COLE'S POV
"Where were you last night?" He ask.
"I was at the bar, hanging out with Cj."
"Tinatawagan ko si Cj kanina and she told me that she didn't know where you are. So where were you?" Dad.
"I told you I was at the bar."
"I already caught you lying and then you still have the guts to lie?" Dad.
"If you know that I would just lie with my answer, then why are you keep asking me?" I raised my voice in him. "I'm tired dad, just let me rest. And one thing more, there's really something going on between Yzabel and I. And you can't make me marry the girl you choose." I said before walking upstairs leaving him dumbfounded.
"I'm pulling you out from that university. And I will make sure that you'll never get to see that Yzabel again." He yelled back as I walked away.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nag-impake. Oo, tama ang iniisip n'yo. Magtatanan kami ni Yzabel. We would run away from people that is keeping us from each other. We would escape this world and build our world on our own. Katulad ng sabi ko, I would trade everything just to stay in her peace. She's my home, my safe place. The person that I could and want to rest with.
After I packed my bags, dahan dahan akong lumabas ng bahay. I made sure that no one saw me. Sa likod ako nagdaan kung saan alam kong hindi masyadong nagpupunta si dad. At ganitong mga oras din, busy ang maids namin sa kusina. Kaya perfect timing 'to para takasan silang lahat.
This place made me really sick. Bawat kilos ko kalkulado. Bawat galaw ko kailangan alam nila. At bawat desisyon ko dapat sila gagawa. But not anymore. Hindi na ulit ako mag papakontrol na parang puppet sa kanila. Call me whatever you want, but I would never go back to this place anymore.
Itakwil man ako ni dad, I don't care. As long as makakasama ko si Yzabel, I have nothing to worry about. Because in fact I don't need the wealth he can give me. Kung kapalit naman nun ay kalayaan ko sa lahat ng bagay. I prefer to be a beggar but free than being an imprisoned aristochrat.
After few minutes I finally arrived at Yzabel's house. Gulat na gulat n'ya kong sinalubong sa gate ng bahay n'ya. 'Di ko maiwasang matawa sa reaksyon ng muka n'ya. Parang ngayon lang s'ya nakakita ng taong nag aalsa balutan.
"What the hell are you doing with these bags?" Takang takang tanong n'ya.
"I'm going to escape. But with you."
"Ano?!" 'Di makapaniwalang tugon n'ya sa sinabi ko. Kahit sino naman siguro magugulat sa sagot na yon. I know it was so sudden, but didn't she expect these from the first place already?
"No more questions. Let's just leave. Come on. Pack your things. We're leaving."
"We're not going anywhere. We're not going to ruin your life just for this. Kaya bumalik ka na sa inyo." Diretso lang ang tingin n'ya sa'kin habang sinasabi ang mga salitang yon. Na para bang wala lang sa kan'ya.
"W-what? Anong bumalik-"
"You heard it right. Please, itigil na natin 'to." Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. I refuse to believe that this isn't just a nightmare. I know I'm just dreaming. Yzabel would never say that to me.
"Pero handa akong ipaglaban kung anong meron tayo, Yzabel."
"Walang tayo." At sa pangalawang pagkakataon para na naman akong pinag sukluban ng langit at lupa. Bakit n'ya sinasabi 'to? "Umalis ka na. Please."
"But you said you love me?" Anim na salita lang ang nagawa kong sambitin matapos ng lahat ng narinig ko mula sa kan'ya. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin pa pag nagsalita na naman s'ya na katulad nun.
"Hindi tayo mapapakain ng pagmamahal, Cole." Tuluyan nang tumulo ang mga luhang alam kong kanina pa n'ya pinipigilan. "'Wag mong sirain ang buhay mo dahil lang dito."
"Kung natatakot ka na baka itakwil ako ng pamilya ko, don't worry about that. I don't need their money. We can live without his money and his controling power." Pagpupumilit ko.
"It's not just about you, Cole. Buti sana kung wala rin akong buhay na masisira. Sa'kin nalang umaasa ang parents ko. I'm their only child and only hope. Pa'no na sila kung mawalan ako ng trabaho, lalo na pag nawala ako."
I completely forget about that. Akala ko, sa'ming dalawa nalang umiikot ang mundo ngayon. Buong akala ko, merong kami.
"Umalis ka na, Cole. Please lang." Pagtataboy pa n'ya sa'kin.
Tumalikod s'ya agad at nag sara ng gate at pintuan ng bahay n'ya. Ni hindi n'ya ko tiningnan kahit sa huling beses lang. At hindi rin n'ya nilinaw kung ano kami. Kung ano ba talagang koneksyon namin sa isa't isa. Kasi kagabi lang ayos pa ang lahat. Tapos biglang ganito.
"Yzabel mag usap muna tayo, please. Kahit ngayon na lang. Kasi naguguluhan ako, kung ano ba kita, ano mo ba ko, ano bang meron tayo?" Sigaw ko mula sa kinatatayuan ko kanina pa.
"Umalis ka na. Please." Yun lang narinig kong sagot mula sa bintana ng bahay n'ya.
"So you would just dump me like that? Like I was nothing to you?" Sigaw ng isip ko.
Naiintindihan ko namang ayaw n'yang masira ang buhay naming dalawa. Pero sana nilinaw muna n'ya lahat bago n'ya ko iwan nang ganito sa ere. Para hindi ako parang tanga na tinatanong ang sarili ko kung ano nga ba kami. Kasi minahal ko s'ya nang totoo. Pero hindi ko alam kung ganun din ba naramdaman n'ya para sa'kin.
AN: Hello mga bakla HAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAH long time no update. Naka mid year break ako kaya naisipan ko nang mag ud. July last year pa naka sulat 'tong chapter 7, tinatamad lang talaga akong ilapag dito HAHAHAAHA. But anyways, here you go. Try ko kung makakapag update pa ko ng isa pa bago matapos 'tong mid year break. Senior high na kasi si otor n'yo kaya busy busy-han HAHAHAAHAHAHAHAH. Yun lang. Good bless everyone. And stay tuned para sa mga susunod pang chapters