Chapter Ten

387 7 0
                                    


"DUMIDILIM na!" ani Lukas sa malakas na tinig dahil baka hindi siya marinig ni Aurora, nasa may pier siya at nakatanaw rito. "It's six o'clock."

Nilangoy ni Aurora ang palapit sa pier. "Ang linaw ng tubig, Lukas!" bulalas nito. "Nakikita ko kahit ang mga isda! Ngayon lang ako nakakita ng sari-saring isda sa iba't ibang kulay! At nakikipaghabulan sa akin sa tubig." She laughed like a kid.

"I can see you are enjoying your swim. Pero mahigit ka nang isang oras diyan at dumidilim na."

Itinaas nito ang dalawang kamay sa kanya. "Pull me up!"

Kumunot ang noo niya, sandaling natigilan. Bago ibinaba ang sarili sa tabla at inabot ang mga kamay nito at itinaas nang walang kahirap-hirap. Nakatawa si Aurora nang makasampa sa pier. Naupo ito roon at nakabitin ang mga paa. Pagkatapos ay inikot ng tingin ang buong paligid, Sa asul na karagatan, ang yate sa di-kalayuan, ang bundok, at ang villa.

"Alam mo ba na hindi ako lumaki sa hirap?"

"What are you trying to say?" he asked, frowning.

Hindi niya maiwasang idako ang mga mata sa dibdib nito. Umaagos ang mga tulo ng tubig mula sa buhok nito patungo sa pagitan ng dibdib. At may bahagi ng katawan niya ang agad na nag-react. He'd met many women but to get aroused this easy was something new. And the animal in him wanted to devour her... sexually, at least.

She smiled. May bahagyang dimple ang lumitaw sa kaliwang bahagi ng pisngi nito. "Ang nais kong sabihin, na kahit paano ay hindi kami pinagkulang ni Tatay pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito... nakakita ng ganito..."

"Explain."

"What you have here is paradise, Luke," she said, inilahad ang mga kamay at hinayon ng tingin ang buong paligid. "Ang bahay mo ay nasa ituktok ng bulubunduking bato at nakatanaw sa malawak na karagatan. Napapaligiran ng mga punong hindi itinanim ng tao kundi ng kalikasan.

"Gayundin ang mga wild plants and flowers sa paligid. Pino at puting buhangin sa isang hindi-kalakihang baybayin. Napapanood ko lang iyan sa sine. At dito ay nagigising ka sa huni ng mga ibon. Ako... kami ay nagigising sa ingay ng traffic."

"In a week's time you'll get bored," he said drily. "Hahanapin mo ang buhay sa siyudad... ang ingay ng traffic."

Nilingon siya nito, tinitigan. "Bakit mo naman nasabi iyan?"

He shrugged. "May mga guests din naman kaming magpinsan na dumarating dito. Sa una'y tulad mo rin sila. Namamangha sa kagandahan ng paligid. Subalit pagdating ng hapon o kapag pagod na sa kapapasyal at kaiikot sa mgagandang tanawin dito ay nagnanais nang bumalik sa Maynila. Ang lugar na ito ay bahay-bakasyunan lamang para sa mga tagasiyudad."

"Maaari," anito, tinanaw ang dako pa roon ng dagat. "Dahil itinuturing nilang nagbabakasyon lamang sila sa isang magandang lugar. This is not their home."

"Exactly what I am saying. Sa mga tao sa siyudad ay bakasyunan lang ito.." he said drily. Tumalikod na si Lukas at lumakad patungo sa dulo ng pier. "Huwag ka nang bumalik sa dagat. By the time na nakapagbihis ka ay nakahanda na ang hapunan. Natitiyak kong gutom ka na dahil hindi ka nagtanghalian."

"I love it here, Lukas!" sigaw niya rito. "I wish you'd invite me back kapag naayos ko na ang problema naming magkapatid."

Sandaling huminto sa paghakbang si Lukas pero hindi lumingon. Kapagkuwa'y muling nagpatuloy.


ALAS-ONSE na ng gabi ay nanatiling nasa balkonahe sa labas ng sala si Aurora. Puno ng alalahanin ang isip habang nakatingin sa kadiliman sa labas.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon