Dette's Reminder:
Hey guys! Sorry kung hindi ako laging nakakapag UD. Sorry naman po.
Ito na yung UD ng MUF. Try ko iupdate yung MUBG after ng Summer classes ko ha. Busy pa kasi ang peg ng writer niyo eh.
Please vote and comment :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 3
“So we have a transferee. Miss Avila, care to introduce your self?” , Prof. Peppin.
Nakaw! Junior na nga ako ng batch na ito ipapamukha pa nila sa akin. OUCH! Nandito na ako sa Rm. 201 para sa klase ko. Go AB! (Bias agad nuh? Wahaha!) Puro First years ang mga kaklase ko. Dahil back to zero ako. Aww.. Sana maging mabait sila sakin. Kung hindi man, tatamaan sila sakin. ABA! 3 years ahead ako sa kanila kaya tigilan nila ako.
“Hi guys! I’m Jeira Avila. 18 years old. I’m a transferee from University of British Columbia and a Shifter from Education as well. Nice to meet you all! “ , tapos ngumiti ako.
“Anyone want to ask Miss Jeira some question?” , tanong ng prof namin.
Iniiwasan ko nga ito eh. Ano ba yan! >_<
Nag-taas ng kamay ang isang babae na may mga bilog na mga mata. Grabe! Ang cute cute niya! Gusto ko siyang maging kaibigan! :3
“Miss Jeira, Bakit hindi mo po tinuloy yung previous course niyo? Mahirap po ba?” , Doll eyes girl :D
OmO !!
Ang cute niya! :D
“I suppose miss?” hindi ko kasi alam ang pangalan niya eh.
“Thrinna po.”
“Ahh. Yes. Thrinna. Hindi ko na kasi sure kung yun ba talaga yug nararapat na course for me.” ,-Ako
Well tama naman ako. Hindi ko na kasi alam talaga kung dapat pa ba akong mag education lalo na nagsisimula na ulit bumalik ang anger anxiety ko pag naaalala ko yung walang kwentang JM na yan. Patayin ko yun eh. Hindi naman pwedeng maging teacher pa ako baka sa mga bata ko ibunton yung galit ko. Ayoko ngang makulong. >-<
“It’s already time. Welcome to AB Miss Avila. See you tomorrow guys!” , Prof Peppin.
Natapos na rin yung klase namin. Afternoon classes kasi ang 1st year journ majors. 11-3pm pag MWF at 1-7pm pag TTH. Pag dating naman ng 2nd year 7-11am pag MWF at 7-1pm pag TTH. Pag 3rd year and 4th years naman 3-9pm ang schedule namin everyday. Grabe.. Gabi kung gabi talaga.
Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko ng may lumapit sakin. Si Thrinna pala :D
May kasama siyang 3 pang mga babae. Yung isa sobrang payat niya. Tapos matangkad pa, siguro model siya. Yung isa naman hindi naman siya maliit pero hindi din siya matangkad. Tama lang. mukha siyang cosplayer. Hmm.. Last but not the least eh yung ising girl. Medyo mas matangkad ako sa kanya ng konti pero mas maiksi yung hair niya.
“Hi Jeira!” , greet sakin ni Thrinna
“Hi!” tapos ngumiti ako.
Agad naman na lumapit sakin ang iba nyang mga kaibigan.
“Siya nga pala si Zee. Photographer ng barkada namin. Siya naman si Shawntel and resident joker at si Cielie ang may pinaka nakakahawang tawa samin.”
Tapos isa isa silang nakipag shake hands sakin.
“Nice to meet you. Sana maging close tayo.” Then nag-bow ako.
“San ka na pupunta Jeira?” , tanong sakin ni Zee.
“Uwi na siguro ako. Actually wala akong pupuntahan. Mangungulit lang ako sa baliw kong kapatid.” , sagot ko,
Si Jin lang naman kasi kakilala ko sa building na ito. Oh well.
“Sama ka sa amin Ate Jeira. Kakain kami ng Biangrae sa may Hana-yo sa Don Antonio.” , yaya sakin ni Shawntel.
*-*
Parang biglang nagningning yung mga mata ko. My lovable Korean ice cream!!!!!!!!!!! Matagal na akong hindi nakakain nun! My gosh! Huli ko kasing kain nun kulang na lang magpatayan kami ni Jin sa pag-aagawan ng ice cream.
“Talaga? Sige!” agad kong pag-payag
Kinuha ko na yung bag ko na may keychain ni Sunny ng SNSD. Idol ko kasi siya. Siya yung pinakaBIAS ko sa lahat ng mga KPOP IDOLS ever!!!
“WOW! Si Sunny!” , sabi ni Cielie.
OmO!!
WOW! Kapwa ko KPOP FAN!!
“Halyeu kayo?” , nakaka gulat talaga. Bihira kasi ang mga Halyeu na Thomasian. Baduy daw kasi kami. Bad trip!
Nagtinginan silang apat tsaka sabay-sabay na sumigaw ng
“OO!!”
\(^-^)/
OMAYGOSH!! Nakakatuwa!!!!!! Kasi inaalipusta ang KPOP sa Canada. Ako lang Kpop fan sa lahat ng klase ko sa UBC dati. Buti na lang pala bumalik ako ng UST!!! Nakakaexcite! :D
“Talaga? Sinong bias niyo? “ , mukha na akong creepy nito sa lagay ko. Pagkalapad lapad na kasi ng ngiti ko eh.
“Bias ko ang EXO.” , sabi ni Thrinna
“Siyempre GD my loves!” , pagwawala ni Zee.
“No one else but Ilhoon beybe!” , pag tingin ni Shawntel sa taas.
“Grandpa Sunggyu siyempre!” , pagpapacute ni Cielie (pronounced as Shelly)
Pagkatapos nun wala ng kamatayang KPOP ang pinag-usapan namin. Nakarating na kami dun sa restaurant para bumili ng Ice cream pero wala pa rin kaming tigil sa pagdadaldalan.
“Jeira, pagkailangan mo ng help para makacatch up sa amin sabihan mo lang kami ha.” , masayang sagot ni Thrinna
“Salamat ha. Oh siya. Kailangan na nating umuwing lahat. Baka sabihan pa akong B.I. ng mga magulang niyo.” , - Ako
Tapos isa isa na kaming nagsi-uwi.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Fate <3
Teen FictionSi Jeira Avila ay isang Goody to shoes na babae. Sinusunod lahat ng gusto ng mga magulang niya. Kahit ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayahan. Maprinsipyo at matalino. Hindi umaatras kahit kanino. Pero sa kabila ng lahat, may isa palang ta...