Chapter 11

10 0 0
                                    

Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa may cafeteria sa school. I'm waiting for Gab. I didn't get food, nandito lang ako para makita si Gab. I'm with Gale and she's currently eating her burger and drinking her bottled water. Napilit ko siya na samahan akong maghintay dito. Sa inip niya ay napabili na siya ng pagkain niya.



"Hoy! Hanggang anong oras ba tayo maghihintay dito?" Ani Gale habang kunot ang noo.



"Pupunta rin 'yon. Let's be patient, okay?" I said then smiled.



"Wow, patient? Kailan ka pa naging patient, Avi?" Biro niya sa akin. Oo nga, kailan nga ba? Ngayon! Dahil kay Gab.



"Can you please support me na lang. Ngayon lang nahulog 'tong pinakamaganda mong kaibigan oh?" Tinawanan niya lang ako.



"Okay na sana eh, kaso 'yung huli mong sinabi. Humirit ka pa eh." I rolled my eyes at her. She laughed lang.



I was about to say something nang magsalita si Gale.



"Hoy hoy! Siya na 'yon 'di ba? Ayon oh kasama mga friends niya!" Turo ni Gale sa may likuran ko. Mukhang mas excited pa siya.



Oo nga. Siya na nga 'yon. I smiled brightly when I saw him. Agad akong humarap muna kay Gale, para ayusan ang sarili. Inayos ko ang buhok ko, suot.



"Okay lang ba ako? Maganda na ba?" I asked Gale. Excited.



"Oo oo maganda na. Pupunta ka do'n?" Inayos niya rin ang buhok ko.



"Sira hindi, magpapapansin lang." I winked at her with a smirked on my lips. She chuckled.



He's with his friends. And... Zaphira. Hindi sila kumpleto ngayon, wala si Zayn. Ang dalawang loko lang.



I was looking at Gab. He is currently talking with them. There he is, smiling again. It was a smile that lit up his face, a smile that made my heart skip a beat. It was a smile that was all his own, a smile that no one else could ever replicate.



Madalas na yata siyang nakangiti ngayon. Hindi masyadong katulad ng dati na seryoso lagi ang mukha at tahimik, parang laging may pinagdadaanan sa buhay. Mas maganda na rin ang ganito, mas gwapo siya sa tuwing nakangiti.



Zaphira sat beside him. I immediately frowned. Watching them from a distance, he was laughing with Zaphira. Was he really just friends with Zaphira, or was there something more between them?



Agad akong humarap sa gawi ni Gale. Kunot noo. Totoo ba 'to? Nagseselos ako?



Kita ko sa ekspresyon ni Gale ang kuryoso kung bakit ganito ang mukha ko. "Huy, bakit?....," Natingin siya sa gawi nila Gab. "... Ahh gets. Selos ka?" Asar siya.



"Tsk. Ako jealous? Never! Excuse I'm Amara Violet Soriano Perez." I said confidently.



"A-Ah oo na sige. Oo nga naman ikaw na 'yan eh 'no." She said sarcastically that made me smile.



I really need to bantay Gab whenever he's with that Zaphira. She's so clingy. They're not even in a relationship, I think. She's sweet lagi to me, but baka pakitang tao lang. I should really take an eye on her.



Imbis na magpapansin sa kanila ay tumayo ako at naupo sa tabi ni Gale. Gulat niya akong tinitigan, she looks confused. Kinuha ko ang libro na dala ni Gale na nasa table namin at ginamit na pantakip sa aking mukha, para masilip ang ginagawa nila Gab sa kabilang table.



The Love ConWhere stories live. Discover now