Chapter 8: Part A

31 3 0
                                    

Celene's POV

Thursday. 8:41 am.

Pupunta akong office ni papa ngayon, may letter kasing iniwan si kuya, muntik kona ngang huwag basahin kasi akala ko kung ano lang, buti na lang talaga binasa ko.

10:30 ang dapat na punta ko pero 9:30 ako aalis ng bahay, pupuntahan ko saglit si Esri, wala daw siyang kasamang kumain, eh nagugutom din ako kaya sasama na ako. Pagkatapos kasi ng naging usapan namin sa Han River, feeling ko buong pagkatao na niya yung shinare siya saakin.

Flashback. . .

"Celene?"

"Oh?"

Parehas kami nakatingin sa view. Maganda at tahimik dito. Siguro laging andito si Esri pag lagi siyang napapagalitan.

"Ayaw mo bang maging katulad ng kuya mo?"

Siya ang kauna-unahang nagtanong saakin niyan simula nung stay ko dito sa Korea.

Ngumiti lang ako sabay sinuntok siya ng mahina.

"Sa sobrang laki ng kasalanan ko sa pamilya ko, pati pangarap ng papa ko saakin hindi ko kayang gawin."

"Buti nga ikaw may pamilya ka, may tatay kang nangangarap para sayo." This time, seryoso na talaga siya.

"Ha? Oy Esri!"

"Bata pa lang ako wala na akong kinikilalang nanay at tatay. Kumbaga sa Pilipinas, taong kalye ako. Hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito sa Korea eh. Walang akong maalala, hindi ko alam kung sino at saan ba dapat ako pupunta."

"Ano yun parang nagka-amnesia ka?"

"Ewan. Basta ang alam ko lang, mag-isa na ako."

Tumayo siya sabay hinawakan niya yung kamay ko.

"I am really thankful na nakikila kita ngayon. Dahil sayo..."

Ano bang pinagsasabi nito?

"Dahil saakin, ano?"

"Wala. Ihahatid na kita, baka hinahanap ka na ng kuya mo."

Magkahawak pa rin kami ng kamay ng biglang huminto siya. Tumingin siya sa mga mata ko sabay niyakap niya ako.

"Esri..." Nagulat ako ng sobra sa ginawa niya.

"Please stay. Don't leave me."

"Ako ba talagang sinasabihan mo? Baka naman ibang tao? Oy Esri, okay ka lang ba?"

Bumitaw na siya sa pagkayakap at pagkahawak niya sa kamay ko.

"Sumunod ka na lang." Eh bakit parang ang lungkot niya?

End of flashback. . .

Aalis na nga ako, kailangan ko pang pumunta kay Esri bago ko puntahan si papa, finally, makikita ko na rin siya.

Lumabas ako ng bahay, nabigla ako sa nakita ko.

"Celene..." Anong ginagawa niya dito?

"Lu-lucas? Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi mo sinasagot tawag ko." Para yun lang???

"Gamitin mo." Sabay may inabot siya saakin na paper bag.

"Bakit ito?"

"Diba nawala mo phone mo? Ang tanga mo kasi eh. Alis na ako."

"One more thing. Please behave. You are my girlfriend. Tawagan kita mamaya." Naglakad na siya palayo, bakit kailangan pa niya pumunta ng Korea para lang bigyan ako ng cellphone?

Lucas the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon