Chapter 4

12 1 0
                                    

Hapong hapo ako nang makabalik kami sa table namin. I was panting heavily. Hindi ko alam kung dahil ba sa mabigat si Miriam or is there another reason for it.

Hindi ko alam.

I can't help but curse under my breath. Hindi ito ang inaasahan ko. Ang akala ko ay chill lang ang magiging inuman namin— nila. I haven't drink a glass yet.

"Restroom lang ako, Amanda." Paalam ko dito at hinayaan siyang bantayan si Miriam na nakahiga na sa sofa.

Diretso ang pasok ko sa banyo. Inilapag ko ang bag sa sink at inilabas ang powder. Hulas na hulas ang itsura ko. May butil pa ng pawis sa gilid ng pisngi tanda ng ginawang pag-akay kay Miriam.

I started to wipe the beads of sweat on my forehead then all over my face with my clean handkerchief. Pagtapos ay nagpowder ulit, I retouched my lipstick dahil bahagyang nabura. Inayos ko rin ang nagulo kong buhok.

I took a quick look at my phone and saw that it was already quarter to ten. Ang bilis ng oras. It was past my bedtime too.

Giving myself a quick look at the mirror before I decided to go back. Paglabas ko ng banyo sinalubong ulit ako ng makulay na ilaw. But before I could even start a step I heard someone cleared his throat. It sounded forced. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil doon.

My eyes wandered to my side. And to my surprise, I saw Cuevas on the doorway of the men's restroom, nakasandal sa pintuan habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. He was darting his dark eyes on me. Wala akong balak na pagtuonan siya ng pansin kaya binawi ko ang tingin para magsimula sanang maglakad muli lalo at hindi ko matagalan ang titig niya. It was harsh and dark. His brows furrows like no tomorrow. I don't like how he looks at me. He exudes dominance and roughness.

"Why are you here?" His deep baritone voice stopped me.

Nilingon ko siya. I even made sure he can see my whole face before I utter my words. If my friends could see me right now, they would give me a round of applause. Amanda will probably tease me with how pretentious I look right now.

"Do I know you?" Maang-maangan ko. I could be awarded of an Oscar for how good my acting was.

I saw how he raised his brows. Although still looking dangerous, he looked amused. I can tell by the way his lips rose on one side. He was fucking smirking.

At anong nakakatawa?

Hindi ko na pinigilan ang sarili na pagtaasan siya ng isang kilay.

Lalong lumaki ang ngisi niya.

"Suplada." He commented.

My face contorted.

"Gago." I spat angrily bago siya iniwan.

When I got back to our table, nandoon na ulit si Rory. Mukhang kababalik lang pero nagsisimula na ulit tumagay.

"Saan ka galing?" Bungad nito.

"Restroom." Tipid kong sagot.

I haven't moved on yet on my encounter at the restroom. What is he doing here anyway? Is he stalking me?

"Kapagod pala sumayaw." Reklamo nito bago sumandal. Pawisan nga siya, namumula na rin ang mukha.

"Talaga? Sumayaw? Sure?" Si Amanda na malisyoso ang tingin kay Rory na lumalaki ang supil na ngisi.

"O gumawa ng milagro?"

"I will leave it to your imagination."

Napangiwi ako.

Rory likes the idea of flings. Ang sabi niya ay sang-ayon siya sa konsepto noon. Siya ang madalas namin mahuling nakikipaglampungan. I once caught her kissing someone sa likod ng campus. She was that wild. Hindi naman kami natatakot para sakaniya dahil alam naming hindi siya mabubuntis.

Block the Raging HeatWhere stories live. Discover now