Chapter 14

9 0 0
                                    

Hindi na talaga ako nagsalita at nanahimik na lang. Sobrang tahimik ng buong biyahe. Ramdam ko pa rin ang tensiyon. Hindi ko man lang siya pinagpaliwanag, agad akong nagalit. Kasalanan ko nga rin... at ng Zaphira na 'yon.



Kapag talaga nakita ko si Zaphira, I'll definitely gonna kill her!



How could she do that? Obsessed na ba siya dito sa lalaking napakaguwapong 'to? Ako naman si utu-uto, agad naniwala. Mukha kasi talaga siyang seryoso kanina. Ayan tuloy mukhang galit na galit talaga si Gab sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ang rason ng pagkagalit niya sa akin ay ang nangyari sa harap ng banyo kanina o ang,



Paghalik ko ng iba?



Kung nangiti man ako ay hindi ko na napansin 'yon. Nagselos ba siya? Ibig sabihin ba ay... gusto na niya ako?



"May masakit ba sa'yo?"



Nang magsalita si Gab ay nagising ako sa katotohanan. Nag-a-assume nanaman ako. Sobra na talaga.



Binalingan ko siya. "Wala naman. Pero ikaw, meron."



Saglit siyang tumingin sa akin bago niya binalik ang tingin sa daan. Galit pa rin siya. Inilipat ko ang tingin ko sa kamao ni Gab. Namumula pa rin at may bakas ng dugo ng sinuntok niya.



Nagtext na rin kanina sa akin si Gale na hindi muna siya makakauwi sa bahay. Kinabahan nga ako dahil kanina pa siya hindi nagpapasundo. Buti na lang ay in-update na niya ako.



Traffic at malayu-layo pa ang bahay ko. Tahimik pa sa loob ng kotse. Ano kayang magandang gawin para naman mabuhayan.



"Uhm... nakakainip 'no. Patugtog kaya tayo?" I raised my brows, waiting for his answer.



Hindi umaandar ang kotse dahil sa traffic.



"I don't have any music on my phone." He said, seriously looking at me.



"Madali lang 'yan! I-connect ko na lang ang phone ko, marami akong music!" Masaya kong sabi.



Sinimulan ko nang i-connect ang phone ko sa kotse. Pagka-connect ay agad kong nilagay sa music. Hindi na ako namili ng kanta at plinay ko na ito kaagad. Umayos ako ng upo.



"Done?" He asked coldly.



"Yes!"



Mabagal pa rin ang pag-andar ng kotse nang mag-play na talaga ang music. Ang unang kanta na nag-play ay ang kinalaki ng mga mata ko. I swallowed hard. Dahan-dahan akong tumingin kay Gab. Wala siyang kaalam alam dahil intro pa lang ng kanta. He is seriously driving.



'BMW by Because' Playing...



Ramdam kong pinagpapawisan ako. Sa lahat pa talaga ng oras ito pang kanta sa phone kong 'to ang nag-play?! Really?!



Nasa chorus part na at kita kong tumingin si Gab sa screen. Mukhang tiningnan niya ang pamagat ng kanta. Medyo naningkit ang mata niya. Naiintindihan niya ang kanta!



Huminto nanaman ang kotse.



I cleared my throat. "Ang init 'no?" Kinakabahan kong sabi.



"Nakabukas ang aircon." Tumitig siya sa akin.



"A-Ah oo." I chuckled. "Nakainom kasi ako, maybe that's the reason."



"Then that's your lesson. You shouldn't drink too much." He said coldly.



Nasa part na ng kanta ang verse ng babae. Lalo akong kinabahan. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Napalunok ako.



The Love ConWhere stories live. Discover now