Chapter 9

7 0 0
                                    

"Gale tumatawag si Tita!" Rinig kong sigaw ni Gale sa akin. Nasa labas ako ngayon, nililinisan ang kotse ko. Hapon na rin. Puti kasi ang sasakyan ko kaya ang bilis madumihan. Kakalinis ko lang nito nung isang araw.



Agad akong huminto sa paglilinis nang marinig ko ang sigaw ni Gale. Naghugas na muna ako ng kamay at nagpunas. Pumasok na rin ako sa loob.



Dumiretso ako sa phone ko sa sala na nagri-ring. Si Mommy nga, sinagot ko ito. "Hello My?"



[Baby! Buti naman sinagot mo.] Bakas sa boses ni Mommy na masaya siya.



"Kumusta na My? Si Daddy?"



[We're fine Baby, your Daddy's fine. Are you gonna visit us today?]



"Yes My, nililinisan ko lang po 'yung car and diretso na ako diyan after."



[Really? I can't wait to see you, Baby!] Masayang sabi ni My.



"Me too My. My by the way nung isang araw po may sinabi kayo and you said may sasabihin kayo important sa akin. What is it My?"



[Oh that's... Amara your Dad's friend has a son. Gusto namin sana ng Daddy mo na ipagkasundo kayo—]



"What?! Are you joking My?!" Kumunot ang noo ko.



[Amara Baby please calm down. I know you're too young and don't worry. If you don't want it, it's fine with me. Ang kaso lang ang Daddy mo, kilala mo naman 'yon.]



"Pero po My I will never do that! I don't know him nga e."



[Yes baby I understand. I'll help you with your Daddy, don't worry. I'll wait you also, later hm baby?]



"Yes My, thank you."



Ibinaba ko na ang phone ko. Kunot pa rin ang noo ko. Kahit kailan talaga si Dad! Ano na'ng gagawin ko, grabe pa naman magalit si Daddy. Mommy is the sweetest, actually I'm a Mommy's girl. Hindi ko gaanong gusto si Dad, he's so strict kase. Ever since, kaya sobrang saya ko nang lumipat na ako ng bahay.



Parang ayoko nang pumunta sa bahay. I don't want to see Daddy. Nakakainis siya! I'm sure pagpipilitan lang ni Daddy sa akin ang tungkol sa anak ng kaibigan niya. I don't want to get married sa hindi ko kilala at hindi ko mahal. I don't do boyfriends nga, asawa pa kaya. Ayoko pang masakal.



I'm so young pa, hindi ba 'yon naisip ni Dad. I can't believe him. I cannot! I wanna enjoy life muna.



But I miss Mommy na kaya I'll go pa rin. Sana lang wala si Daddy sa house, lagi naman siyang wala no'n. Busy lagi sa work. Kaya hindi kami naging close.



"Gale you sure ayaw mong sumama?" I asked Gale, habang inahanda ang mga dadalhin ko. Kinuha ko na rin ang cake sa ref.



"Yes, pahinga muna ako Avi. Paki-hi na lang ako kali Tita at Tito."



"Sige, una na 'ko." Pagpapaalam ko bago lumabas ng pintuan.



"Ingat!" Rinig kong sigaw ni Gale nang makalabas na ako.



While driving, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Momny na ipagkakasundo ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala't mahal. I'm actually kinda nervous. I know Daddy, hindi siya titigil hangga't hindi siya satisfied. What reason should I tell him baka hindi na ako ipagpilitan pa sa anak ng kaibigan niya. Sabi ko na mangyayari 'to. Dapat una pa lang naging handa na ako.



The Love ConWhere stories live. Discover now