Sakripisyo."."

138 6 4
                                    

What if?

~~~

Naghahanda ang lahat para sa digmaan laban sa hara ng niyebe. Ang lahat ay determinado na ipaglaban ang minamahal nilang encantadia.

Maging ang mga namumunong sanggre, rama, at hara ay handang handa na para palayain sa dilim ang kanilang lupain.

Sa silid ng magpinsang sanggre tapos ng maghanda ang dalawa.

Ano na Mira? Hinihintay na nila tayo. Naiinip na Sabi ni lira.

Ito na nga. Sagot ni Mira at nilapitan ang pinsan.

Buti naman at tapos ka na. Sambit ni lira tsaka tinaasan ng kilay si Mira.

Wag ka na ngang mainis dyan, halika na. Aya ni Mira at hinila na si lira.

Sandali Bess. Pigil ni lira.

Agad namang napatigil si Mira at napatingin Kay lira na nagtataka.

Bakit Bess?

Walang sinabi si lira at lumapit nalang Kay Mira at niyakap ito.

Ibinalik naman ni Mira ang yakap.

Pagkahiwalay sa yakap, nagtataka namang tinanong ni Mira si lira.

May problema ka ba lira? Alalang tanong nya.

Wala Mira, gusto ko lang yakapin ka bago ang digmaan. Baka kasi hindi na kita mayakap eh.

Huwag mong sabihin lira, tinitiyak Kong tayo ang magtatagumpay. Paninigurado ni Mira.

Sana nga.

Halika na't hinihintay na tayo nila ashti.

Mauna ka na Mira, may pupuntahan lamang muna ako.

Ngunit saan ka pupunta?

Basta babalik din ako agad. Saad ni lira at naglaho.

Napahinga na lamang si Mira at nagtungo nalang sa bulwagan ng lireo.

~

Naglaho ang sanggre lira sa Isla ng bathalumang cassiopea. Naabutan naman nya itong handang handa na.

Avisala lira. Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat ay naghahanda ka na. Tanong ni cassiopeia.

Gusto ko lang po na Makita kayo Lola cassi. Wika ni lira at lumapit sa bathaluman.

Ngunit bakit mo ako nais Makita aking luntaie? Takang tanong nya Kay lira.

Hindi sumagot si lira bagkus ay niyakap nya si cassiopeia ng mahigpit.

Naguguluhan man ay ibinalik ni cassiopeia ang yakap.

Bumitaw rin naman Maya Maya sa yakap ang sanggre lira. Tinignan naman sha ng bathaluman na nagtataka.

May problema ba aking luntaie? Alalang tanong nya rito.

W Wala po Lola cassi. Gusto ko lang po talagang yakapin kayo, baka po kasi hindi ko na po kayo mayakap eh. Naiiyak na sagot ni lira.

Ano ang ibig mong sabihin lira? Ba't ganyan ang pinagsasabi mo. Kinakabahang tanong ni cassiopeia.

Marami pong maaring mangyari sa digmaan Lola cassi, gusto ko lang po na yakapin lahat ng mga mahal ko. Malungkot na ngiti ni lira.

Huwag mong sabihin iyan lira, tiyak akong tatapusin na natin ngayong Gabi ang kasamaan ng aking Kapatid.

At walang mangyayari masama sa atin. Paninigurado ni cassiopeia.

Ngunit batid nya hawak ang kapalaran. Ngunit nais nyang pagaanin ang loob ni lira.

Sana nga po. Pero mas ok na po ang sigurado, kaya yayakapin ko na po kayong lahat. Sambit ni lira.

Enca what if storiesWhere stories live. Discover now