My Fate 4 ♥

13 0 0
                                    

Dette's Reminder :

Hi! Tagal kong di nagupdate alongside MUBG. Sana Tangkilikin niyo din ito. :)

Si Jeira nga pala at ang kanyang makulit na kaklase na si Thrinna. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 4

My life here in AB is great! Napakadaming happy memories na agad ang nagagawa ko with my new found friends. <3

Ang cute pa ng P.E. namin. Social dancing. Kagagaling lang namin sa klase namin na yun mula sa QPAV. Nandito kami ngayon sa Rosarium para magpahinga.

“Jeira, Nahirapan ka ba mag-adjust samin?” – Tanong ni Thrinna. 

“Hindi naman. Bakit mo naman natanong?” – Ako

“Kasi po di ba. Mas matanda po kayo samin tapos second course niyo na ito. Di po ba?” –Thrinna

“Ahh. Sanay na ako. Madali lang naman kasi mag-adjust total AB naman si Jin.” Pagpapaliwanag ko.

“Ate Jeira. Pwede magtanong?” – Cielie

“Ano yun?”

“Bakit po kayo nagpalit ng course? Yung totoo?

Aray. Sabi ko na ng aba at tatanungin nila sakin ito. Haay.

“May iniiiwasan kasi ako.”

Nagulat ako ng biglang lumapit lahat yung mukha nila sakin.

“Sino?”  Tanong ni Shawntel.

“EX ko. Professor ko kasi ng Educ sa UBC yun. Baka makatrabaho ko pa. Mahirap na. HUMWAHAHA” –Ako

Nako nervous laughter wag kang ganyan! >-<

“Ahh. Kaya naman pala. May Love involve. “ – Zae.

Lumayo na ulit sila sa mukha ko. Mga lokong babae ito. Uminom na ulit ako ng milk tea. Habang umiinom ako, tinitignan ko ang lahat ng dumadaan sa harap namin.

“BOO!”

“PUTANGINA!”- Ako

Leshe talaga. Gulatin daw ba ako? Pagtingin ko sa likod.  Si Pau lang pala.

Yung nag-iisang BABAE sa barkada namin. HUMWAHAHA

Dahil sa ginawa niya sakin. Hinambalos ko lang naman po siya.

“ARAY! Grabe ka naman sakin! Parang ikaw yung lalake sating dalawa “ Pau

“Kung inatake ako sa puso ha! Bad trip.” –Ako

Ngayon ko lang pala nabanggit. May prolapse pala ako. Since 2nd year high school. Kaya masama sakin ang sobra sobrang emotions. Kasi inaatake ako agad sa puso.

*BOOGSH*

Nabigla na naman ako ng biglang may nanuntok kay Pau.

“Gago ka! Kung inatake sa puso ate ko!” –Jin

Aww. Patay tayo dyan.

“Jin ayos lang naman ako. OA ka na naman.”

Grabe. Hindi ko man lang siya nakita. Ambilis talaga ng GANGSTER signal ng lalakeng ito. Hindi na ako nagulat ng makita ko yung expression nung 4 na kasama ko.

“Woah! What was that bro?!” –Pau

“Bro your fucking face bastard!” –Jin

“Shut the eff up Jin! Ayos nga lang ako. Nakikipagkulitan lang ako sa mga kaibigan ko. OA ka lang talaga.”

Kahit kalian padalos dalos siya. Kaya tuloy napapahamak nung highschool eh. Kung ano anong ginagawang kabaliwan. Napaka protective naman kasi masyado ng lalakeng ito.

“Sure ka Ate?” Tumingin siya sakin tsaka kinuha ang kamay ni Pau at tinayo ito. “ Sorry Brad ha. Nagiisang kapatid ko lang yan. Ayokong mawala siya samin.” Sabay ngiti niya.

Nako. Buti na lang talaga wala masyadong nakakita sa ginawa ni Jin kungdi suspended siya. Nakakalimutan ata niyang CSC president siya. BALIW TALAGA.

“Ayos lang. Sorry din. Hindi naman kasi namin alam na may sakit siya.” –Pau

Kaya nga ayokong sabihin ko kasi aalalayan niyo na ako. Haaayy.

“Sige kita na lang ulit tayo mamaya ha. JIN! SUMAMA KA SAKIN NGAYON NA!” Sigaw ko habang hawak hawak ang tenga niya.

“Paano ako hindi sasama kung hawak hawak mo na tenga ko?”

“Wag kang maingay diyan! Baliin ko buto mo eh.” Sabat ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad at kumaway naman sina Thrinna sakin.

Patay sakin ang lalakeng ito.

“Ano bang pumasok diyan sa isip mo ha? Bakit mo ginawa yun?” Panenermon ko sa kapatid ko.

“Nag-alala lang naman ako Ate. Sorry na. Ang sakit na talaga ng tenga ko. Mapuputol na ata.”

“Wala akong pakialam! Kumuha pa akong gunting para putulin yan eh.” Sabay nguso ko sa kanya.

“Sorry na ate.” Pamimilit sakin ni Jin.

Haay. Kungdi ko lang kapatid to pinatapon ko na ito sa mga bull shark. -_-

Pagkatapos ng isang madiin na pisil binitawan ko din ang tenga niya.

“Akala ko mapuputol na tenga ko.” –Jin

Tinignan ko lang siya ng masama.

“Sabi ko nga ate mahal na mahal kita. J “

Kala ko magrereklamo pa sakin. Andito na pala kami banda sa harap ng main building. May mga estudyante ng music ang tumutugtog doon sa may mga bench. Pero may isang lalake dun na tumutugtog mag-isa. Tinitigan kong mabuti. Si kuya nakabangga ko pala. -_-

May hawak siyang viola. Sigurado ako viola yun. Mas maliit kesa sa violin. Ata? Haha

Seryoso. Gwapo pala siya. Kumulo kasi agad dugo ko sa kanya sa Albertus eh.

Napansin kong tinitigan ako ng kapatid ko tsaka tinignan din ang tinitignan ko.

“Type mo ate?”  Sabay ngiti niya.

Aba! Mabatukan nga!

“Hindi ah!”

“HAHAHA!!Okay lang ate! Pabor ako diyan kay kuya Liam Francis Rebulanan. Kasali sa Ust Orchestra yan.” Tapos ngumisi siya.

Siraulo ito. Banatan ko siya eh.

Nagulat naman ako ng biglang tumingin samin si Liam habang tumutugtog ng viola. Napatigil siya at tsaka natulala samin. Nagulat ako ng bigla siyang maglakad papunta samin.

Biglang nag-init yung mukha ko.Lalapitan ba niya ako?

My Unexpected Fate &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon