Chapter Six

395 10 0
                                    


ALAS-SINGKO ng umaga nang mapaigtad si Aurora. May kumikiliti sa ilong niya at nais niyang mahatsing. Kapagkuwa'y isang mahinang ungol ang narinig niya. Nakapa ng kamay niya ang pinagmulan ng ungol. Makapal na balahibo. At nakaunan siya roon! Nasisinghot niya ang balahibo ng aso, dahilan upang ninais niyang mahatsing.

Muntik na siyang mapasigaw nang pumasok kaagad sa isip ang pangyayari kagabi. The big dog was still here! At nakaunan siya sa katawan nito. Ang init ng katawan nito ang nagkanlong sa kanya sa matinding lamig. Binantayan siya ng malaking aso sa buong magdamag!

Mabilis siyang bumangon. Napaungol siya sa sakit ng mga kasu-kasuan. Nang maalis ang katawan niya sa malaking aso ay tumayo rin ito at bahagyang lumayo sa kanya. Nagsisimula nang mamanaag ang liwanag sa mga bundok at natitigan niya nang husto ang malaking aso.

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh, my god! You are so big a dog!" she uttered in horror. Kung malaki ito sa tingin niya sa dilim, ngayong mag-uumaga ay mas namamangha siya. Ang alam niyang may ganito kalaking aso ay Great Dane, subalit ang mga Great Danes ay hindi makakapal ang balahibo na tulad ng malaking asong ito. Anong klaseng aso ito?

But then, what did it matter? The huge dog didn't hurt her. It protected her from last night's rain and cold.

Umingit iyon at ikiniling ang ulo sa isang bahagi na sa wari ay sinasang-ayunan siya. Nawawalan siya ng sasabihin sa sindak. Kunsabagay, kahit ano ang sabihin niya ay sasagutin ba naman siya nito? Pinakatitigan niya ang aso. Pinaghalong abo at puti ang makapal nitong balahibo. Its eyes were almost golden.

"Ano ang ginagawa ng isang mamahaling aso sa lugar na ito?" she asked aloud. "Naiwan ka ba ng mga amo mo? Tumalon ka ba mula sa sasakyan?"

Hindi niya kailangang matakot. Bagaman nanginginig siya nang kaunti mula sa pang-umagang hangin. Ngayon niya lubusang natiyak na hindi siya sasaktan nito. Sa halip ay binantayan siya nito. Ipinagsanggalang sa matinding lamig. Nakatagpo siya ng kaibigan sa malaking aso. Maybe her situation wasn't as hopeless as she first thought last night.

Humakbang ang malaking aso patungo sa lugar kung saan siya nagdaan kagabi. Nilingon siya at sa wari ay niyayaya siyang bumaba roon. Nang tumayo siya ay nagpatiunang tumalon ang aso. Mabilis siyang sumunod. Sa nagsisimulang pagsikat ng araw sa likod ng mga bundok ay napuna niyang hindi naman pala ganoon katarik ang batuhan. At may daan na mas napadali siya kung naaninag niya kagabi iyon.

Hinintay siya ng aso na makababa at pagkatapos ay tinawid niyon ang ilog na karugtong ng dagat sa ilalim ng tulay. Huminto ito nang nasa kabilang bahagi na at nilingon siya.

"G-gusto mo akong sumunod sa iyo?" she asked stupidly.

Iginalaw ng malaking aso ang ulo na sa wari ay tumatango.

Nanlaki ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay maliwanag niyang nakita iyon. Naiintindihan siya nito! Ang napakalaking aso na ito ay alaga ng kung sino man. Turuan. Baka naman tama ang hinala niya. Naligaw ito o baka tumalon sa isang nakahintong sasakyan at hindi napansin.

Pero kung sa lugar lang na ito nakatira ang aso ay kaya nitong umuwi. Dahan-dahan niyang tinawid ang mga batong inaagusan ng tubig. Pinili ang mga aapakan na hindi siya madudulas. Ilang sandali pa'y nakatawid na siya. Nagpatuloy sa paglakad ang aso.

Sinikil niya ang pagbangon ng takot. Dahil kasinlaki niya kung tutuusin ang aso. But the dog was friendly. Napahugot siya ng hininga nang mapansing sa kaliwa nila ay ang malawak na karagatan. Sa ibaba ay munting dalampasigan ng mga bato. Mukha iyong mababaw pero ano ang malay niya? Madulas lang siya ay babagsak siya roon. But she knew how to swim so no worries. Subalit wala siyang balak mahulog doon. Hindi niya kabisado ang bahaging iyon ng dagat.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon