Chapter 4

44 3 0
                                    

Finally! Yohoo! After 2435 years, nakalabas na rin ako ng ospital. Ang OA naman kasi ng nanay ko tapos isama mo pa yung makontrabida kong kuya. Sus, nahawa na ata doon sa mga koryano. Haha.

Buti na lang rin, sembreak na namin kaya makakapagpahinga pa ako tapos makakalabas na ulit. May pinapagawa kasi si Mama saakin para sa parents ni Mark, EdiWow! Pusha.

"Ano ba yan? Kanina ka pa eh." Reklamo niya. Sus. Di ko naman sinabing bantayan niya ako eh.

"Eh di umuwi kana po. Hindi ko naman sinabing bantayan mo ako o ano. Tsaka bakit ka nga pala andito?"

"Kasi nung lumabas ka ng ospital, di mo ako sinabihan. Kahapon ko lang nalaman, samantalang last week nakalabas kana."

"May pinuntahan kami, nakalimutan kong dalhin phone ko eh."

"Ang tanga mo naman."

"Wow naman. Talino mo ah! Alis kana nga. Mamaya maabutan ka pa ni Shaina tapos bubungangaan ka na naman nun. Kaya sige na. Bye. Sara mo yung gate ah."

"Ayaw ko pa. Hintayin ko pa yan. Pahingi ako ah."

"Eh para sa parents ng pinsan mo to."

"Ang damot mo naman, Dela Vega."

"Ang kulit mo kasi, Kwon. Kung hindi mo sana ako dinadaldalan edi sana tapos na to. Bumili ka na lang dibale mayaman ka naman. O kaya naman magpabake ka sa mga Girlfriends mo."

"Dami pang sinabi eh. Sige na nga pero kiss muna?" Bigla siyang lumapit saakin. Super duper lapit as in.

"Sapak on your face taas baba? You want? Sus naman eh. Halika ka na sa pintuan"

"Halikan? Game!"

Ge. Titigan ko lang siya.

"Sige na nga. Aalis na ako. Wag mo na akong ihahatid." Lucas talaga oh!

"Di naman kita ihahatid eh, hangang pintuan lang ng bahay. Feeler mo. Yung gate, Kwon. Bye!"

"Bye! ILoveYouToo!" Ulol! Anong Iloveyoutoo diyan? Urrgh.

Pagkaalis ni Kwon, ginawa ko na ulit yung ginagawa ko. Buti naman makakapagconcentrate na ako. Birthday kasi ng mommy ni Mark, eh pinapapunta ako ni mama, proxy daw. Sus, kasal kasal lang naman yung pag-uusapan doon. Kung lalaki lang kasi talaga si Mark eh di sana di kona kailangan pagtiisan si Lucas. Eh di sana walang asungot sa buhay ko ngayon. HaaayBuhay.

"Done. Tapos na ang cake. Finally."

Uhmm, tatawagan ko muna si Mark.

["Oh babae?"]

"Baklita, pasundo naman oh."

["Sure. Tawagan ko si Lucas."]

"Ikaw ang susundo."

["Gaga! Ano ako driver? No no no."]

"Sige na ah. Tsaka may cake ako for your mom tas may cupcake din for you. Exchange doon sa prutas at tinapay na binigay mo saakin nung nasa ospital ako."

["Whatever. 3 kita susunduin ah."]

"Bat ang aga? 7:30 pa yun eh."

["Magshoshopping pa ako. Di ako nakabili ng mga clothes nung nasa Cebu ako. Kaya bye. See you later. Bavooo!"]

K. Shopping na naman. Naalala ko na naman kaya nung isang buwan, bibili lang daw kami ng pocket books niya pero deretso agad sa Fudge Rock ang bakla. Bongga!

Iiglip muna ako, dibale 10 pa lang ng umaga, wala naman na akong gagawin eh. Kahit naman bisitahin ko si Kuya Kerl sa studion ng company nila dito sa Manila, di naman niya ako maaasikaso kaya matutulog na lang ako.

Lucas the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon