finale

22 4 0
                                    


Bobby: Gab anong results sa mga test na ginawa mo sa akin?

Hindi agad naka pag salita si Gabriel na tumingin Muna ito Kay Sandy at mommy Peed at staka Naman ito tumingin Kay Bobby,na ilan minuto nang ito nakatitig Kay Bobby,

Bobby: titigan mo na lang ba Ako Gabriel!?..sabihin mo sa akin anong results Ng lahat Ng test ginawa mo sa akin!?

Gabriel: Bobby..

Bobby: ano Gabriel!? sabihin Muna!!..mamatay parin ba Ako!!?

Napakagat Ng labi si Gabriel kasabay ng pag patak Ng mga luha nito,staka ito nag salita

Gabriel: nahuli na Tayo sa pag tanggap mo Ng bone marrow ni Wilmer, Bobby,.kumalat na Ang Cancer cell sa katawan mo pati sa brain mo,..nabali Wala Ang lahat Bobby

Sunod sunod Ang pag patak Ng mga luha ni Bobby nakatingin Kay Gabriel,Ganon din si mommy Peed napatakip ito Ng bibig na pilit nito pinipigilan humagulgul sa sinabi ni Gabriel,humarap Naman sa bintana si Sandy na tahimik na lumuluha habang nakatingin sa puno iisa na lang Ang natitirang dahon nito,.muli Naman nag salita si Gabriel

Gabriel: maiwan na Kita pupuntahan ko si Wilmer kailangan malaman nya ito

Bobby:wag!

Gabriel: huh!?

Bobby: please Gab,wag mo muna sabihin Ang totoo sa kanya,hayaan mo Ako Ang mag sabi sa kanya

Gabriel: Sige,Kong nyan Ang gusto mo,.maiwan na Kita,.. Sandy Ikaw na Ang bahala sa kanya,.tita tawagan nyo na lang po Ako pag may kailangan kayo

Hindi na nag hintay Ng sagot si Gabriel Kay mommy Peed kahit Kay Sandy,. lalong nag uunahan Ang pag agos Ng mga luha ni Bobby kaya niyakap na ito ni mommy Peed Ng mahigpit at humagulgul sa pag iyak habang nag sasalita

Peed: Bobby anakkk!!!

Hindi na nakayanan ni Sandy Ang awang Makita ang sakit nararamdaman ng mag Ina,kaya lumabas na ito na Wala parin tigil Ang pag agos Ng mga luha nito, hindi pa man sya nakakalayo sa kwarto ni Bobby, nagkasalubog nya si Mavy na nag tataka Kong bakit ito umiiyak

Mavy: oh nurse Sandy bakit ka umiiyak,may nangyari ba?

Walang sagot nakuha si Mavy Kay Sandy na tiningnan lang sya nito at staka tuloy tuloy Ang pag lalakad nito,Wala Naman nagawa si Mavy kundi sundan Ng tingin si Sandy napapakamot Ng ulo at kinAusap Ang sarili

Mavy: ano kaya Ang nangyari don bakit-.....sandali, galing sya sa room ni Bobby,.huh..anong nangyari sa boyfriend ni Wilmer? Hindi kaya....Hindi maari!

Agad nag madali mag lakad si Mavy at tumigil ito sa pinto ng ward ni Bobby,sumilip lang ito sa maliit na pahabang glass Ng pinto,Nakita nya mag kayakap si mommy Peed at Bobby umiiyak,.Lalo Naman nag taka si Mavy kinakausap Ang sarili sa isip

Mavy mind: Buhay pa Naman sya,bakit ba sila nag iiyakan,ano ba Ang nangyayari sa kanila,..na saan kaya Ang babe ko,baka sya may alam,. hayst mapuntahan ko Ang babe ko miis ko na sya

Samantala si Gabriel pag dating nya sa examination room,pabagsak ito umupo at tumingala pinikit Ang mga mata at hinayaan umagos Ang mga luha nito nag uunahan, habang kinakausap Ang sarili sa isip

Gabriel mind: insan sorry,Hindi Tayo nag tagumpay, sorry Hindi mo sya makakasama Ng matagal gaya Ng gusto mo,.sana makaya mo pag malaman mo, na kahit anong Oras mawawala na sayo si Bobby

Natigil na lang sa pag iisip si Gabriel Ng may kumatok sa pinto na si mama Welma ito,agad syang nag punas Ng mga luha Hindi parin mapigilan Ang pag patak nito,nakita Naman ito ni mama Welma na may pag tataka Ng pumasuk na ito kahit na Hindi pa sya pinag bukasan Ng pinto ni Gabriel

300 Days With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon