Rqst Celestia_Encantadia
~~~~~
Matagal ng naganap ang digmaan sa encantadia. Payapa ng muli ang mahiwagang Mundo at nakabangon na ang mga kaharian nito.
Sa di inaasahang paglalaro ng Tadhana: muling nabuo ang nawasak na samahan ng mga makakapangyarihang bathala.
Muli ng bumalik ang kabutihan sa puso nila arde at ether. Natanggap na rin ni keros ang kanyang kapangyarihan. Habang si haliya ay unti unti ng bumabalik sa dati nyang sarili.
Masaya naman silang tinanggap ni emre: at umaasang hindi na muling mauulit ang nakaraan.
Habang naging bathaluman na rin si cassiopeia. Ibinigay na ni emre ang matagal ng minimithi ng diwata dahil sa mga sakripisyo nito para sa encantadia.
*
Isang mapayapang Gabi sa encantadia at devas: isang pangitain ang nagpakita sa bathalang emre.
Isang Lugar na madilim, malamig, at may di kanais nais na enerhiya ang bumabalot rito.
Mayrong mga bloke ng yelo sa paligid ng Lugar. At sa pinaka dulo ay may nakatayong nilalang na naka kubli ang wangis.
Nababalot ng mahika ang misteryosong nilalang: at nararamdaman ni emre na Isa itong madilim na mahika.
Maigi nyang pinagmasdan ang nilalang: Nakita ng bathala na may korona ito senyales na dugong bughaw ang misteryosong nilalang.
Natigilan sha ng nagsalita ang nilalang.
Sa wakas napa sa akin na rin ang kahariang ito. Wika nito tsaka tumawa.
Malapit ko na ring sakupin ang encantadia. Magiging pinuno na ako ng lahat: madadaig ko na sa wakas ang mortal Kong kaaway na bathala.
Iyon ang huling sinabi ng nilalang bago nagmulat ang mata ni emre.
Napatingin sha sa kalangitan ng devas matapos ay sa payapang Mundo ng encantadia.
Darating na sha.
Nanganganib ang lahat. Kailangang may Gawin ako. Wika nya tsaka nilisan ang silid.
~
Bakit ka nagpatawag ng pagpupulong kaibigan? Tanong ni arde na sinangayunan naman ng lahat.
Tahimik naman silang tinignan ni emre: tila napakalalim ng iniisip ng bathala.
Ayos lamang ba sha? Alalang tanong ni haliya sa iba.
Napahinga naman si cassiopeia at marahang hinawakan ang balikat ng bathala.
Napatingin naman si emre sa kanya at tila nabalik sa totoong nangyayari.
Poltre: paghingi nito ng paumanhin.
Ipinatawag ko kayo sapagkat may dapat kayong malaman. Seryosong sambit nya.
At ano naman ito emre? Kuryosong tanong ni keros.
Oo nga emre: at bakit tila nangangamba ka? Dagdag pa ni ether.
Magbabalik na sha. Sagot nya na walang reaksyon.
Sino ang tinutukoy mo emre? Tanong ni arde.
Ang mortal Kong kaaway. Maikling sagot ni emre.