Dette's reminder:
Sorry Antagal tagal kong di nag-update. Feeling ko wala ng nagbabasa nito. Hahah. Anyway, Ito na. Magustuhan niyo sana,
Magupdate ako sa MUBG later this week. Ayun lang! :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
My Fate 5
"Hi Jin!", sabi ni Liam habang nakangiti.
"Musta? Tagal nating di nakapag-usap ahh.", pagbati ni Jin.Nakakairita naman.
Aalis na dapat ako dahil sobrang awkward na ng atmosphere at baka manapak pa ako ng wala sa oras.
"Kumusta?"
Hay nako. Bakit ko ba kasi kinaladkad yung kapatid ko dito. Pwede naman papuntang Tan Yan Kee na lang. O kaya sa Quadri park. Bakit dito nga? -_-"
"Wui ate! Kausap ka kaya."
"Ha?" ganyan mukha ko. -> o-o
"Nako Kuya Liam. Yaan mo siya siya. May sapi na naman siguro ito."
Bigla akong bumalik sa katinuan. Hinatak ko agad yung buhok ni Jin.
"Ano? Sinong may sapi."
"Wala ate. Sabi ko ano. Sa. Sa.. Sapatos. Tama! Bibilhan kita ng bagong sapatos.", pagpapalusot ni Jin. Napatigil kaming dalawa ng biglang may tumawa.
"Anong tinatawa tawa mo?" , inis kong sabi kay Liam.
"Wala. Ang cute niyo lang magkapatid. Oh sige na Jin. Alis nako. Magpapractice pako eh.", kaagad naman itong naglakad pabalik sa lugar kung san siya nakapwesto kanina.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang inaayos niya yung viola niya.
"Ate, baka pwede mo na akong bitawan. Mauubos na ata buhok ko."-Jin
Ay siopao. Nawala sa isip ko yun. Hahaha!!!! Binitawan ko na yung kapatid ko.
"May klase ka pa ba? Uwi na tayo." -Pagyaya ko sa kapatid ko.
"Wala na ate. Pero inaantay ko kasi si Minji. Sabi ko tutulungan ko siyang magresearch ngayon."
Haay. Buti pa ang kapatid ko. Lumalove life. Haaayy.Napansin siguro ni Jin ang pagbabago ng mood ko kaya bigla na lang niyang sinabi na,
"Hanap na lang ako ng pwedeng utuin para ligawan ka ate. Hahahaha!!"
Sinamaan ko siya ng tingin at biglang lumipad ang kamay ko kaya tumama sa tiyan niya.
"Sh*t! Brutal ka talaga! Kaya walang pumapalag sayo eh."- Pang aasar ni Jin.
Hahabulin ko pa siya ng isang sapak pa kaso ayun. Nagtatakbo na. -____-"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan may mga tao talaga na papasayahin tayo. Pero di natin alam na darating yung panahon na iiwan din nila tayo. Akala kasi natin na lahat ng nagpapasaya satin nagtatagal. Akala natin hanggang huli. Yun pala hinde.
Okay. Nagpost na naman ako ng kadramahan ko sa facebook. Dito ko lang nalalabas lahat ng sama ng loob ko. Anyway andito nako sa condo ni Jin. Hinde pa din tapos yang walanjong condo ko. Naiinis nako ha. -__-""
Nagulat ako ng may biglang magcomment sa status ko.
Liam Franz commented on your status.
Liam Franz - Masyado mo kasing pinaikot ang mundo mo sa kanya. Marami namang iba diyan na kayang magmahal sayo. Hinde lang partner sa buhay ang kayang magpasaya sa isang tao.
Tama. May point nga naman siya. ARGH!!!!!!! Lalo lang akong nadepress eh. Siraulong ito. -_-"
Nagdecide ako na magluto na lang muna ng dinner total malapit ng mag six o'clock ng gabi.
Nagstart nakong magluto ng adobo. Ito lang kasi pwede kong lutuin sa mga nakalagay sa ref. Kailan kaya huling naggrocery ang kumag na ito. -_-
*Shut up, I really don't wanna hear it as my tears dry you better beg*
Luh! Yan pa din pala ringtone ko. Anyway sino kayang tumatawag? Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng mesa kung san ako naghiwa ng mga lulutuin.
*We loved each other, he's the only one for me*
Naiiyak na naman ako. Bwiset! Ano ba yan Jeira. Tigil na! Pumikit ako at sinagot yung tawag.
"Hello?"
Nagulat ako ng may pamilyar na boses ng lalake na sumagot sa kabilang linya.
"Hello! Hiningi ko number mo kay Jin. Sorry ha. Feeling ko kasi kailangan mo ng kausap ngayon."
Siopao! Si Liam! Anampatols yan oo. Ahmm. Ahhh.. Ano bang sasabihin ko.
"Ui! Ahmm.. Ahhh. Ganun ba? Wrong timing ka kasi eh. Nagluluto ako ng dinner. Next time na lang siguro."
"Ganun ba? Sige tawagan na lang ulit kita mamaya. Kung okay lang sayo. Syempre."
"Ahm. Okay. "
"Sige. Bye."
"Bye din!"
Bago ko maibaba yung tawag nagulat ako sa sinabi niya
"Ngumiti ka lagi. Di bagay sayo ang malungkot."
Tapos natapos na yung tawag.
Hmmm. Anong trip kaya yun. Bakit naman siya biglang nagmalasakit sakin. Ang labo din ng gagong yun eh.
Haaayy.. Ano yung naaamoy ko? Parang sunog. Hmm...
OH siopao!! Yung niluluto ko!!!Grr... Di pa naman masyadong sunog pero waaaahhh... Anong kakainin ko ngayon. Jin kasi eh!.
No choice na ako kungdi ang kumain ng noodles. Haaayy.. Nakakasama naman lalo ng loob. Ano ako nasa koreanovela kaya noodles na lang kakainin?! Haaayy..
Habang sarap na sarap ako sa pagkain ng noodles at nagbabasa ng Hunger Games, tumunog yung cellphone ko.
Binuksan ko ito at nakitang may nagtext. Unknown number. Hmmm..
Di bale. Binuksan ko na at binasa.
From: 0935*******
Pwede na ba akong tumawag? :D
Dette's Reminder:
Ano kayang gagawin ni Jeira? Hmm. Oh well. Alamin na lang natin next time :D
BINABASA MO ANG
My Unexpected Fate <3
Teen FictionSi Jeira Avila ay isang Goody to shoes na babae. Sinusunod lahat ng gusto ng mga magulang niya. Kahit ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayahan. Maprinsipyo at matalino. Hindi umaatras kahit kanino. Pero sa kabila ng lahat, may isa palang ta...