Chapter V: Trip Pa

6 1 0
                                    

Warning: You may encounter some profanities ahead!

Andito ako sa student lounge ngayon, gumagawa ng assignment. Hindi ko kasama si Ely dahil pupuntahan niya raw muna ang kuya niya at may kailangan siya roon. Sinabi ko naman sa kaniya kung nasaan ako kaya't alam niya kung saan ako pupuntahan. Nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid bago bumalik sa ginagawa.

Habang abala sa pagsusulat, hindi ko namalayan na may umupo pala sa kaharap na upuan ko. Pagka angat ko ng tingin, nakita ko 'yong lalaking kasama ni Ethan noon na nakasalubong namin ni Ely. Ngumiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti. Mukhang harmless naman at mabait.

"Hi, Ms. Emmerson!" Masigla niyang bati saka pumangalumbaba at tinignan ang kung anong ginagawa ko.

Naiilang ako sa itinawag niya sa akin kaya't nahihiya akong ngumiti.

"Ah, Rye na lang. Hindi kasi ako sanay na tinatawag sa apilyedo ko." Ngumisi siya at doon ko napansin 'yong kabuuan ng kaniyang mukha.

Ang gwapo pala nito. May chinitong mata, matangos na ilong, mapulang labi at medyo makapal na kilay. May nunal siya sa kaliwang pisngi niya at nakadaragdag lang iyon sa pagiging attractive niya. Moreno at medyo macho.

"You're beautiful, did you know that?" Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Ang random! Hindi ko tuloy anong sasabihin ko.

Napapeke tuloy ako ng tawa sabay sabing, "Ang unpredictable naman ng mga sinasabi mo."

Natawa rin siya sa sinabi ko. "I mean it, though."

"Edi, thank you?" Pabiro kong sagot sa kaniya.

Natawa siya doon kaya't pinagmasdan ko lang siyang tumatawa. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang tinitignan siya. Maya maya pa'y bigla siyang umayos ng upo. Tumikhim muna at sandaling huminto na para bang may iniisip. Kalaunan ay nilahad ang kamay sa akin na siyang ipinagtaka ko.

Tinaasan ko siya ng kilay para iparating sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng kilos niya.

"I probably did not introduce myself properly to you. My name's Kael Roverino, an aspiring engineer." Makulit niya akong kinindatan kaya natawa ako sa inasal niya.

"Kilala mo naman na siguro ako kaya hindi na ako magpapakilala."

"Sure, I do. Marami ngang gustong pumorma sa'yo." Eh? May ganoon ba? Hindi yata umabot sa akin ang balitang iyon.

"Sige nga kung mayroon, ipakilala mo sa'kin. Malay mo magustuhan ko." Biro ko lamang iyon na sinabayan ko ng tawa pero nagulat ako nang bigla siyang napasimangot.

"Huwag na! Ako na lang ang kilalanin mo. Pogi naman ako. Siguro naman pasok sa standards mo?" Tumaas baba pa ng dalawang beses ang kilay niya.

Loko yata 'to, pasabi sabi ng ganoon tapos no'ng pinatulan ko na, sarili niya naman ang inaalay sa akin.

"Nge! Manahimik ka nga. Ginugulo mo naman ako sa ginagawa ko. Kapag ito talaga hindi ko natapos, ikaw talaga tatapusin ko." Humalakhak lang siya matapos kong sabihin 'yon.

Pero nakaramdam ako ng gaan nang loob sa kaniya. Hindi ako nakararamdam ng uneasiness or kahit ilang man lang. Maliban sa pagtawag niya sa akin kanina gamit ang apilyedo ko. Feeling ko nga tropa na kami dahil sa kakulitan niya e.

Hindi siya 'yong lalaking makulit na nakakabanas. 'Yong tipong kahit kaunting galaw lang nila ay parang maiinis ka na. Pero 'pag siya, hindi naman. Komportable lang ako habang kausap siya.

"So, I should go? Ayoko nang istorbohin ka kaya tapusin mo na iyan. I'll see you around. Bye, Rye!" Kinawayan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang gawain ko.

To Break Free (Pleaser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon