Part XVI: Is this it?

8 1 0
                                    

If you feel comfortable around someone, does it mean something? When you become shy and conscious whenever you're with 'that' person, does it also mean something? And some people would say, feeling all that would only mean one thing: you like the person.

But how could we really tell if we like the person? Is it their smile? Their action? The way they makes us feel? Or is this it?

"Hey, I cooked your favorite!"

Napatigil ako sa aking pagkakatulala nang marinig ko 'yon. Nakita ko si Ethan na malawak ang ngiti habang ipinapakita sa akin ang niluto niyang buttered shrimp. What?! Ang paborito ko!

Nginisihan ko siya pabalik at nagmamadaling lumapit sa lamesa. Excited akong tikman ang niluto niya. Hindi ko palalagpasin 'to.

Andito ako ngayon sa bahay nila dahil gumagawa kami ni Ely ng group project. 'Yong parents nila ay umalis. Busy din ata sa business nila. Kaya kaming tatlo lang ang nandito. Pero si Ely, pumunta muna sa taas dahil maliligo lang daw at naiinitan talaga siya.

Kumuha siya ng tatlong plato at inilapag iyon isa isa.

"Come on. Have a taste and be the judge."

Nginisihan ko muna siya bago kumuha ng kutsara at nagsandok ng kaunting sabaw para tikman ang niluto niya. Natatawa ako sa reaksiyon niya. He looked nervous and expectant. Kumunot pa ang noo niya nang hindi ako nagsalita agad matapos tumikim.

I had a taste. I was savoring the taste at first. Not until I forgot and now lost all the words I had to say about his food. Why am I having a hard time about this? What I'm feeling about this? I can't explain the feeling. It's not the food anymore. It's the thought now. It's his thoughts now. Now that he knows and made my favorite food. Does it mean something?

No one told him. I didn't tell him anything.

When does it started? Is it those times we eat together? Or those times that am I unconsciously sharing what I like that I didn't noticed he listened? I'm not sure. I don't have any idea! This would be all clear to me if he would tell me what's this all about!

"Glyze? How was it?" Napatigil ako sa aking mga iniisip. Naghihintay pa rin pala siya sa feedback ko tungkol sa pagkaing niluto niya.

Kinalimutan ko muna ang bumabagabag sa aking isip saka ngumiti ako at nag thumbs up.

"Okay na."

"What? Is it bad? Hey, wait! Stop!" Pinigilan niya ako sa tangka kong pagsubo ulit. Nagtataka ko siyang tinignan.

Nagugutom na ako! 'Wag mo 'kong pigilan Ethan at paborito ko ito!

Kinuha niya ang ginamit kong kutsara at saka iyon ang ginamit para tikman ang kaniyang niluto. Nanlalaki ang mga mata ko siyang pinanood na tikman ang pagkain. Bakit naman iyon ang ginamit niya?! Pwede namang kumuha at gumamit siya ng bago! Bago ko pa siya masaway ay kumunot na ang kaniyang noo.

Nagtataka at naguguluhang tingin ang kaniyang iginawad sa akin. "I think it's not bad."

Ha? Hindi naman talaga? Sinasabi nito?

"Yeah, it's not." Sagot ko na lang.

"But why did you say it's not good?" Ano?! Sinabi ko ba 'yon? Aba!

"I didn't say that!" Natawa ako nang makita ang reaksiyon niya. "Ang sabi ko, okay na. Wala naman akong sinabi roon na hindi masarap, ah?"

"Well, isn't that what it means?"

Gusto kong tawanan siya nang malakas. Bakit niya ba naisip iyon? Niloloko ko lang naman siya para tignan kung ano ang magiging reaksiyon niya tapos ganito pala? Grabe rin mag overthink ang isang 'to. Ang inosente pa ng mukha niya habang nagtatanong!

To Break Free (Pleaser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon