Rqst Encantadiks1285643
Ito na po ate 😊Wrong grammars ahead.
~~~~~
Ilang Araw na rin ang lumipas simula ng maisumpa ang sanggre lira ng bathalumang ether.
Ngunit kahit papaano ay nabawasan ang kanyang sumpa sa pagbabalik ng kanyang tunay na wangis sa tulong nila ivades at Mira.
Pero ang masaklap, ay hindi parin sya naalala ng kanyang minamahal na pamilya.
At mas nasasaktan pa sya dahil nagaaway away ang apat na sanggre.
Isa lamang ang nasa isip ni lira: kailangang maging maayos muli ang magkakapatid.
Upang sa ganoon ay maging payapa na ang encantadia: upang matapos na ang gulo.
Gagawin ko ang lahat para mangyari ang nais ko: saad ni lira sa sarili.
Kahit pa hindi nila ako naalala. Malungkot nyang bulong at napaluha.
Ngunit paano ko magagawa ang Plano ko?
Baka sunugin lang ako ni ashti pirena, o baka lunurin ni ashti Alena, baka naman ibaon sa lupa ni ashti danaya, o ang Malala pa, tanggalan ako ng hininga ni inay.
Kung sana lang talaga may kapangyarihan din ako gaya nila: mas magiging madali ang plano ko. Buntong hininga ni lira.
Ano ang dapat kong Gawin? Kailangan ng maging maayos ang encantadia.
Sa kanyang pagiisip: isang kasagutan ang pumasok sa kanyang isip.
Ngunit hindi pwede.
Pero- paano kung yun nalang ang paraan para maayos ko ang magkakapatid.
Bahala na nga: Basta ang mahalaga maging ayos na ang mundong ito, pati na rin ang pamilya ko. Wika ni lira tsaka tumayo at naglaho papaalis ng lireo.
~
Naglaho si lira sa Lugar na mapanganib, ngunit ang Lugar na makakatulong sa kanya.
Ito na yon lira, kaya mo to. Pagpapalakas nya sa kanyang loob.
Inhale, exhale.
Para sa kanila, para sa encantadia. Wika nya sa isip tsaka nagsimulang tunguhin ang kanyang tunay na pakay.
Bathalumang ether!
Hello, babaeng uod: magpakita ka sa akin! Sigaw ni lira.
***
Samantala sa devas: pinapanood nila Khalil at ng bathalang emre ang nangyayari sa sanggre lira.
Mahal na bathala kailangan ba talagang harapin ito ni lira? Nagaalalang tanong ni Khalil.
Kulang pa pu ba ang mga pagsubok ng aking apwe? Hindi po ba't sobra sobra na ito sa mga pinagdadaanan nya.
Huwag Kang magalala Khalil: malapit ng matapos ang mga paghihirap ni lira.
At pag napagtagumpayan ito ni lira: mararamdaman din nya ang kapayapaang ninanais nya.
Ito ang mahabang sagot at paliwanag ng bathala.
Ngunit bathala, hindi nyo po ba tutulungan si lira Kay ether?
Wala pong laban ang Kapatid ko sa masamang bathaluman. Naiiyak na sambit ni Khalil na sobra ang pagaalala sa Kapatid.
Wag Kang magalala Khalil: hindi ko pababayaan si lira.
***
Harapin mo ako ether! Muling sigaw ng munting sanggre.