puspos din kasi kami sa paghahanda dahil malapit na ang athletic meet. Apat na grupo kaming magkakalaban dito sa Felicidad. Kami ang representative dito sa Santa Clara habang mula naman sa maliliit na colleges sa tatlo pang municipality ang iba.

Ngayon pa at balak talaga namin umabot muli ng finals. My team was the best here in Felicidad. Though I am confident that the championship will be ours, hindi ako dapat pakampante.

"Inom tayo later?" Miriam asked.

"Tara!" Pagpayag agad ni Amanda. "Ako pa talaga ang niyakag mo sa inuman." Dagdag pa niya.

"Wag kayo magpadami. Masama sa katawan 'yan." Pag singit ko agad na ikinangiwi nila.

Bakit? Totoo naman. Alcohol is not good to our body. Lalo na at atleta kami.

"Minsan lang 'to, Manuel!" Depensa ni Amanda.

"Sumama ka mamaya ha." Anyaya ni Rory.

I nodded.

"Sure. I will monitor your alcohol intake." Mabilis naman ang eksaheradang singhapan ng tatlo.

I just shrugged my shoulders.

I need to go home early rin. Hindi nakakatulog si Mama at Papa kapag anong oras na ay wala pa ako. Hindi rin naman ako sanay na hating gabi na ay wala pa ako sa bahay. Maaga akong matulog. Alas nwebe dapat at nagpapahinga na ako kaya mauuna rin ako panigurado sakanilang umuwi.

When we finished our practice. Sabay sabay kaming apat na na lumabas ng gate. Kapag ganitong sabado ay college students ang madalas nasa campus. Kung hindi varsity players ay may mga klase ngayon. Kumpara sa weekdays ay mas kaunti ang estudiyante dahil walang elementary at highschoolers.

"Daanan kita sainyo?" Tanong ni Amanda nang makaalis si Rory at Miriam.

Wala naman akong ibang choice kaya tumango na lang. Siya kasi ang may motor kaya nakikiangkas na lang ako. Kaysa magtraysikel pa, mas napapamahak pa ako. Tutal naman madadaanan talaga niya ang bahay namin.

"Sige, una na ako, sis."

Lumapit naman ako sa mga nakaparadang traysikel at sumakay. Nang nasa loob na ng sasakyan ay saka lang ako nakahinga. It was tiring. Ang gumising ng maaga, mag-aral, at ang mag training. That's my daily routine. Sanay na ako pero hindi pa rin maiwasan ang mapagod.

"Kuya sa tabi lang po." Pag para ko ng nasa tapat na kami ng bahay.

Matapos kong magbayad ay agad akong nagtungo sa maliit naming gate. Sumalubong sa akin ay ang pusa kong si Tulip. Pinulot ko ito at kinarga habang ini-lo-lock ang gate.

Block the Raging HeatWhere stories live. Discover now