VI: Dinner

11 1 0
                                    

Andito na ako sa sala hinihintay na sunduin nila Ely. Napag-usapan namin na sabay na kami pupunta ng Intamuros ngayon. 'Di nga nagtagal ay dumating na sila dahil narinig ko ang busina ng kotse kaya lumabas kaagad ako. Wala sila Mommy at Daddy ngayon dahil nasa trabaho sila pero nakapagpaalam naman na ako sa kanila noong isang araw.

Natanaw ko si Ely na nakangiti na habang ibinababa ang window shield ng sasakyan. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Pumasok kaagad ako sa back seat at bumati.

"Hi, Ely! How are you?" Medyo masigla ko iyong sinabi dahil namiss ko siyang kasama.

"I'm doing just fine! Did you get to bring all the things you needed?"

Tumango ako pagkatapos ipinakita ang hindi kalakihan kong bag. Napatango rin naman siya pagkatapos makita iyon. Napasulyap ako sa kapatid niyang nagmamaneho ngayon.

Hindi ko pa rin talaga maiwala sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw. Pinaglaruan ba naman ako. Ano ba ang tingin niya sa akin? Akala niya ba mag tropa na ang turingan namin para gawing biro ang ganoong bagay? Nakakainis lang!

Nakatingin lang ako sa labas habang ina-appreciate ang mga nadadaanan naming gusali. Dito ako lumaki sa siyudad pero nabibighani pa rin ako sa mga establisyemento. Lalong lalo na kapag gabi. I love city lights. I love how they shine right before my eyes. It gives me some peace of mind. Kaya masasabi kong iba rin ang kagandahan ng siyudad.

Tahimik lang kaming tatlo at paminsan minsan ay sumusulyap ako sa harap. Nang lingunin ko ulit si Ely, nakaidlip na siya. Hindi ko alam kung bakit nakaidlip siya, baka nagpuyat kagabi. Mabilis lang naman ang byahe papuntang Intramuros. Kaya lang ay hindi talaga maiiwasan ang traffic lalo na at alas dos na kami ng hapon nakaalis.

"Did you already have your lunch?" Maya maya ay tanong ni Ethan sa akin.

Napabaling agad ang tingin ko sa kaniya nang tanungin niya ako at parang naghihintay ng sagot. Umiling lang ako at iniwas na ang tingin pagkatapos.

"We can have our lunch when we arrive."

Hindi na ako nag abalang sumagot. Masama pa rin ang loob ko. Napansin niya siguro ang kagustuhan kong hindi sumagot kaya't hindi na lang din siya umimik.

Maya maya pa ay nakarating na nga kami at ginising si Ely ng kuya niya. Lumabas kaagad ako at sinalubong ako ng magandang landscape ng Fort Santiago. Dito kami unang papasok.

"Wow! This place is amazing! I should take a picture of this." Napalingon ako sa banda ni Ely nang marinig siyang punain ang lugar. Nakita ko na iniabot niya ang digital camera na dala patungo sa kapatid niya. Nag pose kaagad siya doon pa lang sa labas. Hindi pa nga kami nakakapasok, namamangha na siya. Panigurado mas lalo siyang mabibighani sa kagandahan ng lugar kapag nakapasok na kami.

Pagkatapos niyang magpakuha ng litrato sa kapatid niya ay inaya niya na akong pumasok. Pinauna niya ako at tumango lang ako dahil hindi niya pa naman alam ang lugar na 'to. Pagkatapos magbayad ng entrance fee ay inilibot ko agad ang tingin ko sa lugar.

Parang wala pa ring nagbago. Ganoon pa rin ang feeling. 'Yong tipong parang bumalik ka rin sa sinaunang panahon. May mga nagbago naman kagaya ng mga bagong upuan sa paligid at bazaar sa gilid ng entrance. Ilang beses na akong napunta dito ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko sa lugar na ito.

Biglang lumapit sa akin si Ely. Nakasunod lang ang kuya niya sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin. Tumingin siya sa akin ngunit umiwas lamang ako pagkatapos ay ibinigay ang atensiyon kay Elyziah.

"We should go here often, Rye! I didn't know such a historical place like this existed!" Napatawa ako sa ipinakita niyang kasiglahan. Grabe, ang hyper niya naman para sa ganitong lugar. O hindi kaya ganito lang talaga siya ma excite.

To Break Free (Pleaser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon