Chapter 8: B

27 0 0
                                    

After 2 weeks.

"Hindi ka pa ba gigising diyan? Nak ng! Celene! gising na kasi!"

"Sha! Ang sarap mong ihagis sa pluto. Late na akong nakatulog kagabi, wala naman akong pasok ngayong umaga eh kaya parang awa mo na, lubayan mo muna ako."

Shainaaaaa!

"Ha? Ulots! Bangon na kasi." Pangungulit ng bruha kong kaibigan.

"Mamaya na Sha! Parang awa mo na oh." Irita kong sagot. Jusmeyo.

"Ano ba naman yan? Don't tell me after nung nanyari last last week apektado ka pa rin? Don't you dare lie to me. Hay! English yun ah."

Bigla akong bumangon, nagulat tuloy siya.

"Yun? Sus. Nakabaon na yung nanyari. Ano ba kasi kailangan mo?"

"Malapit na kasi yung Valentine's ball natin. At sabi ni Tita, your mom, magready daw tayo. So, let's go to your tita na kakauwi lang galing sa Paris na kakatapos lang yung fashion show nya sa New york. Bongga talaga ng lahi nyo!"

Paano nya alam yun? Hndi ko naman nababangit yun sakanya ah?

Tinititigan ko lang siya.

"Wala na tunaw na ako, Celene. Sus. Bumaba kana. Kain na tayo."

Pumunta ako agad sa CR, maliligo na ako para mamaya matutulog ako ulit. Ayaw kong magpasukat ng damit para sa Valentine's ball, para lang naman sa mga may jowa yun eh. Ako? Sus. Walang forever. Chareng!

Pagkaligo ko, bumaba ako agad, nakita ko si Sha na naglaloptop sa dining table, hinintay niya talaga akong bumaba bago kumain? Sus.

"Hindi ako pupunta ng ball." Sabi ko habang kumukuha ng Fried rice.

Napatulala ang bruha.

"Bitter." Bulong niya.

"Ha? Ako? Hindi ah. Nakakatamad kasi, Sha. Wala din naman akong date. Eh ikaw meron, si James. Hahahaha!"

"Demonyita ka talaga!"

"Alla oh! Bakit ba?"

"Si James talaga? Yung bwiset na yun? Kahit ayaw mong pumunta, gusto naman ng mommy mo."

"Si ma--"

Incomming call: Mama

"Speaking." Sabi ni Sha.

"Ma? Bakit po?"

["Balita ko may upcoming ball daw sainyo. Go to your Tita."]

"Ma, ayaw ko po. Hindi ako pupunta."

["You have to. Sige na, pumunta kayo later ni Shaina. Sige na. Bye."]

Walang hiya. Magkakampe na naman si mama tsaka si Shaina.

"So?? Tara mamaya?" Pang-aasar ni Shaina saakin.

Tinignan ko lang siya ng masama tsaka umalis ng kusina, hindi kona inubos yung pagkain ko, bahala na si Shaina maghugas ng plato ko.

Matutulog na lang ako ulit, hintayin ko na lang si Shaina na gisingin ako mamaya. Tutal siya lang naman ang excited doon sa gown eh.

Shaina's POV

Bakit ba kasi ayaw ni Celene na umattend sa Ball, ngayon na nga lang ulit magkakaroon ng ganun sa university namin tsaka.. Urgh! Ang kj nya talaga. Nakakainis siya.

Pagkatapos niyang bawasan yung kinuhan nyang pagkain basta na lang siya aalis, di naman lang inubos. Sayang talaga sa pagkain. Sus. Gisingin ko na lang daw sya mamaya, eh anong oras na kaya, dapat nga pumunta na kami ngayon kaso baka magalit lang siya magbago pa isip nya.

Bigla na lang nagvibrate phone ko. Sino na naman ba to?

Text message: James

Next month na yung ball. May partner kana ba?

Reply:

Wala pa. Ako lang mag-isa. Busy ako. Mamaya kana mang-istorbo.

Bored ba sya oh ano? Pinsan ba ng pinsan ng pinsan ng pinsan ni Lucifer tong lalaking to? Lagi na lang akong binibwiset eh.

After kong maghugas ng pinggan, aakyatin ko si Celene sa taas tap---

"KYAAAAAAH!"

"Oh shit!"

Bigla na lang ako napatakbo. Ang lakas ng sigaw ni Celene.

"Oy anong nanyari? Nak ng, Celene naman eh!"

Takang taka siya sa reaksyon ko.

"Anong ano? Ang OA, nakikita mo diba? Nadulas ako, diba obvious? Sipain kita eh. Aray ko ang sakit shit."

Loading loading loading loading....

"HAHAHAHAHAHAHA! Ang tanga mo Celene! HAHAHAHAHA!"

"Tawang tawa ah." Bulong niya sabay titig ng masama.

"Ang bilis ng karma mo. Hahaha. Sige na, tumayo kana, tapos magbihis kana rin. Magpapasukat na tayo. Opps! Wala ng aangal. Baka madulas ka pa ulit. Hahaha. Go Celene! Baba na ako ulit. Hahaha. Shunga."

Tawang tawa akong lumabas ng kwarto niya. Narinig ko pa siyang nagdabog. Haha. Kashungahan niya talaga.

------
Hi Guys! Sorry ulit sa super duper super duper na turtle update. Nawala kasi sa isip ko eh. Enjoy reading. Thank you! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucas the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon