My Fate 2 ♥

13 0 0
                                    

Dette's Note

Hey Readers! (Kung meron man. wahahaha)

Hope you enjoy this Chapter :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 2

“Miss Avila, Welcome back to UST!”, pag bati sa akin ni Mrs. Park, ang Dean ng Faculty of Arts and Letters.

“Thanks for taking me back Ma’am. I never thought I’d return.” Well totoo naman. Isa kasi sa mga pangarap ko na mag-aral abroad and I’m throwing it all to waste by starting from scratch. From Education nagshift ako ng Journalism. Ewan ko ba. Gusto ko naman magsulat kaya okay lang. Maganda naman ang UST. Recognized naman worldwide ang School na ito. Kaya hindi pa din ako nawalan kahit papaano.

“It’s my pleasure Miss Avila. I can’t let a precious thing as you go again from USTe.” Then she smiled.

“Thanks for the remark. I suppose I should go. Have a good day Ma’am.”,  I said happily as we shook our hands.

Naglakad na ako paalis ng dean’s office dahil mangungulit pa ako sa kapatid kong loko. Wahahaha…  tamang-tama. Malapit na ang birthday niya. Sarap pa naman asarin nun. ;)

Nasa 3rd floor na ako ngayon ng Albertus Magnus (pronounced as Manyus) building more commonly known as EDUCATION Bldg.Gusto ko lang bisitahin ang building na ito. As you guys already know, Educ Major ako dati na ngayon ay shifter na ng Journalism Oh well. By the way. Porket EDUC bldg. ang tawag dito ay puro education students lang ang nandito. HELL NO! May tatlong colleges ang makikita dito. Not to mention the UST Education High School kung san ako graduate. Ang mga colleges na makikita dito ay Ang Education, Tourism and Hospitality and Management and last but the least, (JOKE!) last but regarded as the least, Conservatory of Music.

Actually, hindi ko alam kung bakit pinag-aaralan pa ang music na yan. Puro pagtugtog lang naman ang gagawin mo. Bad trip talaga. Napaka iingay at napaka pasaway pa naman ng mga estudyante na yan. Dapat paalisin na yung buong conservatory nila sa building namin. Sayang espasyo eh. Puro mga kalokohan lang alam nilang gawin. Shomay much. Oh well.

Dahil hindi naman ako estudyante ng Educ, kailangan kong akyatin ang 3rd floor by stairs. Si Jin kaya ito palibhasa takot kasi mag elevator. Haay.. Naaalala ko pa yung araw na yun. Yung araw na kinailangan kong maging maangas para lang hindi ako matawag na mahina. Haayy.. Nasa 3rd floor kasi yung Dean’s office. Mangungulit lang sa TIta ko. By the way, Professor sa Educ ang Tita namin. And I’m on way to visit her.

Dahil nag-aayos nga ako ng mga papeles ko for transfer and shifting, marami akong dalang gamit. Hmm.. Asan na kaya si tita. Dinalhan ko pa naman siya ng Caramel Macchiato.  Ayoko pa naman ng amoy nito. Oh well. Sayang effort ko na bilhin ito kung hindi ko naman siya makikita. Ayan isang liko na lang towards the Faculty of Education ng biglang..

*Boogsh*

“ARGH!!!!!! Lesh!! Yung damit ko!”.

Kapag sinuswerte ka nga naman! Naka-white shirt pa man din ako at pag mas sinuswerte ka pa nga, favorite shirt ko pa. ARGH!! Pati yung mga papers ko na basa. Kainis!! Kaagad kong kinuha yung panyo ko para linisin ang mantsa na kumapit dito. Sa sobrang pagpipilit ko na maalis ang mantsa sa damit ko, nakalimutan ko na yung taong nakabangga sa akin.

Tsk. Kaya naman pala tatanga-tanga. Music Major pala. Kainis! Mga pasikip lang ng Albertus ang mga yan eh. Mga taga - suffocate lang sa atmosphere.

My Unexpected Fate <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon