Chapter 7: Part 2

22 2 0
                                    

"Ano yun? Pinapunta mo ako dito para diyan?" Nakakakulo ng dugo. Bwiset.

"Diba obvious? Tsaka andito kana, sayang pagpunta mo."

"Eh? No. No. No. Aalis na ako."

"Sige na kasi. Kailangan kita."

So what? Sus. Di nga kami close tapos tutulungan ko sya? Tapos sa gantong bagay pa? No way.

"Partner lang naman eh."

"Para san ba?"

"Wala. Practice lang. Nainjured kasi yung dapat na partner ko. Eh ngayon nakaseched yung practice. Your kuya told me na sumasayaw ka dati."

Walang hiya. Dati yun, hindi ngayon.

"Elementary ako nun. Tinikling tsaka pandangko sa ilaw ako magaling. Ano? Game ka? Tara!"

"I want you. Seriously."

"Ha?"

"I need you."

Ano ba talaga? Parang nung kahapon lang galit na galit siya saakin kasi daw hindi siya nakalabas ng bahay dahil sa pinakain ko sakanya tapos ngayon may nalalaman pa siya 'I need you'. Urggh! I hate that word, really.

"Oo na. Kuha ka na ng kandila pati na rin kawayan."

"Celene!" Sigaw niya, problema ba nito? Pumayag na nga eh.

"Hip hop slash sexy dance ito."

"Ano?! Anak ng! Hoy Esri, sobra naman yung sexy---" napahinto ako kasi biglang nagring yung telepono ng dance studio.

"Yebeseo? (Hello?)" Sinagot agad ni Esri yung telepono.

"Algessseubnida. Geunyeoneun nawa hamkke yeogi." Eh bakit parang kinakabahan siya?

"Algessseubnida. Naneun hal geos-ida."

Bigla na lang ang sama ng tingin siya saakin, bastos to ah.

"Ano? Bat ganyan ka makatingin?"

"Papunta na yung magtuturo."

"Ha? Esri naman eh, ayaw kona."

"Wala ng bawian. Huwag ka ng maarte." Ang haaard naaaaman!

Me be like: Poker face while waithing Mr. Choreographer.

Biglang bumukas yung pintuan. May pumasok na isang lalaki, siguro ito na yung choreographer na sinasabi ni Esri.

"Geunyeoneun dangsin-ui pateuneoga doel geos-ibnida? (She will be your partner?)" Bungad nung lalaki kay Esri.

"Ne, hyung." Sagot naman ni Esri.

"Hwagsilhabnikka? (Are you sure?)"

"Dito ka lang Celene. Mag-uusap lang kami sa labas."

"Ha? Okay, sige."

Pagbalik nila, tinignan ako ng lalaki mula taas hanggang baba.

"Let's start. Ready?" Sabay tinaasan niya ako ng kilay.

Tumango lang ako.

"I want you to make eye contact to him."

Agad-agad?

"Ha? Eye contact?!" Sa lalaking ito ako makikipag-eye contact? Seryoso ba siya?

"Huwag ng maarte." Bwiset ka Esri.

Lumapit ako sakanya sabay timingin sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya, nakakainlove. Yung mata lang ah.

"Esri-ah~ Hold her waist. And you, try to look sexy." Bakit ganun? Pag si Esri ang kausap niya ang sweet pero pag ako may kasama pang taas kilay. Abay, favoritism? Porket gwapo lang? Tss.

Lucas the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon