NAPILITAN si Aurora na titigan ito na parang nahihipnotismo. Dahan-dahang itinaas ni Lukas ang blouse niya at nang mahantad dito ang dibdib niya ay ibinaba nito ang bra niya at yumuko. Muntik na siyang mapasigaw nang maramdaman ang init ng bibig nito sa dibdib niya.
She was so hot she couldn't even think sensibly. May mainit na bagay na dumadaloy sa kanya pababa sa pinakasentro ng pagkababae niya. And it's making her weak. Subalit kailangang pairalin niya ang matinong kaisipan.
"Lukas, stop!" awat niya rito at itinulak ito. "Makikita tayo ni Maring..."
Lukas gave a low growl. Mariing inihilamos ang mga palad sa mukha at sunud-sunod ang ginawang paghinga. Si Aurora ay agad na tumayo mula sa pagkakaupo rito at naguguluhang bumalik sa mahabang sofa.
Nasa ganoon silang ayos nang bumukas ang pinto sa silid ni Doreen. Nang sulyapan ito ni
Aurora ay nakabihis na ito.
"Magandang umaga sa inyong dalawa," anito.
Lukas growled his response, tumayo at sa pang-isahang sofa naupo. Dinampot nito ang baso ng lemon juice ni Aurora na kalahati pa ang laman at ininom. Sa wari ay uhaw na uhaw ito.
Kinalma ni Aurora ang rumaragasang damdamin. She wasn't normal! she accused herself. She was insane! A wanton! The wolf was kissing her and she was so hot. Would a normal woman do that?
At natitiyak niyang alam ni Doreen ang nangyayari sa kanila ni Lukas. Doreen was just tactful. Ano ang iisipin at gagawin nito kung ito ang nasa lugar niya? Kung ito ang nakakita kay Lukas kagabi sa pagpapalit nito ng anyo?
O nagpalit nga ba? Hindi kaya totoong nanaginip lang siya? At ang sira sa kisame ay totoong pinasok sila ng tauhan ni Gregor. Ipinilig niya ang ulo at tumingin kay Doreen.
"N-nakabihis ka? May pupuntahan ka ba?"
Bumaba na muna ito bago sumagot. "Kausap ko kagabi si Mrs. Lucio, Rory," anito. "Inalok niya akong pamahalaan ang isang branch niya sa Hong Kong."
"Really?" she said absentmindedly.
"Mag-uusap kami ngayon," patuloy nito na nagpapaunawa ang mga mata, sinulyapan si Lukas. "Ikinalulungkot kong hindi ako makakasama sa inyo sa Pagudpud, gustuhin ko man. Kailangan ko ng ibang lugar, Rory. Kailangan kong makalimot at makaalis dito. Kahit sa Quezon City ay hindi rin ako mapapanatag. At ang Pagudpud ay hindi naman nalalayo sa Bangui."
Saka pa lang rumehistro sa isip niya ang sinasabi nito. "Naiintindihan kita, Doreen," she said with a sigh. May lungkot na gumuhit sa dibdib niya. Sa nakalipas na tatlong taon ay sanay na siyang naririyan si Doreen at si Ate Olivia.
Now she would be totally alone. Well, there was her sister Nadja. But then Nadja would stay at their condo in Quezon City. At siya ay dito sa Bulacan para pamahalaan ang tindahan kung sakaling muli itong mabubuksan. Iyon ay kung mahuhuli ng mga alagad ng batas si Gregor.
"Ayokong iwan ka, Rory. Kayo ni Nadja," anito. "Pero kailangan ko siguro munang mangibang lugar. Labis-labis na sa emosyonal kong kakayahan ang nangyayari. Nagiging dependent na yata ako sa drugs na makapagpapanatag sa akin. At ayoko ng ganito."
Tumango siya. "Naiintindihan ko," she whispered, kasabay ng pagyuko nito at paghalik sa pisngi niya.
"Tutuloy ba kayo mamaya sa biyahe ninyo?"
Napakurap si Aurora. Muling nagbalik sa isip ang natuklasan tungkol kay Lukas. She opened her mouth to say something but closed it again. Ano ang sasabihin niya? Would she travel with him back to Pagudpud? At ano nga ba talaga ang nangyayari? Nalilito siya.
BINABASA MO ANG
PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The Beauty
Romance"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkatao ko..." Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan...