Chapter 5

32 3 0
                                    

Nagugutom na ako pero wala pa rin si Mark. Huehue. Sabi kasi ni Shaina, wag daw akong kakain ngayon para yung damit na binigay ni Lucas magkasya saakin. Eh kasalanan ko ba sobrang fit saakin nung dress. Nang-aasar ata siya. Bwiseeet.

"Sha-Ina. Shaina. Hahaha."

"Problema mo? Adik to."

"Wala. Naisip ko lang kamo, since birth naba yung pagiging playboy ni Lucas. Kasi tignan mo ah, nung isang araw daw may dinedate siya tapos biglang kahapon iba na naman."

"Selos ka naman?" Seryosong tanong niya.

Ano?! Hindi ah.

"Curious lang. Kasi malay mo may reason siya kung bakit diba."

"Edi sana tinanong mo siya nung party kahapon. Oo nga pala. Kamusta nga yung kahapon?"

"Wala. May bitbit na babae si Lucas kahapon kaya pinauwi na ako ni Mark."

Saklaaaaap diba? Ha-Ha-Ha

"Eh ikaw ang girlfriend diba? Ay mali. Manggang girlfriend."

"Ginawa mo naman akong prutas. Tsaka playboy si Lucas. Sabi nga ni Mark may 4 na babae na siyang inuwi sa bahay nila tsaka may 2 siyang tinataguan ngayon."

"Paki ko ba kay Lucas? Tsaka paki mo rin ba? Magugulat ka na lang tinutugis na yan dahil sa papaging playboy niya. Hintayin mo lang."

Ang OA ah. Tumawa na lang kami ni Shaina. Pero pakiramdam ko may problema eh, may tinatago si Shaina saakin.

"May problema kaba?" Tanong ko.

"Wala. Natatae lang ako."

"Ang bastos mo Sha!"

"Joke lang. Wala baliw. Iniisip ko lang kasi yung course ko. Gusto ko magpalit eh."

"Ha? Diba Archi ang gusto mo? Nung highschool pa ata eh."

"Oo pero may nagugustuhan akong iba. Kaso sayang yung 3 taon eh. Nakakapanghinayang kung magpapalit pa ako."

"Kung saan ka masaya, edi doon ka. Yun ang tinatawag nilang magic words. Hahaha."

"Ewan ko sayo Celene. Wait. May padala ka nga pala, galing sa mama mo. Yung malate, tapos may note na nakalagay. Halika dali! Tignan natin, nasa kwarto mo yun eh."

Araaaay! Bakit ba siya excited? Tsaka para saan yung maleta?

"Sandali lang! Masakit! Wag mo akong hilain. Ang sakit naman nun."

"Sus, ginaganyan ka rin naman ni Lucas eh. Oh ayun siya, check mo dali."

"Ano ba? Parang kanina ang tamlay mo tapos biglang super hyper mo. Baliw to."

"Ito naman. Hahaha. Saglit kukunin ko lang yung nakalagay na sulat. Oh, ito. Saglit. Uhmm. Use this for your vacation. Taray, ang haba ng nobela ng nanay mo ah. Hahaha"

"Muntanga Sha. Hahaha. Next week na pala alis ko. Ay, so ibig sabihin pumayag si mama? Pero bat ganun? Di dapat niya ako papayagan eh."

"Ikaw ang parang tanga. Sige na dali! Kumuha ka ng undies mo."

Undies?! Walang hiya.

"Tinatamad ako. Bukas na lang."

Naramdaman kung nagvivibrate phone ko. Si Lucas or Mark lang naman yun, panigurado. Halos 2 buwan na yung nagtagpo ang mga landas namin, simula nun gusto ko ng pumaslang ng Cruz at Kwon. Haaaay.

"Oh bakit na naman?"

["I need you."]

"Naks. Ulol. Ano na naman? Busy ako pare."

Lucas the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon