X: Lunch

9 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw at madalas ang pagkikita namin ni Ethan sa school. Minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway. Minsan kasama rin namin siya ni Ely kumain ng lunch. Ayos lang naman iyon sa akin dahil nagiging komportable na rin ako na may mga kasama.

Habang inaalala ko nga ang huli naming pagkikita ay napapailing na lamang ako. Paano ba naman kasi, kasama namin siya ni Ely kakain at napag-utosan siya ng kapatid na bumili muna ng materials na gagamitin namin for our next subject. Siyempre, nagreklamo siya. Kahit ako siguro, hindi rin ako papayag lalo na at gutom na.

"Kuya, please? We really need the materials later." Nagmamakaawang sabi ni Ely sa kaniyang kapatid. Ito namang isa, ayaw pa pumayag. Kasi nga, nagugutom na raw siya.

"I need to eat Klea. I'll do that later." Pagmamatigas ni Ethan.

Kumukunot na rin ang noo niya dahil na rin sa pangungulit ng kapatid. Kanina pa kasi si Elyziah nagsabi sa kuya niya at paulit-ulit niya itong sinasabihan. Mukha ngang nairita na itong isa.

"I didn't say that you won't eat!"

Ayaw pa rin magpatalo ng bunsong kapatid. Nang hindi makatiis, nagpresenta na lamang ako na ako ang bibili.

"Huwag na nga kayong mag bangayan. I'll do it. Isang tricycle lang naman ang sasakyan ko kaya malapit lang. Mauna na lang kayo kumain. Susunod ako."

Elyziah looked at me apologetically, then rolled her eyes at her brother. Natawa ako roon. Napatingin sa akin si Ethan at masama rin ang tingin niya na ibinibigay sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"No way, I'll go with you."

Mabilis siyang nawala sa harap namin at nakita na lang namin na nagmamartsa na siya patungo sa kaniyang sasakyan. Nagtataka kong tinignan ang kapatid niya para iparating kung anong nangyayari sa kuya niya. Hindi man lang ako binigyan ng chance na makaangal. Diretso siyang nagdesisyon!

Tumigil ang sasakyan sa harap ko kaya sumakay na kaagad ako. Si Ely ay napagpasiyahang maghintay na lamang muna sa student lounge. Panigurado at nahihiya iyon dahil ako ang nagpresenta na bibili. Ayos lang naman. Wala namang problema iyon sa akin.

Tahimik lang kaming nakarating sa pagbibilhan namin ng materials. Habang namimili ako, sumusunod lang din siya sa akin. Maya-maya ay nagsalita siya.

"How about this one?" He suggested and showed me the one he's holding. It's a lesson plan book with the color of blue. Just like his shirt. Tumaas pa ang kilay niya habang hinihintay ang magiging sagot ko.

"Hmm, that's fine. Pero maghahanap muna tayo ng iba. Baka may mahanap pa tayo na mas maganda diyan." Sagot ko. Nag iikot muli para sa mga kakailanganing materials.

Nang makakuha na ng ibang kailangan, bumalik kami sa kung nasaan nakalagay iyong ipinakita niya kanina. Kinuha ko iyon at tuluyang dinala sa counter para bayaran. Iaabot ko na sana ang pera ko nang maunahan ako ni Ethan. Card niya ang kaniyang binigay.

"Bakit mo binayaran? Ako dapat ang magbabayad!" Maktol ko.

"It's okay. You don't have to worry. Just keep your money." Aniya.

"Gamit namin 'yon, kaya dapat lang na ako ang magbayad!" Pakikipag argumento ko pa rin sa kaniya.

"A little amount of money won't hurt. Don't think about it." Kaya nga! May pa-card pa siyang nalalaman, e kaunting halaga lang naman pala iyon para sa kaniya!

"Badtrip ka naman!" Binilisan ko ang lakad ko at iniwan na siya doon. Nauna na ako sa kaniyang sasakyan.

Hindi naman talaga ako tumatanggi kapag gusto akong i-libre ng isang tao. Walang kaso iyon sa akin. Ngunit iba ngayon. Gamit 'yon na kailangan ko. Namin. Ayon ang hindi ko matatanggap na libre. Kapag gamit na kailangan ko, dapat lang na ako ang gagastos para dito. Hindi ako papayag na iyong iba dahil hindi naman siya ang gagamit, e. Ako naman. Kami naman.

Huminga siya nang malalim pagkapasok sa loob ng sasakyan. Hindi muna siya nagsalita at pinagmamasdan lang ako. Hindi ko siya pinansin. Dumaan muna ang ilang minuto bago niya ako kausapin.

"Okay. I'm sorry, hmm? Don't be mad." Malambing niyang sabi. Hinawakan niya pa ang kamay ko. Nanghahaplos at nanunuyo ang kaniyang mga daliri.

Napatingin ako doon. Medyo na-distract ako at hindi agad nakapag isip ng sasabihin.

Binalik ko ang tingin sa mukha niya. Nagmamakaawang tingin ang nakita ko sa mga mata niya. Bumuntong hininga ako.

"Ayokong gumagastos ka sa hindi mo naman gamit. Naiintindihan ko naman na nagmamagandang-loob ka lang." I stared at him to prove my point.

He sighed and felt defeated.

"Okay. What do you want me to do?"

Nagsusumamong tingin pa rin ang nakikita ko sa kaniya.

"Just let me pay for my things. I have my own money naman."

Tumango siya sa akin at kalaunan binitawan ang kamay ko. He then proceeded to drive the vehicle.

Napakamot ako sa aking noo nang maalala na naiwan ko pala iyong libro ko sa kotse ni Ethan. Napatigil tuloy ako dito sa gitna ng hallway, nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang pagpunta sa canteen o pupuntahan si Ethan para kuhanin iyong librong naiwan.

May biglang kumalabit sa akin kaya halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko kung sino iyon at nakita ko si Ethan na nakangisi. Anak ng!

"Oh! Bakit ba nanggugulat ka?!"

"Sorry. I saw you. You seems lost. Any problem?" Kuryoso niyang tanong.

Tama lang pala na andito siya. Saktong-sakto ang timing. Iyong libro ko na muna ang uunahin ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang may sumingit sa pag uusap namin.

"Ethan! Wait!"

Kunot-noo kong nilingon ang boses na pinanggalingan noon. At mas lalong nagsalubong ang aking kilay nang makilala kung sino ito.

"Monique.." tawag sa kaniya ni Ethan.

Mas lalo pang lumawak ang kanina pang nakangiti na si Monique.

"What do you want?"

Nandito lang ako sa harap nila, nanonood. Para akong naghihintay ng atensiyon nang isa sa kanila dahil sa pwesto ko. Palipat lipat pa ang tingin ko sa kanila. Nagmumukha talaga akong chismosa. Yumuko ako nang kaunti para hindi masiadong mapaghahalataan.

"Can you join me for lunch? Pag usapan na rin natin iyong project kay Sir Ramirez." Sa pandinig ko ay parang nagiging pabebe ang boses ni Monique.

Hindi ko alam kung naiinis lang ako sa kaniya o sadyang nakakainis lang talaga kung paano siya magsalita sa harap ni Ethan.

"Let's do that next time. I have other plans for lunch."

Bumaling si Ethan sa akin kaya medyo napaayos ako sa aking porma. Nagtataka niya akong tinignan. Hilaw akong napangisi.

"Pero Ethan, kailangan na nating matapos iyon. Hindi mo na nga ako sinipot kahapon, e." Nagpapa-cute pang aniya. Napapansin ko talaga na parang iniipit niya ang sariling boses. Hindi ko alam kung para saan at may gano'n pa siyang nalalaman.

"We can make it tomorrow. Just.. not today." Pagtanggi niya pa rin sa babae. Mukhang nadismaya si Monique doon dahil biglang bumagsak ang balikat niya matapos marinig iyon galing kay Ethan.

Napangisi ako ngunit naglaho rin bigla dahil hinila na lang ni Monique si Ethan nang walang sinasabi. Nawala sila sa kinatatayuan nila kanina. Ako, nandito pa rin, nakatayo habang tinatanaw silang papalayo. Hila-hila ng babae si Ethan.

Napatanga ako dahil sa nangyari. Wow. What just happened?

To Break Free (Pleaser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon