kasagutan ng pagmamahal."

85 4 4
                                    

Rqst Celestia_Encantadia

Ito na req mo sis ☺️

~~~

Kaarawan ng bathalumang cassiopea Ngayon: kaya't abala ang ilang mga ivtre sa devas sapagkat nais ng bathala na ayusin ang silid kainan para sa espesyal na Araw na ito.

Merong mga  ibat ibang bulaklak, masasarap na ain at inumin, at iba pang mga palamuti.

Batid ni emre na hindi papayag si cassiopea na magpahinga sa kanyang mga tungkulin: kaya naisip na lamang nya na ipaghanda ito ng espesyal na agahan para mapasaya kahit papaano ang bathaluman.

Maayos na ba ang lahat? Tanong nya sa mga ito.

Opo mahal na emre, sang bathaluman na lamang ho ang kulang: ngiting wika ni alira.

Kung gayon ay maari mo ng sunduin si cassiopea alira, dahil mo na sha rito: utos ni emre.

Masusunod po mahal na emre.

~

Sa silid ni cassiopea.

Nagising ang bathaluman dahil sa sinag ng Araw na tumatama sa kanyang mga mata: dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata at agad na bumangon.

Agad syang nagayos ng sarili at lumabas ng kanyang silid.

Nakasalubong nya si alira sa pasilyo, avisala bathaluman: bati nito sa kanya.

Avisala rin alira: bati nya pabalik.

Ipinapasabi po ng mahal na emre na magtungo kayo sa silid kainan: pagbibigay alam nito.

Napa isip naman si cassiopea, bakit Kaya nais akong papuntahin ni emre roon?

Sige Ngayon rin ay tutungo ako roon, avisala eshma alira: Sabi nya at naglaho.

Ngumiti lamang si alira, sana ay masiyahan ka sa surpresa ng bathala saiyo bathaluman: wika nya tsaka nilisan ang pasilyo.

~

Pagkarating ni cassiopea sa silid kainan, nagulat Sha sa ayos ng Lugar: may mga dekorasyon ang buong silid.

Nakangiting pinagmamasdan nya ang kapaligiran ng biglang may naglaho sa kanyang tabi.

Hasne ivolive, mahal ko: masayang bati ng nilalang sa kanya.

Nakangiting hinarap ng bathaluman ang nilalang: avisala eshma emre, wika nito sa katipan.

Agad na iniabot ni emre ang bungkos ng mga paboritong bulaklak ni cassiopea.

Masaya namang tinanggap ito ni cassiopea, at inamoy ito.

Nais ko sanang samahan mo akong kumain ng agahan, Lalo na't ipinahanda ko talaga ito para sa iyo: wika ng bathala.

Ikinagagalak kong samahan ka emre, ngiting sambit ng bathaluman.

Inalalayan ni emre si cassiopea sa pag upo at masaya Silang kumain.

Avisala eshma muli mahal ko sa iyong ipinahanda para sa akin: pasasalamat ni cassiopea.

Wala lamang iyon, kung para naman sa nagiisang mahal ko: sambit ni emre at ngumiti.

Sa sinabing iyon ni emre: tila may pumasok na tanong sa isip ni cassiopea.

Napansin naman ni emre ang biglang pagtahimik ng katabi: nagalala naman sya sa nangyayari.

Ayos ka lamang ba mahal ko? Alalang tanong ng bathala tsaka hinawakan ang kamay nito.

Oo emre, may naisip lamang ako: paliwanag ng bathaluman.

At ano naman ang iniisip mo cassiopea?

May nais lamang akong itanong sa iyo emre, ngunit ay huwag Kang magagalit.

Enca what if storiesWhere stories live. Discover now