Thursday ngayon at nasa school ako. Wala naman masiyadong pasok dahil busy ang mga estudyante ng iba't ibang program sa pagde-design ng mga kaniya-kaniyang booth. Bukas pa ang Valentine's Day pero may mga nakikita na akong nagbibigayan at nagdadala ng mga bulaklak o teddy bear.
Nandito ako sa student lounge ngayon. Dito ako nagpapalipas ng oras dahil may isang subject pa ako ngayong hapon bago umuwi.
Namataan ko si Kael na naglalakad papalapit sa puwesto ko. Malaki 'yong ngiting ipinapakita niya. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa gilid ko.
"Mag isa ka lang?"
"May nakikita ka ba na kasama ko?"
Humalakhak siya sa sinabi ko.
"Ang funny mo talaga. I mean, you're always alone every time I see you. Hindi ka naman siguro loner 'no?" Curious niyang tanong sa'kin.
Loner? Hindi naman. May mga panahon na gusto ko ang mapag isa pero hindi ibig sabihin noon ay loner na ako. Hindi rin naman ako umiiwas sa mga tao. There's just something fascinating about being alone.
"I'm not. Wala si Ely, umalis muna para bumili ng pagkain. Bakit pala naparito ka?"
"Wala lang. I saw you na mag isa e kaya pinuntahan na kita para hindi ka na malungkot."
"Loko ka ah!" Napatawa ako sa sinabi niya.
"Hindi, gusto lang talaga kitang samahan. Sakto kasi na wala na akong pasok no'ng nakita kita."
Ganoon naman pala. Sabagay, ganito rin naman kadalasan ang uwi ko. Ayon nga lang, kada Huwebes ay may isa pa akong subject hanggang alas sais.
"So diretso uwi ka na after mo 'kong samahan?"
"Yeah. Boring din kasi sa bahay ngayon kasi wala naman parents ko doon."
Napatango ako at hindi na nagtanong pa. Personal na impormasyon na iyong sinabi niya kaya dapat alam ko na kung kailan titigil.
Dumating na si Ely at may dala dala siyang burger at drinks galing sa isang sikat na fast food restaurant.
Nilapag niya sa mesa ang mga binili niya at hinila ang upuan na nasa tabi ko.
"You're here, Kuya!" At tumingin siya sa lalaki.
"Yes, I saw Glyze here."
"Oh..."
"Are you two dating?"
Natatawa akong lumingon sa kaniya. Tiningnan niya lang kami nang nagtataka at kuryosong tingin.
"No, we're not, Ely!"
"Why? Will you support us if ever we're together?"
Sabay pa kaming sumagot ni Kael at agad akong napalingon nang marinig ang sagot niya.
"OMG, is this happening?! What chapter did I miss Glyze?!"
Hinampas ko si Kael dahil ngayon kinukulit na ako ni Ely. Kalokohan kasi ng lalaking 'to. Hindi na matatahimik si Elyziah niyan.
Tinawanan niya lang ako.
Pinandilatan ko siya ng mata para ipaalam sa kaniya na bawiin ang sinabi niya dahil mabilis pa naman maniwala 'yong isa.
"I'm just kidding, Ely. Naniwala ka naman agad."
"Hmm, okay!" Ely shrugged her shoulders.
Dumating ang oras ng panghuli kong klase kaya tumayo na ako at niligpit ang mga gamit. Ganoon din ang ginawa ng kasama ko. Nagpaalam na kami kay Kael na aalis na.
BINABASA MO ANG
To Break Free (Pleaser Series 1)
Teen FictionGlyze Rhaiah Emerson, a self-concerned education student who struggles to refuse favors. Nonetheless, she met Ethan Jade Cole, a determined man who stands by his principles and does not conform to others' expectations. What do you think will happen...