Karapat dapat."

118 8 9
                                    

Casually making part 3 of ate ROSEMARIEAgapito7 story. And in continuation of Celestia_Encantadia ☺️

~~~

Pinatamaan ni flamarra ng kapangyarihan sila lira at Mira na agad rin namang nasangga ng dalawang sanggre.

Pashneya! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo flamarra? Sigaw ni lira.

Kinakalaban kayo. Kami ni terra ang karapat dapat sa trono ng hathoria at lireo. Madiing sigaw pabalik ni flamarra.

Hindi porket nawala lang kami ay mababaliwala na ang lahat ng sakripisyo namin ni lira sa encantadia. Malamig na tugon ni Mira sa Kapatid, pinipigilan ang sumigaw.

Kami ang narito ng sumugod si Mitena. Kami ang nagligtas sa encantadia: dipensa pa rin ng diwani ng hathoria.

Sa tingin mo ba ay ginusto namin ni Mira na lumisan ng encantadia? May misyon kami, Wala kaming magagawa. Naiinis na sambit ni lira.

Wala kaming pake alam kung anuman ang mga dahilan nyo, kami pa rin ang magiging tagapagmana. Wika ni flamarra at inaayos ang tindig.

Jan naman kami hindi papayag, magkapanabay na Sabi ng dalawang nakakatandang sanggre.

Magsitigil na nga kayo. Sigaw ni Alena sa apat na nagtatalo.

Hindi ashti. Hindi kami papayag na sila ang magmamana ng trono. Nangangalit na Sabi ni flamarra.

Tumigil ka na flamarra. Awat ni terra sa pinsan.

Hindi ako titigil terra hangga't hindi natin nakukuha ang para sa atin.

Kung gayon ay Wala kaming pamimilian ni Mira kundi ang labanan kayo. Sabi ni lira tsaka inihanda ang sandata.

Tama si lira, sangayon ni Mira at hinanda rin ang sandata.

Hindi ako aatras dyan. May kumpiansang saad ni flamarra.

Naunang sumugod ang diwani flamarra hinarapan naman sha ni lira.

Hindi naman alam ng mga pinuno ang gagawin sa mga nangyayari.

Buong lakas namang hinampas ni flamarra ang sandata sa sandata ni lira kaya napaatras ng kaunti ang sanggre.

Tanacreshna! Sigaw ni Mira at pinatamaan ng mahika ang Kapatid. Dahilan upang matulak si flamarra papalayo sa kanila.

Bess ayos ka lang ba? Alalang tanong ni Mira sa pinsan.

Ok langg ako Bess. Sagot ni lira tsaka tumayo ng maayos.

Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kay lira, hindi na nakapagpigil na sigaw ni Mira sa Kapatid.

Hindi na dapat pala kami bumalik rito. Dagdag pa ni Mira.

Tama si Mira, hindi na pala kami kailangan dito eh. Sambit ni lira.

Tama ka lira, sapagkat meron na Silang tagapagmana. Wika ni Mira tsaka tinignan ang lahat ng nasa silid.

Hindi iyan ang ibig naming isabi lira Mira. Rason ni danaya.

Hindi ashti. Ramdam namin na hindi na nyo kami kailangan. Sagot ni lira.

Halika na Bess, umalis na tayo rito. Malamig na aya ni Mira.

Tumango naman si lira at hinawakan ang balikat ng pinsan.

Ngunit bago umalis Ang dalawa, nagsalita si lira.

Sana ay masaya na kayo terra flamarra, Wala ng aagaw pa ng tronong ipinaglalaban nyo.

Avisala meiste...

Magkapanabay na sambit ng dalawa tsaka lumisan.

Lira Mira! Sigaw ng mga pinuno ngunit huli na.

~~~

Note. Pasensya na sa fight scenes na part hehe. Di po magaling magsulat ng ganyan ang author nyo. ☺️

Btw. Avisala meiste."

Enca what if storiesWhere stories live. Discover now