CHAPTER 1

25 4 0
                                    


"Apo dalhin mo ito sa kabila." utos sa'kin ni lola kaya naman napataas ang kilay ko.

"Why naman sharing ulam with the neighbor?"

"Ganito dito sa probinsiya. Masanay ka na."

Kinuha ko naman yung mangkok na may lamang bulalo para dalhin sa kabilang bahay. It was hot and full so i use a tray so i can hold it.

"Tao po." I called. Nabibigatan na ako pero wala pa ring nagbubukas. Nakakainis naman. They're so tagal.

"Oh, Thalia ikaw pala."

"Good morning auntie. Lola ask me kasi to bring this food eh." makikita ko na naman si Akira. Ay, oo nga pala hindi ako nagsuklay. Ano ba yan. She open the gate for me and she was smiling.

"Pasok ka iha."

"Huwag na po auntie." medj pakipot pa muna ako. I should be baka sabihin pa niyang easy to get ako. Hahaha, char.

"Halika na. May ibibigay din kasi ako."

"Ah sige po."

Pagkapasok ko sa loob ay simple lang ito pero maayos. There furnitures is for modern houses not unlike sa bahay ni lola. Pero mas maganda sa bahay ni grandma kasi sobrang feel at home ang ambiance but of course it was s amazing and beautiful. 

"Thalia, anong ginagawa mo dito?"

"Lola ask me to brought the ulam here since it's normal naman daw."

"Bakit ba ganyan ka magsalita?"

"You don't care." Ang gwapo pa rin niya kahit kakagising lang niya. Ano ba yan, buti na lang at dinala ako ni papa dito.

"Namiss mo ako kaya nandito ka no?" 

Yes, I miss you so damn much. I bite my lower lip to stop myself from smilling.

"Ang kapal naman ng mukha mo." I said at umirap. 

"You're so pangit kaya, like eww." nagulat naman ako ng akbayan niya ako. Mahihimatay ata ako. Shezz. Lord, don't let me collapse in here.

"Sa gwapo kong to."

"Yuck, saang banda?"

"Sa lahat."

"Eww, kadiri ah."

"Tama na yang bangayan niyo. Iha, napadami din kasi ako ng luto ng denengdeng." napatingin naman ako sa hawak niyang mangkok. Puro gulay. 

Shut up Nathalia, ang arte mo. Dapat nagpapa-good shot ka sa mama niya. Nginitian ko lang si auntie bago abutin ang binibigay niya.

"Thank you po auntie. Aalis na po ako kasi baka maihangin ako sa yabang ng anak niyo." natawa naman ito sa sinabi ko. Muli ay nagpaalam na ako at umalis na.

 Nakahiga ako ngayon sa sofa at nanunuod ng Tv. Nabobored na ako pero wala naman akong magawang maganda. This boredom is killing me. If papa just give me my computer. The internet here is also weak and I really don't know what to do now.

"Thalia." bigla naman akong napa-upo ng marinig ko ang boses niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko. He was smilling and the world seems to stop na parang siya lang ang nakita ko. He was smilling so bright too.

"Thalia." ulit nito at winagayway pa ang kamay niya sa harapan ko pero naiimagine ko pa rin yung nangyari kanina.

"Aray." daing ko ng sampalin niya ako pero mahina lang naman.

Way back homeWhere stories live. Discover now