HINDI alam ni Aurora kung saan siya patungo. Makitid ang daan at muntik na siyang madisgrasya sa isang sharp curve. Mabuti na lang at wala siyang nakasalubong. Patuloy siya sa mabilis na pagmamaneho palabas ng Bangui.
Inalis niya sa balikat niya ang shoulder bag at ibinaba sa kabilang upuan. Iniladlad iyon at inilabas mula sa bag niya ang cell phone at tinawagan ang pamilyar na numero ng telepono.
"Aurora?" came the reply after four rings. "H-hindi siguro... ako makakasama sa pagsundo sa iyo bukas ng gabi."
"Ate Olivia..." Ang ano mang sasabihin niya ay sandaling natabunan nang mahimigan ang malat na malat na tinig ng nakatatandang babae. "Are you okay? Bakit ganyan ang tinig mo?"
"Namamaga ang lalamunan ko, kahapon pa. May lagnat yata ako..."
Hindi na malinaw sa pandinig ni Aurora ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Magulo na ang koneksiyon. "Magpadoktor ka... hello... hello. Ate Olivia? Hello... nawawala ka..." Napaungol siya. Nawala sa linya si Olivia.
Sinubukan niyang tawagan uli ito, kailangang malaman nito at ni Doreen ang tungkol kay Gregor. Kailangan niyang makausap alinman sa dalawa. Subalit hindi na siya maka-connect pa. Walang malinaw na signal.
Inihagis niya ang telepono sa passenger seat. A few minutes later ay nag-ring ang cell phone niya. Dinakma niya ito. "Ate Olivia!"
"Aurora, it's Gregor—"
"You son of a bitch! You killed my father!"
Ilang sandali ang lumipas bago, "Honey, ano ba ang sinasabi mo? Nagkakamali ka—"
"Narinig kita, Gregor. Narinig kita!"
"You must have misheard us. Slow down, please. We have to talk," patuloy ito sa tinig na nakikiusap.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Gregor! Malinaw kong narinig ang sinabi mo. Ikaw ang nasa likod ng panloloob at pagpatay kay Itay at sa iba pa! Napakasama mo!"
"Aurora, why don't you let me explain. Mali ang narinig mo at—"
"At huwag mo akong ipahabol, Gregor!" sagot niya. "Alam ni Ate Olivia at Doreen na narito ako sa San Isidro! Tinawagan ko sila at binalaan.
Na kapag may nangyari sa akin ay ikaw ang may kagagawan?" she bluffed.
"You are being foolish. Pati si Ate Olivia at Doreen ay pinag-alala mo." His tone was reprimanding. "Nagkamali ka lang ng dinig. Please slow down. Baka maaksidente ka!"
"I trusted you! Iyon pala'y isa kang kriminal! Hindi mo ako mapapaniwala sa ano mang sasabihin mo! Ipakukulong kita!" Halos sumigaw na siya sa galit.
She heard Gregor uttered profanities. Nawala ang hinahon sa tinig nito nang muling magsalita. "May mga tao akong posible mong makasalubong, Aurora. Kahit saang bahagi ng norte. You don't know what I am capable of. Hindi ko nais na masaktan ka sa ginagawa mo. So let us talk."
Mariin niyang pinindot ang off na kulang na lang lumusot ang daliri niya sa keypad at naputol ang linya. Muli niyang inihagis sa kabilang upuan ang cell phone niya at binilisan pang lalo ang pagmamaneho. Slow down. Iyon ang sinabi ni Gregor. Ibig sabihin ay kasunod niya ito. Mas diniinan pa niya ang selinyador.
HOW COULD she be a fool for trusting him... for even thinking of marrying him? The man was a murderer! Kasabwat ang kung sino man sa mga empleyado nila ay matagal na marahil pinlano ni Gregor ang panloloob.
Sino sa dalawang tinderang hindi napatay? Kailangang muli niyang paimbestigahan nang mabuti ang dalawa pagbalik niya sa Bulacan.
Bakit kahit minsan sa loob ng panahong nanliligaw ito sa kanya ay hindi niya naramdamang masamang tao ito? Lalo na nitong mamatay ang tatay niya. He had always been there for her. Halos hindi siya gustong iwan nito sa mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The Beauty
Romance"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkatao ko..." Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan...