YZABEL'S POV
I was busy writing my resignation letter nang biglang may tumawag sa'kin. Si Lara. Oh gosh nakalimutan ko nga palang makikipag kita ako sa kan'ya ngayon. Umaga palang kasi ang dami nang nangyari sa araw na 'to. Nakalimutan ko tuloy yung dapat kong gawin.
"Where are you? Kanina pa ko nandito sa meeting place natin. You want me to pick you up?" Sambit n'ya mula sa kabilang linya.
"Actually, Lara..." Huminto ako at nag isip kung ano bang dapat kong sabihin sa kan'ya. Should I also turn her down? Pero bakit naman? Cole is the only reason para i-reject ko na si Lara. But now that she's gone. I don't think I still have reason para patigilin si Lara.
"What? Come on, say it." Lara.
"Nevermind. I'll be there in a few minutes."
"Puntahan nalang kita. I have something important to say. Hindi pwedeng dito sa public place pag usapan." Sambit n'ya.
"S-sige." Nagtatakang sagot ko.
Habang hinihintay ang pagdating ni Lara, tinuloy ko nalang ang pagsulat ng resignation letter. Iniisip ko rin kung ano bang dapat kong gawin sa kan'ya. I don't love her anymore. But I don't know why I can't turn her down. Nalilito na ko.
When she arrives, we immediately open the topic that we should talk about.
"I'll go first." Pag papatiuna n'ya.
"I regret breaking up with you. And actually, I was drunk that time. Remember? I first called your number pero pinatay ko agad isang ring palang. Because it wasn't me. It was Brei." Pag uumpisa n'ya sa kwento na agad namang kinataka ko.
"Like what I said, lasing ako nun. And she told me to call you and break up with you. Pero naalala n'ya na lasing ako at mapapansin mo yun pag tumawag ako. Kaya hinablot n'ya yung phone mula sa kamay ko and texted you instead." Pag pagpapatuloy pa n'ya. Unti unti nang nagiging malinaw sa'kin.
"And after that, something happens between us. Pero trust me, Yzabel, hindi ko ginusto yun. I regret everything na nangyari nung gabing yun." Nag umpisang nang mag unahan ang luha sa mga mata n'ya.
"She took a video of us. At ginagamit n'ya ngayon yun laban sa'kin para gawin ko yung gusto n'ya. She wants me to court you at pagnakuha na kita ulit, I would leave you hanging. That's what she wants to happen." Lara.
"So hindi totoo lahat ng 'to?"
"No. I do really love you. In fact, humahanap ako ng paraan para sabihin sa'yo at para matakasan s'ya." Ramdam ko ang takot at lungkot sa boses n'ya.
"What do you want to happen now?"
"Tulungan mo ko, please. Brei is a psycho. Hindi s'ya titigil hangga't alam n'yang mahal pa kita." Lara.
"Then stop loving me. I don't need your love anyway." She was stunned by what I said.
"P-pero Yzabel-" Hindi ko na s'ya pinatapos pa.
"Pinasok mo 'yan, ikaw bahalang lumabas d'yan. And besides, hindi naman ako madadamay sa gulong pinasok mo kung titigilan mo na ako."
"So hahayaan mo lang talaga ko? Yzabel, dalawang taon yung pinagsamahan natin. Ganun ganun nalang yun? Iiwan mo nalang ako nang ganun ganun nalang?" Nag-iiba na ang tono ng boses n'ya.
"Eh sino ba sa'tin ang unang nang-iwan? Ako ba?"
"Lasing nga ako, Yzabel. Kinuwento ko sa'yo kasi akala ko maiintindihan mo, kasi akala ko matutulungan mo ko." Lara.
"Mali ka ng akala. Saka d'yan ka naman magaling Lara eh. Puro ka 'lasing ako nun' pero hindi ka titigil sa pag inom mo kahit alam mong mauulit lang din yun pag nalasing ka. 'Yan nalang lagi mong dinadahilan sa'kin." Mahabang litanya ko.
"Karma mo na siguro 'yan dahil sa mga pambababae mo tapos dinadahilan mo sa'kin na lasing ka. Kung alam mo namang hindi mo kayang kontrolin sarili mo pag nalalasing ka bakit iinom ka pa? Buti sana kung nagwawala ka lang pag lasing ka. Kaso hindi eh. Kung sino sinong babae pumupulupot sa'yo pag lasing ka." Dagdag ko pa.
"Yzabel..." Sambit n'ya ni hindi man lang magawang tumingin nang diretso sa mga mata ko.
"'Wag mo kong ma-Yzabel Yzabel d'yan, Lara. Tapos na tayo. At tandaan mong ikaw ang tumapos sa kung anong meron tayo." Sambit ko bago tuluyang lumandas ang luha mula sa mga mata ko.
"Umalis ka na, please. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo." Dagdag ko pa.
"Yzabel, I'm sorry-" Lara.
"Lara, wala nang saysay ang sorry mo. So leave. NOW!"
Pag kaalis na pagkaalis n'ya ay tuluyan na kong napahagulgol ng iyak. Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko hinigop ng sama ng loob ang lahat ng lakas na meron ako.
LARA'S POV
Nag drive ako pauwi na blangko ang isip. Ni hindi ko alam pa'no ko nakapag drive nang ganun. Ang alam ko lang, Yzabel already had enough of me and my shit. Siguro tama s'ya. Karma ko na 'to. Hindi ako nag iisip nang maayos kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Pag dating ko sa bahay, bumungad sa'kin si Brei na naka upo sa sala. Pinapanood yung sex video namin sa tv.
"Brei, ano ba 'yan? Patayin mo nga 'yan." Iritang sambit ko.
"Bakit? Tayong dalawa naman 'yan eh." Sambit n'ya sa nakakalokong boses.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman gan'yan dati ah."
"Hindi ka rin naman gan'yan dati. Pumunta lang ako abroad para mag aral tapos pagbalik ko may iba ka na. At kaibigan ko pa talaga." Brei.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Nasa katinuan ka pa ba? Walang tayo bago ka umalis. Never naging tayo."
"Pero sabi mo hihintayin mo kong bumalik." Sambit n'ya na parang nagpapaawa sa'kin. Bakit ba ganito kinikilos n'ya? Ano ba talagang mangyayari sa kan'ya?
"Kailan? Nung after natin mag graduate ng highschool? Brei we were teenagers. It was just a puppy love. Bakit mo sineryoso?"
"Kasi mahal kita." Nagbago bigla ang tono ng boses n'ya. Kung kanina nagpapaawa at nakakaloko, ngayon ramdam kong iba na. May tensyon sa boses n'ya na hindi ko mawari. Ang hirap ipinta ng mga kinikilos ni Brei. Ang hirap hulaan ng tumatakbo sa utak n'ya.
"Lara, if you're not meant for me, then you're not meant for anyone. Lalo na kay Yzabel." Sambit n'ya bago maglabas ng baril.
"Brei, ingatan mo 'yang hawak mo. Makakapatay ka pag hindi ka nag ingat." Nanginginig sa kaba ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang yun.
"Well that's actually my intention kaya dinala ko 'to. To kill someone." Ngumiti pa s'ya sa'kin na parang hindi brutal yung sinabi n'ya.
"Brei, you love me, right? So you won't hurt me, right?"
"Yes, I love you. But no, I can't promise that I won't hurt you." Brei.
"No... Please... No..."
"You choose, saan kita babarilin? Sa ulo ba?" She said pointing the gun to my forehead. Then change its direction. "Or sa dibdib?" Now towards my chest.
"PUMILI KA NA!" Sigaw pa n'ya nang hindi ako magsalita.
"Sa ulo-"